Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Sunday, December 2, 2012

Kamatayan ni Andres Bonifacio







Sa pagdiwang natin ng kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio na marami ang tuwang tuwa dahil walang pasok at nakapagrelax ang karamihan. Siguro ang ilan sa inyo ay binalikan ang buhay ng isa sa itinuturung na dakilang bayani ng ating bansa. Alam ko na simula pa noong elementarya ay halos mamerya na natin ang buhay ng dakilang Supremo. Sinalaysay na sa atin sa Sibika at Kultura ang pagtatatag niya ng Katipunan na siyang naghimagsik at unang nag-alasa laban sa mga Kastila para sa kalayaan. Halos memorya na rin natin ang mga bandila ng bansa at mga buhay ni Ka Andres dahil sa Boy Scouts at Girl Scouts. Di natin malilimutan ang isang iconic image ni Ka Andres na may hawak na bolo at sumusulong sa Kastila. Ngunit sa lahat ng ito na itinuro ng ating mga guro noong elementarya hanggang sa pag highschool ay may parte na hindi isisnalaysay at ipinaalam sa atin. Kahit sa mga libro ay hindi ito isinulat at tinukoy. Ito ay kung paano namatay ang dakilang bayani. Naalala ko sa highschool ay nakasulat lang na;

                “Namatay si Andres Bonifacio sa Bundok ng Maragondon.”

Hindi man lang sinabi kung paano at kung bakit siya namatay.

Paano nga a namatay si Ka Andres? Ano ang sekreto at tila bakit hindi ito inilathala sa mga libro noong highschool? Nalaman ko na din ang storya noong kumuha na ako ng History 1 ng kolehiyo. Ang tuna na storya at pangyayari na sisira sa pangalan ng isa ring kilalang bayani at ilang tauhan nang rebolusyon. NA dahil sa ambisyon ay napagplanuhang patayin ang pinakamataas na lider ng Katipunan. Isang lamat sa kasaysayan na tila itinatago at pilit binubura ang katotohanan.

Naging matagumpay ang himagsikan lalo na sa probinsya ng Cavite, isang magaling na heneral ang namumuno doon na nagngangalang Emilio Aguinaldo at nasa kanya pang kanang kamay si Apolinario Mabini, isang magaling na tag-payo. Dahil dito marami silang nasakop na bayan at napaalis na mga Kastila. Kinilala ang galing at tagumpay ni Aguinaldo sa labanan lalo na sa pamumuno. Nagkaroon ng problema sa pamumuno sa Cavite, may dalawang grupo na umaangkin nito, ang Magdalo na pinamumunuan ng kapatid ni Aguinaldo at Magdiwang na pinamumunuan naman ng tiyuhin ng asawa ni Bonifacio. Ang Magdalo ay naghahangad ng “Revolutionary Government” sa ilalim ni Aguinaldo na kahit alam naman ng lahat na may gobyerno na ang rebolusyon at ito ang Katipunan. Kinuwestyon ng Magdalo ang kapangyarihan ng Katipunan kahit alam nila na may constitution na ito at kasali naman sila sa pagtatag nito. Ang Magdiwang ay ipinagdidiinan ang kapanyarihan at pagigng lider ni Bonifacio dahil siya ang Supremo ng Katipunan.

Isa ito sa pinakamalungkot na mga pangyayari mga kaibigan. Malalaman natin na noon pa man ay katangian ng mga Pilipino na mapanghusga, mapangmata, corrupt, at mapagmataas. Sa pagpapatuloy kwento malalaman natin ang ginawa ng iba para makamit ang hinahangad na kapangyarihan.



