Bakit ba ang
karamihan sa Pinoy mahirap sumunod sa mag batas, sa mga simpleng ordinansa na
ginagawa na para naman sa ikabubuti ng mga mamayan. Isa sa pinakamatinding
sakit na yata ng mga Pinoy ang pagiging batugan at di pagsunod sa mga alituntunin.
Kulang sa disiplina.
Madalas nating sisihin ang pamahalaan sa hindi natin
pag-unlad, sa patuloy na pagbagsak ng ating pamumuhay, dahil sa magulong
pamamahala, kurapsyon, at walang hanggang “dirty politics”. Ngunit naisip din
ba natin na may pagkukulang tayo? Kadalasan sa atin hindi, dahil ang nasa isip
nating ang gobyerno ang magbibigay ng daan
para sa kaunlaran. Tama naman tayo diyan, pero hindi naman pwede na
gobyerno lang lahat ang kikilos, dapat kahit papano ay tayo rin.
Mga pare at mare, mayroon tayong malaking pagkukulang at yon
ang disiplina. Kulang na kulang tayo diyan, kung sa paglabag lang ng mga batas
ay number one tayo. Bakit ba? Dahil sa masarap ang bawal?
Nakakalungkot mang isipin pero karamihan sa mga Pinoy ay
walang “sense of discipline”. Isa sa mga klasikong halimbawa diyan ay ang
katagang bawal umihi dito. Eh ang laki laki na nga ng sign eh doon pa umiihi. Bakit
nga ba kung saan may karatulang nakalagay na bawal umihi ay doon pa umiihi ang
mga lalake.
Yung bawal magtapon ng basura pero makikita mo ang daming
nagkalat tapos yung trash can nasa gilid lang at walang laman..
No Smoking, pero sa tabi mga naninigarilyo at di mawawala si
Mang Yosi, ang taga benta nito kasama ang makukulay na Maxx. =)
Bawal Tumawid, pero ayan tapos pag bumusina ang jeep, siya
pa ang galit.
Hindi naman ata mahirap
sundin ang Traffic Lights pero andyan pa rin ang hindi makapaghintay,
tatawid at tatwid kahit pula. Kung masagasaan, sisisihin ang lahat, kawawa pa
ung Manong Tsuper na nakasagasa, sumusunod na nga siya sa Traffic Signals, siya
pa ang may kasalanan dahil sa isang tanga.
Simpleng mga instruction di makasunod, sa mga library kahit
keep silent ang ingay nang mga studyante. Kahit nakasulat na “Please Turn Off
Your Cellphone While Inside The Bank”, wala pa rin. Yung wear your I.D.
properly di masunod sunod yung ibang batas pa kaya?
Dahil sa kawalan din ng disiplina ng karamihan sa atin at
aaminin kung kasali rin ako dun, nagiging dahilan din eto sa hindi pag-angat ng
bansa. Kung makikita mo sa mga bansang strict disciplinarian, malinis at
maganda ang kanilang sistema, kung bawal tumawid ay bawal talaga. Sa Singapore
ay kung dumura ka kahit saan ay may fine ka kaagad. Ang hindi pagsunod sa mga
alituntunin ay may katapat na parusa at kanila itong ginagawa with strict
implementation. Di tulad ditto, maganda lang ang mga batas sa simula,
pag-tumatagal inaanay na rin.
Siguro kelangan na yata natin ng mga karatulang tulad ng nasa taas para naman kahit papano ay mag-alinlangan.
Sinasabi ng marami na demokrasya tayoat hindi puwede ang mga
“rigid laws” na iyan, pero di ba natin nakikita na marami ang hindi sumusunod
sa mhga panukala ng gobyerno dahil hindi naman ito ini-implement ng mabuti,
kung mahuli ay sasabihin lang na din a uulitin o magbibigay na lang ng lagay.
Sa mahal kong mga kababayan, maaring ang kasagutan ng lahat
sa problemang dinadanas ng ating bansa ay nasa disiplina lamang. Kung
masisimulan nating disiplinahin an gating mga sarili, siguro, ewan ko, after
how many years, ay maging mas maayos ang ating bansa.
Sana hindi tayo puro “AKO”, sana isipin din nating kung
magiging paano “TAYO”.
PS: ang mga imahe na ginamit ko ay hindi sa akin at inupload ku lang sa google. =)))
feeling ko ay malaki ang impluwensya ng makwelang pagpapahayag ni manix abrera sa mga sulating ito. :)
ReplyDeletefeeling ko rin mas may kahulugan sa isang tao ang I kesa sa WE. mahirap namang maging pluralistic sa panahong ito na kung saan sarili nalang ang tunay na kaakibat. hence, realistic na lamang.
ReplyDeleteiniihian ang may sign na "bawal umihi dito" kasi established na lugar na ito para ihian. haha. nakakahiya namang mangunang mg-establish ng panibago. maling gamit yun ng initiative. kung sa tawiran naman ay kung 'sinlisto ka sa isang ninja, bakit pa ba tatawid sa isang milyang layo na pedestrian lane eh ninja nga so tawid nalang kun saan convenient. anyway, pagmatsugi naman eh nagpapatunay lang yun nga di ka ninja. sad nga lang kasi huli na ang lahat para marealize mo yun. sayang ang effort. buwis buhay. :P
kawawa yung nakasagasa sayo. sumusunod na nga siya sa traffic lights. nakasagasa pa siya dahil may ninja na basta basta na lang tumawid. =))) siya pa ang may kasalanan dahil siya nakasagasa. hehehehehe
ReplyDeleteKailangan natin ng lipunang mapagkakatiwalaan at hindi yung pakitang tao lamang.
ReplyDelete