Enero 31, 2013
Isang bote lang. Ngayong gabi. Pampatulog
lang. Para pag-uwi niya, wala na siyang
iintindihing iba. Kaagad mahihiga at matutulog. Di naging maganda ang araw niya
sa skul. Palapak yung report at inis siya sa groupmates niya. Hindi manlang naghanda,
sa kanila na nga lang ehh memoryahin yung parte nila. Siya na nga yung gumawa
ng powerpoint presentation, yung hinihingi lang niya ay sumipot sila ng handa
at di late. Ngunit wala. Lasing nanaman
sina Dani at Jr, amoy alak yung aircon na room habang nagrereport. Utal-utal at
di maintindihan yung salita ni Dani. Si Jr naman tawa ng tawa. Di naman nakapagsimula kaagad dahil late
dumating si Jul, siya sana dadala ng laptop. Pagdating niya ay nakalimutan pa.
Iritadong iritado si Sir kanina at pinahiram na lang laptop niya para di lang
matagalan. Yung isang groupmate naman nila absent. Pero ano pa ba aasahan mo
kay Gogo. Kamalasan talaga na napasali siya sa grupo na puro lalaki. Mga walang
pakinabang at silbi. Ayun, kailangan ulitin report nila. Bahala na madrop. Wala
namang patutunguhan ang grupong yun. Di
na lang siya sana nag absent nung groupings. Napunta pa siya sa mga ungas na
to. Sorry nang sorry si Jul kanina sa kanya, ang kanyang pinakamalapit na
kaibigan, pero bahala. Bitch-mode siya ngayon kaya di niya pinansin. Diritso
siya dito sa tambayan. Kakabuwiset. Maka-isang beer pa nga.
Kanina pa si Kresta, siya yung unang tao
sa bar. Binati siya ni Birhel, ung may-ari ng bar. Kaagad serve ng isang bote
ng RH. Kinamusta niya sandali si Jeg, yung waiter, at saka tumungo sa kanyang
spot. Gusto lang niyang mag-isa at makahanap ng katahimikan at malimutan ang
kabuwisitan kanina. Mabuti dito sa Tambaynan ni Beerhell, kakapag-isip siya
habang wala pang masyadong tao.
Nakakapasok siya kahit close pa ang sign dahil suki at barkada niya ang may-ari.
Kaibigan na din niya si Jeg at ang bartender na si Tope. Mga working students
din sila at nag-aaral tuwing umaga. Balak niyang ubusin kaagad ang bote, para
alas ocho uwi na siya. Magsisidatingan
na rin ang mga regular na customer at kasama na dun sina Dani at Jr. Ayaw
niyang makita ang pagmumukha nila.
Nung ala siyete na ay nagsisidatingan na
rin ang ibang mga estudyante na balak maghappy-happy. Dumating na rin ang grupo
ni Ambin, kasama si Lips, Rome, at Obin. Inuman na naman na walang humpay kahit
may pasok bukas. Ganito talaga mga estudyante dito. Maligaya lang. Kahit exam
bukas. Ayos lang. Ang exams parati lang yan nadiyan; may prelims, midterms, semis,
at finals. Ang inuman minsan lang kaya di dapat pinagpapaliban. Kaya naman
umuunlad tayo ehhh. Ngunit ito rin ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa
mundo.
Dumarami na ang tao. Mauubos na niya ang
pangalawang bote at handa na siyang matulog.
Lulunukin na niya sana ang huling laman ng beer ng makita niya sa kabilang
mesa si Dyed. At may kasamang babae. Crush
na niya noon pa man ang lalaking ito.
Ngunit dahil di pa niya ito nakikita na nagkasyota ay hindi siya nag-attempt na
humalingin man lang ito. Naging magka-ibigan sila dahil sa common like na nauwi sa pagsali ni Kresta sa
org ni Dyed na Beats. Grupo ng mga mahihilig sa music, lalo na ang tunog banda.
Sa dami ng nagkagusto kay Dyed ay ni isang babae eh wala itong naging
girlfriend. Lahat sila tunganga lang pagnakikita siya. At kung totoo man ang
killer smile, ilang beses na sana siyang nawekwek sa pambihirang ngiti nito.
Akala na nga niya bading si Dyed, masayahin katulad ni Jul, pero okay lang.
Gaya ng pagmamahal niya kay Jul na parang kapatid (kapatid na ayaw muna niyang
maka-usap), ginusto niya si Dyed at tinanggap kung maging bading man ito. Pero
hinayupak naman ohhh, sa araw na malas ka na nga, makikita mo pa yung crush na
crush mong tao eh may kasamang iba at ang sweet sweet pa. Ang sarap ibato ang
boteng hinahawakan niya ngayon
Nagmamadaling inubos ni Kresta yung bote
para makaalis na kaagad ngunit napansin siya ni Dyed at kumaway sa kanya.
Ngumiti lang siya at sumenyas na papaalis na. Ngunit lumapit sa mesa niya si
Dyid, binigyan siya ng ngiti na nagpadoble pa ng epekto ng alcohol sa isip
niya. “Oy, mag-isa ka lang? Dito na lang kame para usap tayo. Si Pemps nga
pala.” “Hi” nalang ang nasabi ni Kresta
habang umupo ang dalawa sa mesa. Umorder pa si Dyed ng tatlong bote, sagot daw
niya ngayong gabi.
