Para maipagpatuloy nag isang
bansa para mabuhay ay binigyan ito ng kapangyarihan magbuwis. Kasali ito sa
tatlong “inherent power of the state”, ang “police power”, “eminent domain”
(kapangyarihan ng bansa na kunin ang isang pribadong pag-aari upang gamitin
para sa kapakanan ng publiko, at “power of taxation” na siyang nagsisilbing
“lifeline” ng isang bansa. Kinakailangan ito upang makagawa ng mga proyekto at
maipagpatuloy ang mga programa na sinasabing makakatulong sa ating mga mamamayan.
Pagnalikum na lahat ang buwis, ay
ito ay ibinabudget para sa edukasyon, kalusugan, militar, turismo, kalikasan,
proyekto, perang kailangan ng mga local na pamahalaan at iba pa. Kung iisipin,
maganda naman ang sistemang sinusunod ng ating bansa, parang makikita naman
natin kung saan mapupunta ang buwis na ating ibinabayad. Uunlad naman tayo,
dahil sa laki ng buwis na nakokolekta ng gobyerno ay maari nang matulungan
mapadali ang pamumuhay ng mga mamayan. Solid n asana, ngunit my magic pala
dito, at dahil diyan ay wag kang kukurap.
Kung tingin natin noon na lahat
ng perang nalikom ng gobyerno ay nagagamit para sa kapakanan ng bayan, ayy dyan
ho tayo nagkakamali, dahil sa bawat opisina g gobyerno ay maraming
salamangkero. Mapapikit o lumingon ka lang ng konti ay marami ng kababalaghan ang nangyayari. Sa
katunayan, halos sobra kalahati lang sa buwis na nalikom ang tunay na nagagamit
ng gobyerno para sa kapakanan ng mga mamayan. Yung bahaging kalahati, andun sa
mga salamangkero at iba’t iba pang malilikot ang kamay.
Ang sana pagpapayos ng mga
infrastraktura, mga gusali, pagawa ng mga classrooms, o mga pabahay ay
napupunta sa pagpapa-ayos ng kanilang mga bahay, pagpapalawak ng kanilang
drive-way, pagbili ng maraming mansion, ang perang ating pinaghirapan ibayad sa
buwis ay nandun siyang bumubuhay at nagpapayaman sa mga salamangkerong naka-upo
sa kanikanilang mga trono.
Ewan ko ba kung di sila
nakokonsensya o sadyang maiitim na talaga ang kanilang budhi, di ba nila
nakikita ang maraming street children na walang makain habang sila ay maraming
nakakain? Siguro ay pinapatay na lang nila ang konsensya. Di na rin
nakakapagtataka na marami ang gustong makakuha ng mataas na posisyon sa ating
pamahalaan, dahil ito ang sagot sa kahirpan. Tama naman db ba? Ilan na rin ang
nakita nating medyo wala at nanalo at di nagtaga ay may kotse na kasabay ng mga
naglalakihang body guard. For protection daw dahil importanteng tao na siya, eh
ang totoo kami naman ang nangangailangan ng proteksyon laban sa inyo.
Sa ganitong pamamahala, labis na
kurapsyon, na kahit maganda ang adhikain ng ilang nakupo at n glider natin ay
wala paring magbabago dahil karamihan pa rin ay ang makukulit ang kamay. Sa
dinami dami ng local na pamahalaan sa Pinas eh makakayang bang bantayan ang
bawat isa na hindi mancorrupt? Hindi eh, kahit anong gawin magagawan pa rin
nila ito ng paraan. Sa pagpapa-ayos palang ng mga kalsada, sigurado na ilang
milyon ang nawawala sa kaban ng bayan. Kahit na kitang kita na ito ng mga
mamamayan, wala namang nagagawa, magsumbong sa mas nakakataas, wala namang
nangyayari, ibinabaon lang ng bulok nating sistema. Kung magsumbong ka eh ikaw
naman ang nagiging masama sa paningin ng iba, ang malala pa ay bibigyan ka ng
threat ng iyong isinumbong upang ikaw ay manahimik.
Makakayanan pa ba n gating bansa
pukasain ang kurapsyon? Na kahit yung mga naatasang puksain ito ay ginagawa rin ang pangungurakot na ito? May
magagawa pa ba tayo? Ang problema ay dahil sa madalas at palagi na lang itong
ginagawa ng mga taong yun, sa tingin ng tao ay normal nalang ito at hindi
masyadong binibigyan ng pansin. Di na daw kagulat gulat kaya pabayaan nalang
natin. Pero kung sabagay, eh ano naman
kung mag-react ka? May magbabago ba?
Kung di na natin mababago ang
nakaraang henrasyon ay sana naman, ditto sa ating mga kabataan na susunod na
mamumuno ay ibahin na natin ang sistema. Lahat tayo ay hangad makita ang
Pilipinas na umunlad at mangyayari ito sa magandang pamamahala at maayos na
paggamit ng buwis. Tam na ang kurapsyon, tama na ang pagiging makasarili. Sa huli
buong bayan ang nadadale. Maging masusi tayo, magkaisa sa paglaban nito,
itanong ang dapat itanong, tingnan kung saan may mali.
Kaya mga kababayan, wag kang
kucorrupt!!!
No comments:
Post a Comment