Bakit ba ang ilan sa ating mga Pinoy, porke’t may
pinag-aralan at nakatapos ng kolehiyo ay nagiging mapagmataas na? Tingin nila sila ay nakakalamang sa iba at
tingin nila sa mga ito ay mga alipores, mg walang pinag-aralan at hindi nila
kalevel sa mundong ito. Ang Pinoy pagnabibigyan ng mataas na estado ng
pamumuhay ay biglang nagkakaroon ng karapatan mangmata ng kapwa. Kung
makatingin sa iba ay parang siya ang may-ari ng lahat, inuutos ang respeto,
masyadong magaling, mapanghusga sa mga mahihirap.
Naalala ko ang kuwento tungkol sa isang senador na pumunta
sa Amerika at dahil sa panahon na iyon ay Senate President siya ay umaasa siya
ng special treatment kahit saan siya pumunta. Paglapag sa airport ay inutusan
siya ng mga guwardya doon na sumunod sa mga security procedure. At dahil nga
mapagmataas ang Senador na ito, ayaw niyang hubarin ang kanyang sapatos at ng
hindi siya pinapasok at pinakiki-usapang sumunod na lang sa procedure ay
biglang nagalit at biglang sinabi sa mga security personnel , “Don’t you know
I’m the Senate President of the Philippines?” na may halong panglalait at
pangmamata. Dahil hindi na siguro makayanan ng isang guwardya sa airport na
nagkataon na Pinoy sa ipinakikitang pagmamataas ng magaling na senador ay
lumapit ito at sinabi, “Sir, kahit po an V-Pres. Al Gore sumusunod sa mga
procedure dito at tinatanggal ang kanyang sapatos.”
Biruin mo sa pagtanggal lang ng sapatos ay nagkaron pa ng
walanng kwentang pangyayari dahil sa pagiging mapagmataas ng isang tao. Hindi
naman mahirap tanggalin ang sapatos di ba? At alam naman natin na sa airport my procedure talaga na ganun, ngunit hindi eh,
isa ako sa mga namumuno sa aming bansa, kelangan ko ng special treatment, sarap
sapakin di ba? Ang konsepto ng ating bansa ay no one is above the law and we
are all equal, no one is exempted in following the rules. Patas patas lang tao dito kaya wag magmalaki.
Kung sabagay, masarap para sa isang Pilipino ang bigyan ng
special treatment, nagkakaroon kasi ng ibang kahulugan ang iyong buhay, na
parang mas nakakaangat ka sa iba. At yan ang gusto gusto natin, aminin man o
hindi, sa ating mga puso ay nandiyan na kagustuhan na makaangat sa iba, bakit
naman hindi. Sa bansang ito lahat ay gustong magkaroon ng kahulugan ang
kanilang pagkatao. Kung maimbita ka sa isang pagsasalo ng mga kilalang tao eh
nagkakaroon ka ng satisfaction na minsan mo lang nararanasan, kung mapadiyaryo
ka o telebisyon nagkakaroon ka na ng “bragging rights”. Isa itong mababaw ba
kaligayahan ngunit ito lang naman ang kayang makuha natin, sa bansang patuloy
na bumabagsak.
Sa pagiging mapagmata natin ay nakikita ang ating kahinaan,
ang kagustuhang maging lamang sa nakakarami. Ang ating panglalait sa mga taong
mas mababa ang pinag-aralan, dahil saleslady , siekyu, karpentero, construction
worker, maid, driver lang sila. Na sa oras na may magkamali ang may kasalanan
ay sila dahil nga mas mataas ang iyong pinag-aralan, dapat kang respetuhin at
dapat na pahalagahan. Mga baluktot na paniniwala na kuhang kuha ng mga pinoy.
Sana naman ay gumising naman tayo ng konti, maging makatao.
Dahil minsan kung sino pa yung may mga pinag-aralan ay yun pang galling sa
basurahan ang ugali.
No comments:
Post a Comment