Nasaan na ba tayo ngayon?
Noong unang mga dekada sa panahon bago pa nga rehime ng dating Pangulong Marcos
ay isa ang Pilipinas sa pinaka-maunlad na bansa. Ika nga nila, “one of the
TIGER economies”, ang tigre na sumisimbolo sa isang matatag ant malakas na
bansa. Ngunit pagkalipas lang ng ilang taon bumagsak ang ekonomiya ng pumasok
ito sa ilalim ng Martial Law, dahan dahan an gating pagbagsak, naging mahal ang
mga bilihin at unti unting dumami ang walang trabaho.
Hindi naman natin maiiwasan ito, dahil sa panahon na si
Pangulong Cory Aquino na ang namuno, sadyang magulo ang bansa noon at ang
pag-stabilize ng kapayapaan ang unang prinayuridad nito. Dumating din ang Asian
Financial Crisis na kung saan gumuho ang ekonomiya ng mga bansa sa Asya lalo na
sa South East. Hindi rin nakayanan ng gobyerno natin kaya patuloy ang kahirapan
natin noon.
Ngunit ilang taon na rin ang nakaraan matapos ang mga
pangyayaring yun. Ang tanong nasaan na ba tayo?
Lahat ng mga bansa na nakapaligid sa atin ay unti unting
rumaos. Unti-unti ay pinalakas nila ulit ang kanilang ekonomiya at estado ng
pamumuhay. Ang Taiwan ay mas maunlad na sa atin, inunahan pa tayo ng Thailand
at Vietnam. Dati tayo ang exporter ng bigas sa mga bansang eto ngunit ngayon
tayo na ang bumubili sa kanila. Paano to nangyari eh na sa Pilipinas naman ang
pinakakilalang “Rice Research Institute” dito sa Asya?
Bakit habang umuunlad ang mga karatig nating bansa ay tayo
naman ay unti unting naluluho sa utang. Pinanganak ka pa lang may utang ka na,
akalain mo yun? Ang Singapore, asus, iniwanan na tayo, masyado ng malaki ang
agwat. Kaya pa ba nating habulin?
Nasaan ba ang problema? Nagpupursigi naman tayo di ba?
Demokrasya naman tayo, wala namang pumipigil sa atin. Ibinoboto naman natin ang
mga nararapat, o tama nga ba?
Matapos ang sinasabing EDSA revolution, naisip natin, eto na
ang kailangang pagbabago. Eto na ang panahon para umunlad ang Pilipinas nating
minamahal. Pero ilang taon ang lumipas ay mas lalo pang lumala ang kalagayan
natin. Bakit? Ano ba ang problema?
Dahil wala naman talagang nagbago, sila pa rin ang naka-upo
sa trono. Kahit may mga bagong makabayan na pumapasok para labanan at isulong
ang pagbabago, kalahati sa kanila ang kinakain pa rin ng sistema. Ang gobyerno
natin, kahit ilang beses pang ibahin ang mga pamamahala ay walang mangyayari
dahil kung sino man ang naka-upo noon ay siya pa rin yan nagpalit lang ng
mascara, kinain ng sistema nating matagal ng bulok.
Paano pa ba uunlad eh kung ang isa sa pundasyon ng pagiging
bansa ay corrupt at inaanay? Ilang dekada na tayong patuloy pinamumunuan ng mga
“TRAPO”, dinastiyang kanilang linikha para masiguro na pamilya nila ang
mamumuno, hindi mawawala ang kanilang impluwensya sa bayan.
Kung ang sana pagpapaunlad sa inang bayan ay ang nangyayari
ay pagpapaunlad sa kanilang sarili at pamilya. Gusto mo sanang maging pinuno o
umupo sa gobyerno upang makatulong sa bayan ngunit iba naman ang nangyayari.
Habang maraming Pilipino ang naghihirap at walang makain puro mga “speeches
lang sila at mga pangako”. Hindi nakatuon sa tamang landas ang mga programa.
Isipin mo, 50 million para sa isang programang di naman kailangan nang lahat.
Kung pagpapatayo san nang mga paaralan o pagpapakain sa mga nagugutom ang
tinutuunan ng pansin. Kawawa talaga tayo dito.
Isipin mo kababayan, sa ganitong sistema ng pamahalaan,
ilang taon ngayon;
Saan ba tayo pupulutin?
No comments:
Post a Comment