Can u red and ryt?#mangoquotes |
Can u red and ryt? Yes I am, becoz am Pilipino
Hindi ko tinatangkang manlait sa aking pamagat, eto lamang
ang paglabas ng aking saloobin tungkol sa sistema ng edukasyon dito sa ating
bansa. Karamihan sa mga Pinoy ay literate. Marunong bumasa at magsulat at
nakakaintindi ng ingles kahit ang ilan ay nabubulol. Pinamagatan kong itong “Can
u red and ryt?” dahil sa hindi masulosyonang mga problema tungkol sa edukasyon
sa Pinas.
Ang edukasyon ang pinaka-basic na pundasyon ng bawat tao
para makaharap sa mundo, ang kakayanang makabasa at makasulat ay kinakailangan
upang makahanap ng disenteng trabaho at makihalubilo sa nakakarami.
Ngunit sa kabila nito ang sistema ng edukasyon sa ating bansa ay isa sa may
pinakamaraming problema na hinaharap. Marupok ang pundasyon nito na dali daling
nahuhulog kung ano ang nasa taas.
My pinsan ako, nalaman ko lang ngayon na grumadwet siya sa
elementarya na hindi man lang marunong magbasa at magsulat. Tanging pangalan
lang niya ang natutunang isulat. Naitanong ko sa aking sarili, ano ba ang
problema? Na sa titser ba? Sa studyante? At unti unti makikita mo rin ang sagot,
ito ay nasa pamamahala pala. Nasa mga isyung hindi sinasagot at ilan dekada ng
nariyan.
Kung sa pribado kang paaralan nag-aaral, mabuti. Kung sa
publiko at hindi ka kasali sa mga advance program, kawawa ka. Elementarya pa
lang, malas ka kung mapunta ka sa classroom na ang student-teacher ratio ay
1:60. Tao lang titser na yan at mahihirapan siyang turuan ang ganyan karaming
studyante. Siguradong me sampo na mahihirapan makaintindi at matuto. Ang
panahon pa para magturo ay nasa limitadong oras dahil sa hapon ibang set na uli
ng estudyante ang papasok. My mga titser pa rin na nagtuturo ng multi-grade, 1
to 3 sa isang classroom. Kawawa naman ang mga titser na ito. Kakarampot pa na ibinabayad ng gobyerno sa
kanila.
Kulang ng mga paaralan, classrooms, at teacher, saan ba
tutungo ang mga mahal nating kabataan, ang pag-asa ng bayan? Sa budget na
ibinibigay ng gobyerno, hindi ba ito ang dapat bigyan pansin? Marami ang
nadradrop-out sa eskwela, hindi nakakatapos ng elementary at hayskul dahil wala
namang natutunan, na sa paglaon nagiging mang-mang, napapasali sa masa, at sa
nobyenta porsyentong mahihirap, umaasa sa pamahalaang puno ng baling at
baluktot na mga pangako.
Kung tinutuon sana ng pamahalaan ang pagtayo ng maraming
classrooms at paaralan sa Pinas upang matugunan ang pangangailangan ng mga
kabataan, sa halip na gumasta ng 50 milyon para sa isang di-napapanahong
program o ang nakurakot na limang bilyon para sa kape ay sana kahit papano,
makakayanan na ang 1:40 na ratio at mababawasan ang mga multi-grade teachers.
Kung dadagdagan nila ang sahod ng mga guro para sa kanilang
paghihirap sa pagtuturo. Para naman tumaas ang kanilang morale. Sila na nga ang
humuhubog sa mga kabataan, sila pa ang di pinapansin ng pamahaalaan. Linoloko
pa sa mga loan na ipripresenta, kaya tuloy nababaon sa utang. Lagi pang huli
ang sweldo.
Bakit ‘di sila mag-hire ng marami pang guro? Kelangan nila
it. Siguro na rin ay walang badyet at kadalasan, nasa mga pribadong paaralan
pumunta ang guro. Mas makatao ang sweldo doon. Kailan pa ba pahahalagahan ng
pamahalaan ang edukasyon? Bago gumawa ng makabagong programa ay sagutin muna
ang mga isyung matagal nang nakahaluntan, nabubulok na dahil di pinapansin.
Edukasyon ang isa sa pinaka-importanteng bagay na
dapat mapasakamay ng kabataan. Ang pagkakaroon ng kaalaman ay kinkailangan para
hind maging hangal at mauto nang mga mapagsamantala. Kung iyong titingnan,
hindi masyadong interesado ang mga politician sa mga programa sa edukasyon. Wala
kang senador na makikita na advocate of education, congressman na isisnusulong
ang kapakanan ng mga guro at mag-aaral. Kung meron man, konti lang sila,
masyadong maliit upang marinig ang boses. The late Raul Roco could have
changed our educational system, magbabago sana. Mapapahalagahan ang mga guro at
ang pag-aaral ngunit ngayon wala na. Dahil sa ambisyon ng isang ginang, sinira
ang kanyang mga kalaban.
Paniniwala ni Raul Roco na siya sanang huhubog sa Pilipinas. #mangoquotes |
Sana naman, ngayon maliban sa pagpapatupad ng K to 12 ay
bigyan pansin rin naman ng administrasyon ang mga problemamang ito. Magtayo ng
maraming paaralan at classroom sa halip na palawakin ang kanilang mga bahay.
Konting konsensya naman po kung maaari. Patatagin ang pundasyon sa elementary,
hindi na isinisisi sa mga guro ang mga pagkukulang.
Our teachers are not incompetent, they are one of the best
mentors in the world, the incompetent ones are those in their big offices,
papahangin sa aircon at pirma pirma ng papel. Kailan pa ba tayo gigising?
Siguro pakana na rin ito ng mga nakakaraming namumuno. Kung
mas maraming di nakakakapag-aral ng mabuti ay mas maganda dahil mas maraming
mang-mang mas marami silang nauuto at napapaboto sa eleksyon. Kawawang Pilipinas.
No comments:
Post a Comment