Sa paghahangad na malutas ang problema sa Cavite ay pumunta doon si Bonifacio kasama ang mga kapatid. Dahil siya ang lider ng katipunan ay inaasahan na rerespeto ang kanyang desisyon ngunit bago pa man siya makarating doon ay hindi niya alam na hindi na pinapansin ng mga lider ng Magdalo ang kanyang pagiging Supremo. Dahil din na galing daw si Bonifacio sa lower class ay parang naiirita ang mga lider ng Magdalo na puro galing sa mayayamang pamilya. Ayaw nila pamunuan ng isang mang mang na hindi naman totoo dahil si Bonifacio ay isang edukadong tao na nakabasa na ng maraming libro. Kahit na pilitang isinasaayos ang problema sa pamumuno ay walang nangyayari. Para matapos na ang problema para sa mamumuno ay pumayag na rin si Bonifacio na magkaroon ng halalan na kung saan dito na malalaman kung sino ang mamumuno sa bagong gobyerno na kanilang itatag. Isang kondisyon lang ang hiningi ni Ka Andres at ito ay respetuhin kahit ano man ang maging resulta ng halalan. Natalo si Ka Andres bilang Presidente at siya ay nahalal lamang sa posisyon na Director of Interior na tinutulan naman ni Daniel Tirona isang Magdalo sa dahilan na dapat daw isang abogado ang humawak sa posisyon na iyan at may alam siyang abogado sa Cavite na nararapat. Nasaktan si Bonifacio sa mga salita ni Tirona at ipinagdiinan na humingi ng tawad ito sa kanya dahil napagkaisahan na irerespeto ng lahat ang magiging resulta ng eleksyon. Sa halip na humingi ng tawad ay umalis lang si Tirona.

Dahil sa nangyari ginamit ni Bonifacio ang kanyang kapangyarihan bilang Supremo para ideklara na hindi annulled ang nangyaring halalan. Sinabi niya na, “I, as chairman of this assembly and as President of the Supreme Council of the Katipunan, as all of you do not deny, declare this assembly dissolved, and I annul all that has been approved and resolved." Ngunit sa sunod na araw ay nag-oath si Aguinaldo at idineklarang Presidente ng gobyerno. Ipinarating ni Bonifacio ang kanyang hinaing na ang nangyaring halalan ay puno ng anomalya at dayaan. Napilitan si Bonifacio na umiwas sa Cavite at buhayin ang katipunan.



Sa galaw ito ni Bonifacio ay nagkaroon ng pagkakataon ang grupo ni Aguinaldo na paratangan si Bonifacion ng pagtataksil sa bayan. Habang siya ay papaalis sa Cavite ay inatasan ni Aguinaldo ang kanyang mga tauhan na hulihin ito. Sa pamumuno ni Agapito Bonzon at Jose Ignacio Paua ay pumunta sila sa kampo ni Bonifacio at sila ay malugod nitong tinanggap sa pag-aakalang sila ay makikipag-usap lamang. Hindi niya alam na sila ay nandoon para arestuhin siya. Sa sunod na araw ay inatake nina Bonzon at Paua sina Bonifacio. Ipinag-utos ni Bonifacio na itigil ang barilan ngunit patuloy pa rin sa pag-atake at pagpaputok ang grupo nina Bonzon at Paua. Nabaril sa kamay at sinaksaksak sa leeg ni Paua si Bonifacio. Papatayin na sana siya ngunit inalay nang isang matapat na tauhan ni Bonifacio ang kanyang buhay para sa Supremo. Pinatay ang kapatid niyang si Ciriaco at binugbog hanggang walang malay si Procopio. Ang asawa niyang si Gregoria ay malamang ay ginahasa ni Bonzon. Isang brutal na pangyayari ang naganap, isang backstab na plinano ng kampo nina Aguinaldo. Alam nila ang kapangyarihan ng Supremo kaya dapat sa maagang panahon pa lamang ay mahuli na ito.

Nagkaroon ng isang walang kwentang paglilitis. Binintangan si Bonifacio ng pagtataksil at nagplaplano na patayin siAguinaldo. Pati ang abogado niya nagsasabi na siya ay may-sala. Ang hukom ay mga tauhan ni Aguinaldo. Hindi binigyan ng pagkakataon na makipagharapan si Bonifacio sa kanilang Testigo tungkol sa pagtatangka na patayin si Aguinaldo dahil namatay daw ito sa digmaan na sa totoo pala ay buhay na buhay. Hinatulan ng kamatayan si Bonifacio at noong Mayo 10 1897, sila ng kapatid niya ay binaril sa Bundok ng Maragondon. Pinarating pa ng mga pumatay sa kanya na nagtangkang tumakas si Bonifacio para maipakita na siya ay duwag na tao ngunit hindi ito nagtagumpay. At wala naman itong katotohanan dahil sa dami ng sugat ni Bonifacio na hindi ginamot ay mahinang mahina na siya at di na makakatakbo. Sabi pa nga ng mga historians, he was dragged from prison to the mountains because he was too weak to walk.




