Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Tuesday, November 20, 2012

Ang Sapatos


Bakit ba ang ilan sa ating mga Pinoy, porke’t may pinag-aralan at nakatapos ng kolehiyo ay nagiging mapagmataas na?  Tingin nila sila ay nakakalamang sa iba at tingin nila sa mga ito ay mga alipores, mg walang pinag-aralan at hindi nila kalevel sa mundong ito. Ang Pinoy pagnabibigyan ng mataas na estado ng pamumuhay ay biglang nagkakaroon ng karapatan mangmata ng kapwa. Kung makatingin sa iba ay parang siya ang may-ari ng lahat, inuutos ang respeto, masyadong magaling, mapanghusga sa mga mahihirap.

Naalala ko ang kuwento tungkol sa isang senador na pumunta sa Amerika at dahil sa panahon na iyon ay Senate President siya ay umaasa siya ng special treatment kahit saan siya pumunta. Paglapag sa airport ay inutusan siya ng mga guwardya doon na sumunod sa mga security procedure. At dahil nga mapagmataas ang Senador na ito, ayaw niyang hubarin ang kanyang sapatos at ng hindi siya pinapasok at pinakiki-usapang sumunod na lang sa procedure ay biglang nagalit at biglang sinabi sa mga security personnel , “Don’t you know I’m the Senate President of the Philippines?” na may halong panglalait at pangmamata. Dahil hindi na siguro makayanan ng isang guwardya sa airport na nagkataon na Pinoy sa ipinakikitang pagmamataas ng magaling na senador ay lumapit ito at sinabi, “Sir, kahit po an V-Pres. Al Gore sumusunod sa mga procedure dito at tinatanggal ang kanyang sapatos.”

Biruin mo sa pagtanggal lang ng sapatos ay nagkaron pa ng walanng kwentang pangyayari dahil sa pagiging mapagmataas ng isang tao. Hindi naman mahirap tanggalin ang sapatos di ba? At alam naman natin  na sa airport my  procedure talaga na ganun, ngunit hindi eh, isa ako sa mga namumuno sa aming bansa, kelangan ko ng special treatment, sarap sapakin di ba? Ang konsepto ng ating bansa ay no one is above the law and we are all equal, no one is exempted in following the rules.  Patas patas lang tao dito kaya wag magmalaki.
Kung sabagay, masarap para sa isang Pilipino ang bigyan ng special treatment, nagkakaroon kasi ng ibang kahulugan ang iyong buhay, na parang mas nakakaangat ka sa iba. At yan ang gusto gusto natin, aminin man o hindi, sa ating mga puso ay nandiyan na kagustuhan na makaangat sa iba, bakit naman hindi. Sa bansang ito lahat ay gustong magkaroon ng kahulugan ang kanilang pagkatao. Kung maimbita ka sa isang pagsasalo ng mga kilalang tao eh nagkakaroon ka ng satisfaction na minsan mo lang nararanasan, kung mapadiyaryo ka o telebisyon nagkakaroon ka na ng “bragging rights”. Isa itong mababaw ba kaligayahan ngunit ito lang naman ang kayang makuha natin, sa bansang patuloy na bumabagsak.

Sa pagiging mapagmata natin ay nakikita ang ating kahinaan, ang kagustuhang maging lamang sa nakakarami. Ang ating panglalait sa mga taong mas mababa ang pinag-aralan, dahil saleslady , siekyu, karpentero, construction worker, maid, driver lang sila. Na sa oras na may magkamali ang may kasalanan ay sila dahil nga mas mataas ang iyong pinag-aralan, dapat kang respetuhin at dapat na pahalagahan. Mga baluktot na paniniwala na kuhang kuha ng mga pinoy.

Sana naman ay gumising naman tayo ng konti, maging makatao. Dahil minsan kung sino pa yung may mga pinag-aralan ay yun pang galling sa basurahan ang ugali.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...