Siguro sasabihin ng iba na makakabasa nito
na isa itong blasphemy. Ewan basta ako gusto ko lang i-share ang kuwento ito.
Naalala niyo pa ba noong una kayong
magkacellphone? Nangyari ito noong first year highschool pa lang ako. Ang
presyo ng Nokia 3310 na siyang pinakasikat na cellphone noon ay halos sobra pa
6000. Oo, ganon pa yun kamahal. Yung cellphone namin ng pamilya namin ay
isang Motorola. Isang malaking black na cellphone. Sing taba ng baretang
tide taba tapos may antenna pa. Ngunit noon masayang masaya na kame na may
cellphone kami. Ilan pa lang noon ang may pribelehiyong magkaroon ng cellphone.
Masyado pang nakakaamaze magtext. Para kang batang binigyan ng kendi nang una
mong masubukang magsend at makareceive ng msg. Nakakagago.
Card pa noon ang load di tulad ngayon na
autoload na lang o e-load. Kailangan noon 300 kaagad ang iloload mo, di tulad
ngayon na kahit 10 piso okay na. Wala ring mga promo promo at unlitxt kaya noon
talagang tipid ang load. Importante lang ang mga mensahe na i-sesend mo. Kung
makagasto ka ng 20 pesos sa kakatext at malaman nito ni ermat, sigurado isang
masarap na sermon ang magiging hapunan mo.
May mga pakulo din ang mga network noon,
tulad ng ringtones, logos, subscribe ka sa jokes, o magdload ng parang games.
Sa panahong ito ay snake pa ang pinakasikat na laro, haos mapudpud ang 2,4,6,
at 8 sa keypad mo sa magdamagang paglalaro. Kung may man pinakakwela na pakulo
noon ay ang makakatext mo raw ang artistang type mo at gustong gusto. Eh sino
ba naman di magpapatansya na makatext ang artistang crush niya o kahit sinong
artista yun basta makatext mo lang. Kahit si Bentong pa yun o si Mura ay okayng
okay. At dahil nga tanga ang loko, eh sinubukan ko ito. Kung matino na akong
tao noon at hindi uto-uto ay dapat alam ko na na hindi yng artista mismo ang
nagtetext sayo dahil apat na numero lang ang number na ginagamit tulad ng 8888,
2468, at 0010. Hai naku, pero dahil gustong makatext si Angel Locsin ay sige
send tayo. Tuwa naman ang loko ng makakareceive ng msg mula kay “Angel Locsin”.
Kahit singko bawas araw araw, okay lang dahil may personal message daw galing
kay “Angel” at ang masakit pa, malalaman mo rin sa isang gago na magkatulad
pala ang msg na ipinadadala sa inyong dalawa na katext raw si Angel Locsin. Two-timer ka Angel! Pero mahal na mahal pa rin kita. Ang masakit lang nito ay
kahit alam mo na linoloko ka lang ay di mo alam kung paano ito mauunsuscribe
kaya limang piso araw araw ang nawawala sayo. Ang sarap talagang ma-uto.
Ngunit hindi ito ang the best na pakulo na
nangyari sa history ng cellphone at ito ang highlight ng kuwento. It ang “TEXT
GOD”. Napakakulet talaga ng pakulong ito. Marami ang hindi naniniwala pero marami
pa rin ang nadale at hindi ako kasama doon. Pramis. Yung kaibigan ko lang na
hanggang ngayon ay tinatawanan ko pa rin. Nagsesend naman siya ng biblical
quotes kapalit ang limang piso. Ayus naman di ba?
Kung iisipin mo, kakaiba talaga itong
“TEXT GOD”. Kung totoo man iyon ay nakakaloko talaga. Itext mo si God ng “Kung
ikaw nga si God ay sabihin mo kung ano ang iniisip ko.” Magrereply naman sayo
na, “iniisip mo kung ako nga si God o hindi.” See, ikaw pa rin madadali. Ang
mahirap pa nito ay nagsend to many ka ng green joke at napasali ang contact
number ni God. Have mercy on your soul.
Isipin mo pare ha, baka may cellphone na
rin sa langit. Ayus di ba? Si San Pedro busy magtext kaya kahit sa impyerno ka
sana ay nakakalusot ka na lang gate, bigyan mo lang siya ng panload. Wala lang
talaga mga pare. Sino ba talaga itong nakaisip ng Text God. Amen.
PS: Siguraduhin mo rin na si God nga tinitext mo.
I was reading your article and wondered if you had considered creating an ebook on this subject. Your writing would sell it fast. You have a lot of writing talent.
ReplyDeletetext god fabian de rossi pdf