Nagtagumpay ang plano ng grupo ni Aguinaldo. Ngunit nagkamali sila sa pag-aakalang mapapasunod nila ang miyembro ng Katipunan sa ibang panig ng bansa. Ang mga rebelde ay nawalan ng moral ng patayin ang kanilang lider, marami sa mga ito na nasa Cavite ay umalis at bumalik sa kanilang probinsya. Si Emilio Jacinto at iba pang matatapat na tauhan ni Bonifacio ay hindi tinanggap ang pamumuno ni Aguinaldo. Makikita natin noon pa man kung gaano na nagsisimula ang pagbaho at pagiging corrupt ng ating politika. Hindi pa nga tuluyang malaya ang Piliinas ay kaagad ng iniisip ng mga Mestizong-Filipino kung paano nila makukuha ang mataas na posisyon. Hindi sila papayag na isang galing sa lower class ang mamumuno sa kanila. Ang saklap di ba? Kasakiman na nanalantay sa ating mga dugo. Isang kaso ng murder na ginawang legal ng kampo ni Aguinaldo ang pagpatay kay Bonifacio.

Sinabi nila na isang balakid si Bonifacio sa rebolusyon dahil baka makipaglaban siya sa Cavite pero hindi naman yun totoo. Walang plano si Bonifacio na umatake sa Cavite, aalis lang siya at makikipaglaban doon sa iba pang lugar. Hinahangad naman niya ang kalayaan. Isa pa, hindi napunta sa isip ni Bonifacio na makipagcompromise sa mga Kastila di tulad ng mga lider ng Cavite na nagresulta sa Biak-na-bato at ang naging resulta ng pagkaka-udlot ng rebolusyon.

Ang motibo talaga ng kampo ni Aguinaldo ay mawala sa landas niya si Bonifacio. Sabi ni Mabini, “Dahil miyembro si Aguinaldo ng Katipunan ay nasa ilalim siya ng pamumuno ni Bonifacio.” Kung nakalabas ng Cavite si Bonifacio ay may karapatan itong kasuhan ng pagtataksil si Aguinaldo kaya maaga pa lang habang di pa nakakalabas si Ka Andres ng Cavite ay ginawa na nila ang maiitim nilang balak.  Ayon pa rin kay Mabini, “ang pagpatay sa Supremo ay isang krimen... nagpapakita ng tagumpay ng pansariling interes laban sa pagiging makabayan.” Lahat ng ito ay plinano ni DON Emilio Aguinaldo at DON Mariano Trias.

Paano namatay si Bonifacio? Siya ay pinapatay ni Aguinaldo. 



PS: Ang nakalap kong impormasyon ay galing sa wikipedia. Ang ilang imahe ang galing sa google.:)))

12 comments:

  1. Buwisit na mga naghahari hariang demonyo nagbabalatkayo sa pagiging mabuti pero ubod ng kasamaan,pag ginawa nyo yan kay duterte kame mga gusto ng pagbabago ang papatay sa inyo,susunugin namin ang kasakiman nyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Nagrigatt nga ag search nga makapaasar t internet nga

      Delete
  2. 😌thank you for supporting we love you saludo ako sayo andress bonifacio

    ReplyDelete
  3. Kailan pa kaya natin makakamtan ang tunay na kalayaang pinaka aasam-asam?

    ReplyDelete
  4. So nice and its good for everyone knows what the reasons why Andres Bonifacio's die

    ReplyDelete
  5. Sino Ang nagsulat ng talambuhay no Andres Bonifacio?at kailan it inilathala?salamat po sa sasagot

    ReplyDelete
  6. Deputa! TANGINA SA MGA DESCENDANTS NI EMILIO AGUINALDO. WALA SILANG KARAPATAN NA IPAGMALAKI SIYA.

    ReplyDelete
  7. SALUDO KAY ANDRES BONIFACIO! ISA TALAGA SIYANG MATAPANG NA PILIPINO. HINDI KATULAD NG IBA JAN.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...