Ang kuwentong ito ay tungkol sa natauhang
puso. Isang pagmamahal na napagod.
Kilala ko na sila noong una pa. Kaklase at
naging kaibigan. Nagsimula sa kuwentuhan hanggang naging isang matatalik na
magkakaibigan. Nandoon ako sa simula hanggang matapos ang kuwento. Nasubaybayan
ko ang isang pag-ibig na nakatago at unti unting lumabas. Isang pagmamahalan na
okay na sana.
(Note: The names used in this story are
aliases. If the names resemble someone you know, it is purely coincidental.)
Hindi naman talaga sila naakit sa isa’t
isa. Hindi nga sila nag-iimikan sa klase. Purely classmates lang ang relasyon
nila pero dahil sa mga kalupitan noong highschool ay ginawa silang magkapares.
Kung siya talaga ang gusto mo. swerte ka, kung hindi ay humanda ka na lang sa walang
katapusang kantsyaw sayo hanggang sa iyong libingan. At sa lagay nila ay hindi
naman nila gusto ang isa’t isa. Iba pa noon ang gusto ni Maya (the guy) at
isang intsik naman ang gusto ni Alea.
Sadyang magkaiba ang mundo nila noon na hindi mo maiisip kung paano
nila natagpuan ang isa’t isa. Palagi silang kinkantsyaw ng barkada hanggang
sinakayan nalang nila ito at naging katuwaan na lang. Ang hindi namin alam
na ang simpleng pagsakay nila ay may
namumuo nang misteryong pag-uunawaan.
May naka-set sanang lakad noon ang
barkada, nagkataon na malakas ang ulan at kailangang i-cancel ito sa huling
minuto. Nagkataon na nandoon na pala si Alea at papunta na rin si Maya. Doon na
rin nila nalaman na nacancel pala ang lakad. Malakas noon ang ulan, wala nang
masakayan at dahil doon ay sila ay nakapag-usap. Marami naman pala silang similarities,
mga bagay na magkapareho ang gusto, at di nila namalayan ay matagal na pala
silang nag-uusap. Nahook sila sa isang topic na sikat ngayon sa marami. Oo,
nakakaadik din yun pero dahil dalawa naman silang nagsusubaybay ay natural lang
na ito ang kanilang pag-usapan. At ito ang manga.
Manga nga, kung di mo alam kung ano yung
manga na kinagigiliwan ng mga kabataan at matatanda ngayon na mahihilig sa
anime na nanood na ng Dragon Ball Z, Naruto, Ghost Fighter, Hunter X, One
Piece, at marami pang iba, ito ay bunga na galing sa puno ng mangga. Tama yun
kaibigan, may yelo at green at hook na hook ang dalawang yun dito. Tuwing
nag-uusap sila ay palaging may dalang manga si maya para nila namnamin. (Take
note, nagkikita na sila na hindi pinapaalam sa amin, patunay na lumalalim na
ang kuwento. Inamin ni Maya sa akin na “he finds comfort being with her.”
Naks, ang sagwa.) Sumasabay ang asim at tamis ng manga sa kanilang nabubuong
pagkakaintindihan. Kaya lang tulad ng maraming pag-ibig ay malabo. Gusto na
siya ni Alea ngunit ayaw niya na siya ang unang magsabi. Nararamdaman na rin
yun ni Maya ngunit natotorpe siya at hindi sigurado. Takot din ang dalawang
masaktan kaya walang gumagalaw. Yung tipong andyan na, solid na solid na.
Nagkakaintindihan na kayo. Pareho kayo ng gusto. Yung alam mo na talagang gusto
mo siya. Ngunit pag sabihin mo yung aylabyu. . . boom, biglang guguho ang
lahat. Kaya naging maging magkaibigan na lang sila, hanggang dumating ang isang
gabi.
Tulad ng kanilang unang pag-uusap na sila
lang ay maulan din sa araw na iyon. Sadyang malakas ang hangin. Susunduin sana ni
Maya si Alea sa kanila ngunit malakas ang ulan. Sila lang sa bahay. Walang
ibang tao. Unti unting tumutulo ang maliliit na butil ng pawis habang
pinapanood ni Maya ang orasan. What’s gonna happen? Ohhhh the things they have done. Things that
friends never do. Di na napansin na mag-uumaga na pala, basta alam lang niya ay
hindi sila natulog.
Awkward moment ang umaga. Nang papaalis na
siya ay narinig niya ang pahabol na sabi ni Alea na, “Its was nice meeting you.”
