Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Wednesday, November 21, 2012

Alamat ng Gubat


Lahat tayo sa kabutihan o sa kasamaang palad ay pinagawa na ng book report noong nasa kolehiyo pa tayo. Para sa iba na mahilig magbasa na tulad ko (oo, seryoso. Pramis) ay madali lang ang gawain at para naman sa hindi at tamad gawin ito ay madali pa rin dahil mayroon ng internet. Malas mo lang kung ang ikinopy-paste mo ay may katulad sa klase, sigurado may masarap na limang piso kang matatanggap galing sa napakabait mong professor. Sa mga hindi nakagawa at late na para pumasa aypacreative ng dahilan ang bawat isa na ewan mo ba kung saan nila nakuha ang ganyang palusot. Minsan tumatalab naman, minsan ituturo ka ng prof mo patungong impyerno.

Ang mga sikat na palusot:
  1.    Maam, ngbrown-out sa amin!
  2.     Sir, di ko alam pero biglang naging corrupted ang file, wala pa akong back-up! *hikbi* (Dapat magaling kang magdrama kung gagamitin mo ito.)
  3.   Namatayan po kami Maam, nahirapan akong magconcentrate *hikbi*. (Sure fire ito, lalo na kung totoo, mahirap naman di ba kung namatayan ka.)
  4.  Sir, namatay po... uhhhh... ung....uhhh... ung... nanay ko! Huhuhuhuhu. (Sige bigla mong patayin ang nanay mo.)
  5.  Maam, masakit po ang ulo ko kahapon, di ko po natapos. ( Galingan mo pag-arte, diyan nakasalalay kinabukasan mo ulol.)
  6.   Sir, I just realized, I don’t know how to read, I’m illiterate!!! ( Hehehehehe, swabe di ba? Wag na wag mo itong sususbukan.)
  7.   Ahhhh, natusok po ng pisbol stick mata ko!! ( yeah, if you have the guts!)
  8.  Sir, pasensya na ho, nahold-up po yung jeep na sinasakyan ko, natangay yung bag ko, nandoon yung book report ko sir, seryoso po. (True story, ingatan ang yung book report, yung pera mapapalitan, yung mga paper requirements, nakaka-iyak isispin.)
  9.   Ohhh!!! Sir wat a coincidence! Nahold-up din ung sinasakyan kong dyip eh.. hehehehehehe. (Siya yung sunod sa pila nung nakawan ng paper.)
  10.    Ung sunod kay number 9 sa pila. =D Sa sarili: Waw, kaya pala nakabili ako ng book report sa labas, bente lang.


Best thing in college. #mangoquotes

Ayos di ba? Depende na lang kung maniniwala sa iyo prof mo, kadalasan ay hindi. (hehehehehe) Bakit nga ba book report ang pinag-uusapan ko ngayon? Eto ay dahil may natagpuang akong book report na ginawa ko noon na gusto ko sanang ibahagi sa inyo. Sa mga nakabasa na ng aklat na ito, maganda at mabuti, alam kung marami kayong natutunan sa pagbabasa nito. Sa mga hindi pa, eto ang buod ng kuwento ng librong “For adults also”, Ang Alamat ng Gubat.



Buod:

Ang kwentong ito ay tungkol sa mga paglalakbay ni Tong, isang talanka, (ano kamo yung talangka? Para itong alimango na masarap din kainin) na naatasang hanapin ang puso nang saging sa kagubatan dahil ito lang ang makakapagpagaling sa kanyang amang hari. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong niya ang iba’t ibang hayop sa gubat na may kanya kanyang pananaw at ugali.
Una niyang nasalubong si Buwaya na kapalit ng impormasyon na maibibigay niya tunkol sa puso nang saging ay humingi ng perlas. May sidekick pala ang buwaya isang maya, at ng hinihingi na ni Tong ang impormasyong kanyang hinahanap ay bigla siyang pinagtangkaang kainin ni Buwaya.  Sunod niyang nakilala ay si Bibe na kumakapit kay Palaka dahil marami itong perlas at sinasabing hari nang kagubatan. Ngunit biglang sumipot si Leon at ang kanang kamay na si daga, at sa utos nito ay biglang kinain sina Bibe at Palak ni Buwaya. Kakainin na sana ni Buwaya si Tong kundi siya pinigilan ni Leon. Mabait naman pala si Leon at tinulungan pa niya si Tong, sinabihan niyang hanapin si Aso dahil ito ang marunong kung nasaan ang puso nang saging. Naabutan din niya ang mga insekto na nagtatangkang maghimagsikan laban sa mga hayop sa gubat. Sa dalampasigan ay si ulang na walang ginagawa.