Nagkakumustahan. Pilit tiningnan ni Kresta
kung ano ang nagustuhan ni Dyed kay Pemps. Kahit maganda naman si Pemps,
ngayong gabi ay isang mangagayuma ang tingin ni Kresta sa kanya. Habang
nagkukuwentuhan ay nakasandig sa balikat ni Dyed si Pemps. Sheyt, inis na si
Kresta, kung bakit ba nag-isang bote pa siya. Kasalanan to ng mga mokong, mas
naging badtrip pa ang araw na ito.
Umalis bigla si Pemps para mag-cr.
Tiningnan niya si Dyed, nakangiti pa rin. Ang ngiting ilang beses na siya
muntik mawwlan ng hininga. Ngunit ngayon ay may iba na. Kahit sa kanya nakatingin
si Dyid, ang ngiting iyon ay para kay
Pemps. Masakit isipin na hindi mapapasayo ang isang tao, ngunit mas masakit kong
may nagmamay-ari na nito. Nag-usap sila, binaling na lang niya ang kuwento sa
buwiset na pangyayari kanina. Tumawa lang si Dyed, alam naman niya ang ugali
nina Jr at Dani. Lalo na si Gogo na dapat daw kasama niya ngayon at kainuman
ngunit di nanaman sumipot. Gumagaan na ang loob ni Kresta ngunit bumalik na rin
si Pemps. Di na niya natiis ang dalawa kaya nagpaalam na siya sa dalawa kahit
pinilit pa siya ni Dyed na mag-isang round pa.
Naglakad lang siya pauwi. Gustong isigaw
sa mundo ang hinanakit. Hindi siya marunong maiingit. Simple lang naman ang mga
gusto niya. Ngunit ngayon ay inggit siya kay Pemps. Narealize niya na ang tanging
bagay na gusto niya ay may nagmamay-ari na. Ayaw niya sanang mag-isip ng masama
ngunit sa bawat hakbang niya ay nagtratransfrom na siyang bilang “bitter girl”.
Nasa gate na siya ng boarding house ng
malaman niyang naiwan pala niya susi sa kwarto niya sa bar. Hiniram ni Tope
yung nakaattach na can opener doon. Buwiset nga naman, ngayon babalik na ulet
siya sa lugar na ayaw niya sanang nandoon siya ngayon. Andoon si Dyed pero
malamang nakaalis na yun patungo sa madidilim na sulok. Sigurado andun si Jul niyan,
hinhanap siya. At yung dalawang mokong na nagpapakalasing nanaman ngayon.
Wala na sina Dyed sa lugar. Sina BJ na at
Nard ang nakapuwesto dun, mga kaibigan at nakainuman niya dati. Pagpasok palang
niya sa bar ay narinig na niya ang malakas na tawa ni Jr, nakakairitang
pakinggan. Paano kaya nakakatawa pa yun ng ganun kalakas matapos yung nangyari?
Dumiritso siya sa counter kung saan nandoon si Tope. Nakangiti. Sinabing “alam
kong babalik ka”. Bigla siyang may
narinig na kantahan. Napalingon siya at nandun si Jul, may dala dalang cake at
papalapit sa kanya nakangiti. Nakangiti silang lahat, habang kumakanta ng happy
birthday. Nakalimutan na niya na kaarawan niya ngayon. Napangiti siya. Kahit
ang inis siya kina Dani at Jr pati na rin kay Jul ay nawawala na. Inihanda ni
Jeg ang mesa kasama ang mg pagkain. Isang munting salo salo. Sa lahat ng
makaka-alala eh itong mga ungas ang naghanda.
Nasa mesa na ang ilang kaibigan niya.
Sumali na rin sina Tope at Jeg. Nagkakuwentuhan sila ni Jul. Kaya pala nalate
ito dahil nagpagawa ng cake. Sina Dani at Jr nalasing dahil sumali sa beer
drinking contest kagabi para may maipambili ng munting pagsasaluhan. At si
Gogo, ayan dumadating palang dala ang isang regalo. Kaya absent dahil siya ang
naatasang maghanap ng regalo. Nagkasiyahan sa mesa. Puno ng tawanan. Tumatawa
na si Kresta, nakalimutan na ang nakakabadtrip na nangyari kanina. Nawawala na
rin sa isip niya si Dyed. Sino ba ang mag-aakala na ang mga ungas na ito ang
siya pang makakaalala at maghahanda para sa birthday niya. Kahit naman pala
ganito, malaki talaga ang pagpapahalaga nila sa pagkakaibigan.
“Oh Kresta, inum na. Happy Birthday.” Sabi
ni Jr, nakatayo at nakangiti habang nakataas ang bote at nakiki-cheers. Itinaas
na rin ng iba ang bote nila. Hindi araw-araw ganito. Na masaya at nagtatawanan.
Kukupas din ang mga panahon na ganito sa pagtanda mo. Di mo na makikita ang mga
mukhang ito na nakangiti at nagpapasaya sa iyo. Somewhere along the road,
lilingon ka at nanaising sana makabalik ka sa panahon kung saan lahat ay
masaya. May report pa siya bukas pero sige lang, ang report palagi naman yang
nandiyan, ang inuman minsan lang. Panahon ito para ngumiti at magasaya. Kinuha
niya ang bote niya ng Redhorse, tumayo a ngumiti. Cheers!!!!
No comments:
Post a Comment