Sabado. Lazy afternoon. Nag-iinternet ako.
Wala lang. Surf surf lang. Nagresearch ng madali tapos naglaro na ng 2k13.
Pampalipas oras lang. Ilang minuto ay may pumasok na mga bata, mga elementary
pa lang. Kanya kanyang kompyuter. “One hour kuya”. Sabay click click, laro ng
counter strike, barilan at murahan. Di
nagtagal napuno na rin ng ilang kabataan yung computer center, mga highschool
nagdodota. Katapos ng laro ko lumabas na rin ako, maingay na sa loob.
Pagkalabas ko, nakita ko na maganda naman
ang panahon, malilim at maganda ang hangin. Kung ako ito noon, nung bata pa
ako, siguro naglalaro ako nito sa labas. Yung mga larong nagpapasaya at
nagpapatuwa sa atin. Siguro lalaro ako ng tumbang preso kasama mga bata sa
aming lugar. O kaya naman “finish finish”, yung titirahin mo yung isang
kapares ng tsinelas mo hanggang finish
line. O kaya kahit ano lang, basta nasa labas ako at ineenjoy ang pagkabata.
Kung noon naglalaro pa mga bata pagkatapos ng
klase, ngayon una unahan na para makalabas ng paaralan para makapagplaystation
o pc. Nasaan na ang masasayang laro? Noong panahon namin papagalitan na lang
kame ng mga magulang dahil di umuuwi kaagad sa kalalaro. Kung noon buong
katawan nagagamit sa paglalaro, ngayon mga daliri na lang. Halos mflat na ang puwet
sa kakaupo s aharap ng kompyuter.
Naalala mo pa ba yung larong sipa? Yung mga 5 cents linalagyan ng
wrapper ng snow bear of white rabbit tapos yun, may laro ng sipa. Ehhh yung
pasahan? May tennis ball lang tapos pasapasahan na. Alam niyo ba yung “nurusingkulay”
o “base base”, yung may dalawang base tapos magkabilang kampo, habulan hanggang
maubos ang isang team, yun yung counter-strike namin dati!
Siguro naglaro ka na rin na “Steps”, yung
sa hagda kayo naglalaro tapos kailangan talunin niyo ang step ng tinutukoy nung
taya? Yung langit lupa, ito yung pinakamasaya, buong araw na langit lupa. Isang
week pa nga. Kahit nagklaklase ay tuloy pa rin ang laro, laha ng paa di dapat
nakatapak sa sahig. Pagpinrecite ka, malas mo kailangan mong dahil siguradong
ita-tag ka at ikaw na ang taya. Sino ba ang makakalimot sa taguan na buong
paaralan ay puedeng pagtaguan. Kung taya
ka, buong araw ka ring taya. Good luck na lang sa iyo sa humpyang. Yung
patintero, mas maganda kung sa kalsada kung saan nakakaabala sa mga dumadaan.
Mas nakakaabala mas masaya!
Eh yungluksong baka, luksong tinik, o
kahit anong puedeng talunan na laro. Chinese garter, nakasaya pa nun yung mga
babae, ilang taon ka pa lang nakakakita ka na ng panty slip. Naglalaro rin yung
curious na mga boys o sadyang di pa naglaladlad. Skipping rope, masaya yun, lalo na pagnatatamaan ka ng lubid
habang mabilis na ang ikot nito.
Jackstone, masyang laro ito, noong grade 3 ako, ito yung naging game for
the month, araw araw, yung mas nakakatawa pa eh yung magagaling sa klase mga
lalaki. At tipong mga tigasin.
Siyempre sino ang makakalimot sa laro ng
bayan na habula, takbo ng takbo, buong campus yung arena. Kahit college kame
yun pa rin lalaro namin, yung isa aastang parang Naruto, mas mabilis daw
tumakbo pag ninja ang pakbo. Yung batuhan gamit ng mga bunga ng pine tree o
yung isa na mga maliliit na green na mababaho. Akyatan ng puno, laro sa swing.
Soccer! Improvised baseball na sinisipa yung tennis ball.
Ang raming laro. Kanya kanyang trip lang
noon, masaya yung kalsad. Gusgusin sa pag-uwi. Okay lang masaya ang buhay. Ano
na ba ang nagiging kahulugan ng pagkabata ngayon? Ito na bang teknolohiya?
Advancement? Innovative learning? Sa bahay na lang at puro kompyuter? Nasaan na
ang laro? Nasaan na ang habulan? Ito na ba ang bagong henerasyon? Nakadikit ang
mga puwet sa upuan habang nakatutuk ang mata sa screen at daliri na lang ang
gumagalaw?
Pagkauwi ko, nakita ko frame ng isang
saranggola. Tapos nandoon kapatid ko, lalaro ng computer games. Kanina pa yun
pag-alis ko hanggang ngayong pag-uwi. Nagdesisyon akong ayusin yung saranggalo. Para bukas isama ko siya sa may dagat
at magpalipad nito. Maipakita na ang
masasayang bagay sa mundo ay hindi nasa maliit na box.
No comments:
Post a Comment