Nahanap din niya si Pagong na siyang nagturo kung nasaan si Aso. Sinabi ni Aso na ang puso ng saging ay pinag-aagawan nang lahat ng hayop sa gubat ngunit di ito makukuha dahil guguho ang gubat pag mahiwalay ang bunga sa puno. Pero kung gagamitin ito sa paggamot ay maari itong makuha at may kasama pa itong kahilingan. Nakipagkasundo si Aso na kapalit ng paggamot ng ama ni Tong ay sa kanya mapupunta ang kahilingan. Ayos na sana ang lahat ngunit biglang nagprotesta si Kuneho, ang makakapitas lang daw ay ang karapat dapat at siya iyon. Sumali na rin ang ibang hayop at napagkasunduang magka-eleksyon kung sino ang tunay na hari. Sa gitna nang  botohan ay napansin nila na nasundan pala sila ni Leon. Nakapagsunduan nila na pitasin na lang ang puso nang saging at hilingin ang kaligtasan ng lahat nang hayop sa gubat. Ngunit kahit sa pagpitas na nito ay hindi sila magkasundo kung sino dapat pipitas at sa huli ay dumating na si Leon kasama ang kapatid ni Tong na si Katang na siya palang nagtaksil sa kanya kapalit ang tatlumpong pirasong pilak. Nakuha pala ni Aso ang puso ng saging ngunit sa halip na hilingin ang kaligtasan ng lahat ay kanyang sariling interes ang inuna. Dahil dun, lahat nang hayop ay napasakamay ni Leon, daga, at buwaya. Si Tong lang ang nakaligtas sa nangyaring masaker. Di nagtagal ay nagkita sila ni Matsing na nagsabing nasa kanya ang Puso nang saging. Sa proseso ng pagbigay ni Matsing kay Tong ng puso ng saging ay ipinaliwanag niya lahat ng nangyari at itinanong kay Tong kung kontento ba siya sa kalagayan nang gubat ngayon. Biglang nagkaroon ng panibagong mithiin si Tong, ito ay ibahin ang pamamalakad sa gubat. Magkarooon ng pagbabago para sa ikakaunlad ng lahat.  Ibinigay ni Matsing ang puso ng saging at kaagad itong kinagat ni Tong, lumiwanag ang paligid at nabuhay nang maligaya ang lahat sa gubat.



Ang Pilipinas ay isang malaking gubat. #mangoquotes

   Ganda ng kuwento, puno ng simbolismo. Ang kwentong Alamat ng Gubat ay isang librong pambata na para sa matatanda. Sa unang tingin ay para lang itong isang kwento na nagbibigay ng “moral lesson” sa mga bata ngunit ito ay higit pa dyan. Ito ay nagpapakita sa kalagayan nang kommunidad at politika ng ating bansa. Ang kwento ay puno nang simbolismo at gustong iparating ng may-akda ang kalagayan at kung ano ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Ang Pilipinas ay isang malaking gubat. Malaking gubat na kung saan ang mga naglalakihang hayop ang siyang may kapangyarihan. Sila ang kumukontrol sa halos lahat ng pangyayari sa kagubatan. Naiisip kung  i-post ito dahil sa kanyang mensahe na ipinararating, na tayo ang mga hayop sa gubat, di magka-isa, watak watak, at pansariling kapakanan ang iniisip. Kailan pa ba natin makikita ang malaking larawan at hindi lang pansariling kapakanan ang ating ipinipinta?

matapat #mangoquotes

PS: Ang ilang imahe na nagpapakita ng alamat ng gubat ay nakuha ko lang sa google.
Si Bob Ong ang may-akda ng kuwentong ito, isang magaling na manunulat na gumigising sa aking mga pananaw bilang Pilipino.



3 comments:

  1. salamat po sa mga idea nyo marami po akong natutunan. nakatulong po tlga sya sa reflection paper ko. Thank you po

    ReplyDelete
  2. Thank you po may ass na ko sa Filipino
    ❣️

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...