Kung bibigyan ka ng pagkakataong mabuhay ulit, pipiliin mo bang ipanganak na
Pinoy ulit?
Simpleng
tanong lang pero napakakomplikadong isipin ang isasagot. Sasabihin ng iba,
hindi naman mahirap, oo o hindi lang naman. May pahabol pang, “Siyempre oo ang sagot,
di na kailangan pang pag-isipan yan. Nasaan na ba ang iyong pagiging
makabayan?” What a hypocrite, siyempre sa harap ng camera o ng maraming tao yan
ang sasabihin mo. Ngangaral ka sa pagiging makabayan ehhh sa ahit nga paghinto
kung naririnig mo ang tunog ng pambansang awit ay di mo magawa.
Ako
aaminin ko, malaki ang pagdadalawang isip ko nung naging tanong ito sa isag
essay namin sa exam. Kung gustong mong makakuha ng malaking grade eh oo ang
magandang sagot at lagyan mo ng mga justification ng isang pagiging makabayan.
Pero kung lalaliman mo ang pag-iisip at timbangin ang lahat, ano nga ba?
Gugustuhin ko pa kayang maging Pilipino ulit?
Kahirapan,
balikong sistema ng gobyerno, napakaruming politika, di mawalang kurapsyon,
nakakabuwiset na pamumuhay, mataas na bilihin, magulo na bansa, at media
politics. Kung ganito kagulo na ang Pilipinas, nanaisin mo pa bang maging Pinoy?
Sa bansang mahirap magkatrabaho. Mahirap ang pamumuhay. Maliit ang sweldo.
Mataas na tuition fee. Saan ka na nga ba pupulutin.
Karamihan
sa mga Pinoy ay naghahangad na umalis na g bansa, doon na lang nagtratrabaho
para sa ikabubuhay nito. Mga domestic helper at ano ano pang blue collar jobs
ang kanilang kinukuha para maihaon sa kahirapan ang pamilya nila dito sa bansa.
Mas malaki ang sweldo dun, sa trabaho nila ay halos times ten ang sahod kung
dito ka sa Pilipinas magtratrabaho. Kapalit ng sakripisyo nila ang magandang
kinabukasan na maibibigay nila sa kanilang pamilya. Sa tagal na rin ng kanilang
pamamalagi sa ibang bansa ay ninanais na rin nilang doon manirahan. Magmigrate
na lang dahil mas maganda ang maibibigay na buhay nila sa kanilang pamilya doon
kaysa dito.
Maraming mga Pilipino ang nagdesisyon ng iwan ang bansa
Nawalan na ng pag-asa sa sistemang balibaliko at puno ng kurapsyon. Kung
naghahangad kang guminhawa ang iyong buhay ay malabo. Bakit mo ba di nanaising
manirahang lang sa ibang bansa? Mas okay na nga ang pamumuhay doon ehh maganda
pa ang sistema ng gobyerno at disiplinang sinusunod. Kung sa Singapore maganda
ang disipina, malinis at maunlad ang
bansa. Ang mga hapon ay may sinusunod na isang synchronized time. Kung sa
Irelan na binabayaran pa ang mga bata para pumasok sa skwela, sa Canada na
libre ang pagpapa-ospital, sa New Zealand na sariwa ang hangin. Sa ibang bansa
na maabot mo ang iyong mga pangarap.
Aaminin
ko, nangangarap din akong manirahan sa ibang bansa. In Rio exactly, sa bansa ng
Brazil. Kung saan mayaman at pinahahalagahan ang kanilang kultura. Isang bansa
na ipinagmamalaki ang kanilang pagiging Brazilian. Di tulad sa bansa natin na
may identity crises, mga Pinoy na nangangarap maging Amerikano. Hinahangad kong
mapunta na lang doon, sa kanilang mga kalsada na naipapakita ang kanilang
kultura at pagkakakilanlan. Sa bansanghindi ikinahihiya ang kanilang heritage.
Pinahahalagahan at ipinagsisigawan sa mundo. Di tulad sa bansa natin na
nawawala na ang pagkakakilanlan dahil ang standard na natin ay kung ano ang
maganda ng mga Amerikano.
Nakakalungkot
mang isipin pero ito ang katutuhanan, marami na rin ang nawawalang ng pag-asa
na may maganda pang magagawa ang gobyerno para sa bansa natin. Ang mga namumuno
ay puro pansariling kapakanan lang naman ang iniisip. Yung kung sino pa ang may
maganda at kakayahang mamuno sa bansa natin ay yun pa ang mga nawawala. Sa
halip na magkakaisa ang mga Pilipino ay kanya kanya na lang muna.
Alam ko
sasabihin mong puro negatibo lang naman ang sinasabi ko dito. Marami rin namang
dahilan para piliin mong maging Pilipino ahhhhh. Oo, tama po kayo. Kahit paano
masarap pa rin mamuhay sa Pilipinas. Masaya rin naman ako dito. I just can’t
help wondering kung pipiliin ko pa bang maging Pilipino. Ikaw, tayo tayo lang
naman, pipiliin mo pa rin bang maging Pilipino?
No comments:
Post a Comment