Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Tuesday, November 27, 2012

Mac Arthur


Isa sa paboritong joke ng kaibigan ko noon. Sabihin mo raw ang salitang iniispell:

M-A-C   D-O-N-A-L-D

M-A-C   B-U-R-G-E-R

M-A-C   B-O-O-K

M-A-C   F-L-O-A-T

M-A-C   A-R-T-H-U-R

M-A-C   H-I-N-E

Ang tanong na palaging nasa isipan ng mga Pinoy, paano kung di na lang tayo pinalaya? Paano kung hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin tayo ng pamumuno ng Dakilang Bansa ng Amerika? Paano kung noong pagbalik ni McArthur ay di na sila umiwas at tuluyang inilagay sa kamay nila ang pagcontrol sa ating bayan? Paano kung tayo ay naging 51st Sate na lang ng Amerika? Siguro masagana tayo ngayon.  Masaya pa dahil tayo ay mga American Citizen katulad ng Hawaii at Guam, kasali tayo sa pinakadakilang mga mamamayan ng Amerika. Dolyar ang pera natin, mga inglesero pa, mataas ang noo at maraming maipagmamalaki.






Kung sa sitwasyon ng ating bayan ngayon, marami talaga ang nagsasabing mas mabuti nalang sana kung di na lang tayo pinakawalan ng Amerika. Masagana sana ang pamumuhay at hindi pa magulo ang sistema. Magaganda ang progaam at sigurado ang pag-unlad. Hindi mga sub-standard na kagamitan ang gagamitin sa mga imprastraktura dahil ang mamahala ay mga Amerikano. Malakas din ang tinatawag na “check and balance” sa kanila kaya mapipilitan talaga ang mga politiko na maging malinis at gumawa ng mga bagay na maikakabuti sa ating bansa. Mayaman sana tayo, di tulad ngayon na baon na baon sa utang.  Ang sistema ng edukasyon ay mapapahalagahan. Maraming investors ang pupunta sa bansa. At ang mga kagamitang militar ay hindi yung mga kinakalawang at nabubulok. Siguro napuksa na ang problema sa Mindanao o sa mga NPA. Siguro masaya at maliwanag ang ating nakikitang kinabukasan para sa bansa natin.


Ngunit lahat positibo rin natin di ba? Di natin sinisilip kung ano ang mga negatibong magaganap kung  tayo ay nasa ilalim ni “Great America-sama”.Isipin nating tayo ay ibang race sa kanila at maniwala ka o hindi ang bansang America ay isa sa may malaking insidente ng racial discrimination. Ang mga higanteng mapuputi ay may mataas na pagtingin sa kanilang sarili. Ipinanganak sila sa pinakadakilang bayan sa buong mundo kaya sila ay mga dakila rin. Mapupuno ang Pilipinas ng mga puti. Pero siguro maganda na rin, yan naman ang gusto ng mga Pinoy ang malahian ng puti. Magsasawa ka na lang sa mga maiitim at maliliit na Filipina na makikita mo sa daan minsan naka kapit sa kanong kanilang maasawa. Ang kanong matatanda na at halos wala ng buhok. Pero para sa pera, kailangan talagang maging praktikal ngayon. Naiintindihan ko rin naman sila para sa kinabukasan din naman ito. Kung dito ka maghahanap ng mapapangasawa at mahirap ka pa ay malaki ang tyansang mahirap din ang mapapangasawa mo. So much for the future. Maganda na rin ito dahil kahit papaano masisigurado mo ang susunod na henerasyon ng iyong pamilya. Pero hindi lahat katulad niyan ha, marami rin akong nakita na nagkatuluyan dahil sa pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Ang bandila ito ay inihanda na ng America
 kung sakaling mag karoon nga  ng 51st State
 at ang Pilipinas ang isa sa mga ito.


Kung nandito rin sila ay siguradong iexploit nila ang mga likas na yaman sa bansa na ating pinangangalagaan ngayon. Magiging puro minahan dito pero sabagay kung tarbaho ang maibibigay nito ay walang problema sa mga Pinoy na kaysa naman magutom. Sa taas ng unemployment rate ng ating bansa mas mabuti na ang magkaroon ng trabaho. Mapagsasamantalahan din ang ating bansa ngunit “American Citizens” naman tayo, maipagmamalaki pa rin natin yun, di ba? Kung di niyo nalalaman ang bansang Pilipinas ay isa sa pinakamagandang strategic location para sa militar dito sa bansang Asya. Kung iisipin niyo pinag-agawan talaga ito ng maraming mananakop dahil sa ganda ng pwesto nito. Ang orihinal talaga na plano ng Amerika noon ay gawing “Pearl Harbor II” ang Pilipinas. Ito ang magbibigay ng malaking kapangyarihang militar sa kanila dito sa Asya. Di ba kayo nagtataka na kahit wala naman masyadong nakukuha sa conservatismong bansa natin ay patuloy pa rin tayong sinusuportahan ng bansang Amerika? Dahil sa hindi tayo maiwanan. Napakalaki ng potensyal na nakikita ng bansang Amerika para sa atin na tayo nama o ang gobyerno natin ay hindi makita dahil puro politika, media, at bangayan lang naman ang inaatupag.



Pero kung titimbangin natin, malaki talaga ang magbabago kung tayo ay napasailalaim na lang ng bansang Amerika. Kung tayo ay tuluyan na lang nilang pnamahalaan at hindi binitiwan. Siguro mas nakakaraos tayo at di nahuhuli. Di tayo nanatiling third world na ilang dekada na tayong nakadikit, napako, at hindi umuusad.. Ang masama pa nga ay baka tayo umatras pa at maging Fourth World.


Marami ang nagmamahal sa bansa natin. Minamahal ang kalayan na ating natamo noon pa man. Isa ito sa pinaka-importanteng bagay dahil ito ang nagbibigay kahulugan sa atin. This is our identity. We are Filipinos. Proud to be. Kahit papano ang isiping ibang nasyon ang nagmamay-ari sa atin ay di katanggap tanggap kaya nga ibinuwis ng mga bayani natin ang kanilang buhay para mapalaya ang ating bansa. Mahal na mahal ko rin ang Pilipinas. At alam kung ikaw din. Kahit papano hindi mo rin gustong mabago ang sitwasyon na kinalakihan mo. Ang malungkot lang ay kahit masaya tayo sa kalayaan ng ating bansa, di pa rin natin maiwasan marinig  paminsan minsan ang salitang “I SHALL RETURN.”

PS: Siya nga pala kung ang pag basa mo sa spelled word na “M-A-C   H-I-N-E” ay “mak-hi-ne”. Tsong mali ka, dahil ang salitang yon ay “machine”. =D

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...