He thought na hindi na sila mag-uusap pa ulit at ibabaon na lang sa limot ang
lahat ng nangyari, pero hindi nagkita pa rin sila at naulet ang lahat. Dalawa
silang lito na at naglakas na rin ng loob si Alea na tanungin siya kung ano
talaga sila. They talked and they decided mahal nila ang isa’t isa. They were
happy habang kinakain ang manga sa ilalim ng puno.
Ngunit sa kabila ng kanilang kasiyahan di
nila maitatago ang katotohanan. Isang masakit na katotohanan na kanilang
iniiwasang harapin. Na si Maya ay isang third party lang. Hindi siya original.
Habang tumatagal ay lumilitaw rin ang mga conflicts at madalas na silang
nag-aaway. Umiiwas na rin si Maya. Mahirap talaga ang sitwasyon nila na lalo na
sa isang pagkakaibigang sa bawal na pag-ibig nagsimula ang lahat. Mahirap talaga
na isang third-party si Maya. Isang third-party sector si Maya. Isang bakla.
Tanggap naman ni Alea lahat yun, mahal
niya si Maya kahit ganun ang kanilang sitwasyon. Ngunit si Maya na rin ang
umiiwas at nagdesisyong makipaghiwalay dahil tuluyan lang masasaktan si Alea.
Kahit bakla siya at lalaki ang gusto niya ay mahal na mahal niya si Alea,
masasaktan lamang niya ito. Itatago niya na lang ang mga alaala sa gabing
umulan.
Hindi nakayanan ni Alea ang sakit,
suminghot siya ng maraming rugby hanggang malasing sa amats. Tinawagan niya si
Maya, mahal niya daw ito, maghihintay siya araw araw sa ilalim ng puno ng manga
nilang tagpuan habang buhay. Ngunit alam naman natin na ang puso napapagod din.
Nalulungkot, nawawalan ng pag-asa. Gaya ng sabi ko sa simula, ito ay kuwento ng
natuhang puso. Pagmamahal na napagod.
(Note: Bago ka magpatuloy sa sunod na
paragraph ay i-play mo muna yung video para sa background music.)
Lumipas ang ilang buwan di na nakayanan ni
Maya ang pagkain ng manga na nag-iisa lang. Hinanap niya ang pagkakaroon ng
kasama. Ang kanyang masasayang panahon kasama ni Alea. Narealize niya na kahit
bakla siya ay may espada pa rin siya na siyang magbibigay ng tunay na
kaligayahan kay Alea. Dali dali siyang tumayo, sinukob ang malakas na ulan.
Alam niyang nandun lang siya, naghihintay gaya ng sinabi niya. Madali niyang
tinahak ang daan sa puno ng manggang tagpuan. Sasabihin niya na mahal na mahal
niya si Alea. At kahit bakla siya ay gagawin niya ang lahat para sa kanya kahit
ipagupit na niya ang kanyang pawoweeng buhok tanggapin siya ulet. Araw araw
silang mag-uusap tungkol sa manga. Ipapangako niya yon. Ngunit pag-abot niya
dun, wala na siya. Pusong napagod, pusong nauhaw sa pag-ibig. Pusong sumuko.
Makalipas ang ilang taon ay nagkita sila
ulet nang magkasama-sama ang magbabarkada. Nagkumustahan lang sila. Ayos naman
ang kanilang pag-uusap. Parang linimot na nila ang kanilang nakaraan. May
bagong boyfriend na si Alea at masaya na siya sa piling nito. Natagpuan na rin
ni Maya ang kanyang pag-ibig sa katauhan ahhhhh itago na lang natin sa
pangalang Birhel. Masaya na sila. Masaya na rin ako para sa kanila. Ngunit ng
matapos ang salo salo ay kinausap ako ni Maya. Nakipag-inuman sa akin, inamin
ang lahat. At mahal pa rin niya si Alea, ang tanging babae na minahal niya.
Nagtagpo sila malipas ang ilang araw.
Kumain ng manga at nagkuwentuhan hanggang sa napunta sa mga ibinaong alaala.
Okay naman ang usapan, malungkot ngunit tinanggap na nila na hindi sila para sa
isa’t isa.
Alea: Siguro sa alternate universe, yung
Maya at Alea dun, naging okay ang lahat? =)
Maya: Oo baka nga. Doon di tayo naghiwalay
at baka lalaking lalaki ako. Hahahahaha
Alea: Hahahahaha, oo, doon natupad ang mga
pangarap nating magtanim ng mga punong manga.
Maya: Oo nga, okay nga doon, ikaw sana ang
kapiling ko.
PS: Hapy New Year to all. Sana magustuhan niyo ang kuwento, mejo minodify ko lang ng konti. Hindi yan ang pangalan ng mga kaibigan ko. The song is by kamikazee, halik. Enjoy reading. Hapy new year!!!!
tatawa na lang ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
ReplyDelete