Umiihi ka
nanaman dito. Ilang beses ko nang sinabi na Bawal Umihi Dito ahhh. Ayan nga ang
laki ng karatula. Pero wala pa rin. Tapos niyan magyoyosi ka pa sa non-smoking
area at itatapon mo lang kahit saan ang upos nito kahit may basurahan na diyan
na malapit. Pinoy nga talaga. Kulang sa disiplina.
Ito ang
rendition ng Bawal Umihi Dito. Dahil nga ang mga part one ay dapat may part
two. Pinag-usapan natin dati ang disiplina na kulang na kulang ang mga Pinoy.
Kahit red light na ang Traffic Lights at alam naman natin na bawal tumawid
niyan ay tatawid pa rin yan. Pag mahuli ng traffic enforcer ay sasabihin na
hindi niya alam at first time palang tumawid. Kung masagasaan ehh yung kawawa
yung jeepney driver. Sa bawat panahon na may linalabag tayong alituntunin ehhh
malaki ang tsansa na may mangyayaring masama. Marami pa tayong nadadamay sa
hindi natin pagsunod sa simpleng mga batas at ipinagbabawal.
Bakit nga
ba mahirap para sa ating mga Pinoy ang sundin ang mga simpleng batas at
alituntunin na pinatutupad ng pamahalaan? Kung iisipin mo naman ay hindi naman
ito napakahirap sundin at para din naman ito sa ikabubuti ng lahat pero hindi
ehh. Dahil sa kakulitan ay number one talaga tayong mga pinoy diyan. Siguro ang
sakit na ito ay simula pa nung grade
school pa tayo. Kung sinabi ng teacher na kumuha ng ¼ sheet of paper ehhh one half ang ipinasa.
Read the direction first. Kung sinabing underline the right answer, hindi dapat
binibilugan. Kung dapat capital letters yung pagkasulat ng answer bakit marami
pa rin ang nagkakamali dito. Kung sa library ay dapat di maingay tapos puro
kuwentuhan pa rin. Di na rin nakakapagtaka na kahit ngayon ay di makasunod sa
mga simpleng direksyon at alituntunin.
Kaya
naman di umuunlad ang Pilipinas, kung mga simpleng batas pa lang ay di na
masunod paano pa kaya yung mas seryoso
na. Bawal ang Illegal Logging, Illegal Fishing. No Mining, Clean Elections, No
to Corruption. Kailan pa kaya ang mga ito nasunod? Walang disiplina at wala tayong
patutunguhan. Siguro nawawalan na rin tayo ng pag-asa sa mga lider natin na
wala namang magawa at siya pang nangunguna sa kawalang disiplina. Sila sana ang
modelo at namumuno ngunit ibang imahe naman ang ipinakikita nila. Sila na nga ang gumagawa ng mga batas at
alituntunin ehhh sila pa ang mas unang lumalabag nito.
Pero
kahit ganito ang kalagayan natin, di panaman huli para sa pagbabago. Bago tayo magreklamo
sa iba, bakit tingnan muna natin ang sarili natin sa salamin. Ang pagbabago na
ating hinahangad ay dapat nagsisimula sa sarili at hindi sa iba. Kahit konting
disiplina lang naman, tumawid tayo sa tawiran at ibasura ang mga basura natin
sa basurahan. Kahit ano pa man ang sabihin natin ay tayo talaga dapat ang
simula. Kung lahat ay sisimulan ang pagbabago sa sarili, eh lahat na magbabago.
Ebribadi happy. Ohhhhh ayan, umiihi ka nanaman. Di ba nga at sinabi ko na na
BAWAL UMIHI DITO!!!
PS: Ang mga images dito ay kiniuha ko lang sa google.
No comments:
Post a Comment