Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba tong mukhang gago
Nagkadarapa sa pagkanta
At nagsisintunado sa kaba
Mga maghahating gabi, yung mejo matahimik
na. Kasabay ng maliwanag na buwan,
kasama ang barkada. Tutungo sa bahay ng magandang dilag, bitbit ang gitara.
Para haranahin at mapalambot ang puso. Ito ang madalas kuwento ng matatanda.
Noong unang panahon daw, yung manliligaw pumupunta talaga sa bahay. Doon
nanliligaw, di tulad ngayon na patago na. Hinihingi muna ang pirmiso ng mga magulang.
Kasama na sa harana ang pagsuyo sa mga magulang. Kung nagustuhan ang kanta mo
eh papasukin ka sa bahay at paghahandaan ng makakain, kung hindi sigurado ihi
na galing sa inirola ang sasalubong sa’yo. Ganyan dati wala pang selpon, lahat
sulatan. Kung magkakilala ay kadalasan pure chance. Uso yung love at first
sight, wala munang text text tsaka eyball, o email or chat. Kung torpe ka
talaga dati, mahirap magkasyota. Mas okay din noon di ba?
At may dala pang mga rosas
Suot nama’y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma’t nakabarong
Sa awiting daig pa
Ang minus one at sing-along
Kung manghaharana ka ngayon ano kaya ang
gagawin mo? Kung uso pa ba ang harana? Sabi ng karamihan, baduy na daw iyon. Di
na uso sa ating henerasyon. Sa probinsya baka puede pa pero dito sa mga siyudad
at umuunlad na mga bayan, mejo baduy na daw at di na patok. Baka maturn-off
lang daw ang liniligawan mo. Maliguan ka pa ng ihi na galing sa inirola.
Maraming ihi dahil galing din sa mga kapitbahay na nagising dahil sa ingay ng
pagkanta mo. Pero di mo ba naiisip ay kikiligin pa rin ang babae kahit
papano? Kung gusto ka nga niya talaga. O syota mo. Kung haranahin mo yan,
sigurado pare mapapangiti mo yan. Kahit sintunado ka, she can appreciate the
effort kahit ngayon. Grabe naman, di ka na niyan iiwan.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong tingin akong nababaliw giliw
At sa awiting kong ito
Kung maghaharana ka ngayon, sigurado puno
ka ng kaba, eh sino nga ba ang hindi? Lalo na pagfirst time na pupunta sa bahay
ng kasintahan o liligawan. Meeting with the parents din. Kaya mas mabuti na
lang na imagine natin na kasintahan na natin ang magandang dilag na
haharanahin. Siyempre una mong problema sino isasama mo. Sabihin mo pa lang sa
mga barkada mo ito ay marami ng excuses yan dahil nahihiyang sumama. Pagmapilit
mo naman, yung bribe sa kanila para sumama. Gaya ng lilibrehin mo ng pagkain o
inuman. Tandaan mo yan. Siyempre, pumili ka ng gabing maganda ang panahon. Full
moon para perpek. Ogag ka naman kung maulan ka mangharana. Siyempre dapat ready ang lahat, text ang
barkada kung may gitara na, yung shaker, at beatbox. Oh yeah 21st century
dude!!! Kung may battery speaker and mic
pa mas hanep!
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa iyo
Anyway eto na, yung isang mahirap pa dyan
eh paghihintay sa mga kasama, yung iba nakatulog at iba sadyang late lang.
Gastos sa load pantawag. Buti may unli call and text, malas na lang kung ibang
network ng tetext o tatawagan mo. Tapos pagkompleto na ang lahat, wag kalimutan
ang pangshot. Oh yesss, sigurado ubod ka ng kaba niyan. Baka ka pa mahimatay sa
kaba o kaya naman kung sa kantahan na di ka na makapagsalita. Baka yung mga
barkada na lang ang kumanta ng lahat. Importante ring maganda ang piliin mong
kanta. Tipong yung magpapaibig. Tipong maganda sa tainga. Ballad kumbaga.
Acoustic chuvaness. Huwag yung rakenrol na my growl. BWHARARARARAHWHWHAAA, KAPANGYARIHAN NG HALIK NI HUDAS o kaya naman LAKAS TAMA AKO’Y NAWAWALA! Sigurado
lakas tama din ang maaabot mo. Siyempre yung tipong “Ako’y sayo at ikaw ay akin lamang”. Oh kaya para mas maganda, Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay,
umibig ka ng panget at ibigin mong tunay.
Di bat parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Di bat ikaw ang bidang artista
At akong ang yung leading man
Sa storyang nagwawakas sa pag-ibig na
wagas
Dahil may kanta ka na at nakashot ka na ng
gin, buo na ang loob mo. Puwede na. Siya nga pala, wag kang magdala ng
barkadang masyadong gwapo o kaya naman maganda yung boses. Baka sa kantahan
masapawan ka, ehhh siya yung piliin at hindi ikaw. Golden Rule sa Panhaharana: Wag Magdadala ng Kaibigang Masyadong Gwapo
o Napakaganda at Magaling Kumanta.
Pagsabihin pa ng magulang niya na dapat ito na lang yung naging
boyprend. Kaya siguraduhin na masunod mo iyon. Siguraduhin mo rin na tamang bahay ang haharanahin mo! Magdala na
rin ng payong para sa ihi. Kung swerte ka ay magiging maayos ang lahat. Lahat
naman gagawin mo para sa minamahal mo di ba?=)))
Sa isang munting harana para sayo!!!
PS: Hiniram ko muna ang mga imahe sa paborito kong komix na kikomachine. Yung isa naman ay galing kay Jess Abrera. At para sa lahat ang kantang yan. Galing sa all-time favorite kong banda. Ang Parokya. =)))
No comments:
Post a Comment