The Filipino Time
Bakit ba marami sa atin ay kadalasan nalalate? Nahuhuli sa
mga pagkikitakita at patitipon. Kungang nakapagkasunduang oras ay ala 1,
kadalasan alas dos na dumarating. Dahil sa nagiging “habit” na ito nang
karamihan ay binansagan itong, the Filipino Time, ang palaging pagiging late.
Basically ang ibig sabihin nito ay wag kang umasa na
darating sa tamang oras ang kasundo mo, magbigay ka ng isang oras na allowance
dahil sigurado kung hindi ay dalawang oras kang maghihintay, ganan katindi ang
Pinoy. Hindi lang ito applicable sa mga pagkikitang barkada o group, pati rin
sa mga okasyon at event. Yung programa na sana alas 8 magsisimula ay nadedelay
ng isang oras. Mga concert na dalawang oras palaging huli. Hai naku, siguro nga
ay tatak Pilipino na ang pagiging huli palagi, kaya yata nahuhuli din tayo sa ibang bansa.
Kahit sa mga opisina ng gobyerno ay maraming nalalate, huli
sa takdang oras ng pagpasok, at kung sino pa yung mahahalaga ang posisyon, yun
pa ang kadalasan wala. Saan nga ba ito nagsimula?
Kung iisipin mo, ng nasa elementary ka pa at high school, di
kana man ganyan, mahirap malate sa mga panahon na yon, dapat makaattend ng flag
ceremony, ayaw mo rin na naisusulat ang pangalan mo sa most late or abscences,
mas pogi kung most punctual. Sa panahong ito ay pinahahalagahan pa talaga ang
oras ng pagpasok at naitatak sa mga bata ang pagiging masinop. Kung ganon naman
pala, saan ba pumasok ang sakit na “Filipino Time”?
Sa college, natuto nang mag-isa ang bata, wala na rin ang
magulang na gigising dahil nagdodorm na, dito na nagsisimula ang pagiging late,
1 minute late hanggang 5 min. hanggang 30 minutes na. Lalo na yung kung sino pa
ang malapit sa paaralan ay siya pa ang palaging huli One of the mysteries of
life. I repeat;
“KUNG SINO PA ANG PINAKAMALAPIT SA PATUTUNGUHAN AY SIYA PA
ANG PALAGING NAHUHULI.”
-this is very applicable in college life situations..=)))
Sadyang nagiging tamad pag nasa kolehiyo na nagdadaan sa
pagiging late palagi. Siyempre, pagkagradweyt at paghanap ng trabaho, eh nadadala
na rin ang katangiang ito.
Sa ibang bansa hindi naman ganyan, pinapahalagahan talaga
nila ang oras, kung alas 9 ang usapan, eh dapat 15 minutes nandoon ka na, isang
malaking kasalanan ang pagiging huli. Ang mga hapon ang modelo kung sa
pag-oobserba ng tamang oras, sa kanilang bansa ay synchronize ang lahat ng mga
relo, kaya di pwede ang dahilang, late
ang relo ko dahil lahat ay parepareho ang oras. Naalala ko nga kuwento ng aking
kaibigan. Isang hapon daw ang napangasawa ng kanilang barakadang babae at
nagdesisyon ito na mag-sponsor ng isang event, hiningi nito ang partisipasyon
nila upang tumulong sa event, napakasunduang alas 7 ng umaga ang pagkikita,
nalate sila ng 15 min, pagdating nila ay
galit ang hapon, hindi daw dapat ganon, kung alas 7 daw, dapat alas 7, yan daw
ang problema sa mga Pinoy, di pinahahalagahan ang oras, kaya palaging nahuhuli
sa anong bagay.
Masakit mang marinig ang mga sumbat na iyon ay di
maikaka-ila na tama siya, isa ito sa mga hindi magandang katangian na naipapasa
pasa natin “generation to generation”. Huli tayo palagi, wala tayong sense of
urgency, dumadating lang ito pagnakikita natin na huling huli na talaga tayo,
hangga’t di natin nakikita na malapit na sa oras ng pagpasok ay hindi tayo
kumikilos. Disiplina, yan ang kulang sa atin, na kahit sa pagsunod sa tamang
oras ay hindi natin makaya. Kaya hindi tayo umuunlad bilang isang indibidwal at
bansa dahil sa malaking lamat na ito sa atin. Tanging ang mga businessman lang
sa bansang ito ang nakakakita ng kahalagahan nito kaya may strict time policy
talaga sila. Kung patuloy tayong ganito, siguro habang buhay ay mahuhuli na
lang tayo, always in the shadow.
But there’s something positive about Filipino Time, ito ay
tungkol sa 9/11 bombing, kung dito daw sa Pilipinas nangyari ang terrorist
attack na iyon ay hindi malaki ang casualty at di marami ang mamamatay.
Nangyari ang pag-atake alas 7 ng umaga, wala pang tao ang mga opisina, kahit pa
nga raw alas ay wala pa rin niyan, ung iba gigising pa lang ng alas 9, kaya
magiging malaking kapalpakan ang gagawing suicide ng mga Terrorista, at tapos
palagi pang delay ang mga flight, sa kabuwisetan ay siguro uuwi na lang yon.
On a serious note, nararapat na nating ibahin ang ugaling
ito na ipinangalan na sa atin, sa unti unting pagbabag, sa mga maliliit na
bagay ay malaki ang epekto nito sa ating pagsulong pataas, kung nahihirapan man
ang nakakataas na simulan ito ay bakit hindi na lang tayo ang gumawa ng unang
hakbang.
PS: Again, this images are grabbed from google. =)))
No comments:
Post a Comment