Lahat makikita mo ito. Kahit saan ka
pumunta dito sa bansa makikita mo talaga ang mga karatulang o signage na tulad nito:
O yung mga tarpaulin na ganito:
Yung mga sikat na ganito:
At ito din,
Mas malaki pa ang pagkakasulat sa pangalan
ng politikong nagpagawa kaysa kung ano ang proyektong pinagawa niya. Ipinagsisigawan
ng pangalan nila na may ginawa sila. Na mabuti ang kanilang pamamahala at
mabuti silang politiko. Sa susunod na eleksyon ay iboto niyo ulit ako para sa
mas malaki pang pangalan at karatula ang maibibigay ko sa inyo.
Ang mga proyekto at programa ang
pinakaklaro na paraan para maipakita sa publiko na may ginagawa ka para sa
bayan. Ang pagpapayos ng mga imprastaktura, mga pabahay, libreng gamot,
pagkain, at pagbibigay ng trabaho ay ilan sa mga sikat na proyekto na ginagawa
ng mga politiko para sa mga mamamayan. Maganda sanang isipin na para sa mga
mamayan ang ginagawa nila. Para sa ikauunlad ng bayan. Pero hindi eh, karamihan
sa mga kanila ay ginagawa ito para bumango ang pangalan nila. Di nila ito ginagawa nna walang kapalit.
Kung iisipn mo ang lalaki pa ng mga poster
nila. Pinaayos lang ang kalsada may malaking tarpaulin na nagsasabi na,
“Salamat Mayor sa pagpapa-ayos ng kalsada.” Pati mga basurahan sa mga barangay
may pangalan ng kung sinong konsehal o politiko. Yung mga garbage truck may
pangalan ng mayor, akala niya pag-aari niya ito na sa katunayan ay sa munisipyo
naman ito. Ang lalaki ng mga tarpaulin na ilinalagay nila sa bawat proyekto na
kanilang ginagawa, gaano man ito kaliit. Ipinagsisigawanna may nagawa sila na
sa katunayan ay trabaho naman tlaga nila ito. Kahit ba naman mga relief goods
at donation, may pangalan pang naksulat. Kung taos puso nila itong binibigay ay
dapat wala na niyan. At kababayan, sa tingin mo ba sarili nilang pera ang
ginagasta nila sa pagpapagawa ng mga tarpaulin at karatulang bumibitbit sa
kanilang mga pangalan?
Napakabuwiset talagang isipin ang ginagawa
nitong karamihan sa mga politiko. Umaastang pag-aari nila ang buong bayan na
kanilang hinahawakan. Kung iisipin natin hindi naman talaga nila pag-aari ang
mga proyektong kanilang pinagawa. Galing ito sa buwis natin. Okay lang kung
sarili nilang pera ang pinagawa sa
proyektong iyan, kahit saan puwede lagayan n pangalan nila. Pero hindi, pera
natin yan, buwis na ating ibinbayad taon taon sa pag-asa na may gagawing matino
ang ating pamahalaan. Ano ba ang karapatan nila na ilagay ang kanilang mga
naglalakihang pangalan eh sa atin naman nanggaling ang pondong ginamit para
maisagawa ito? At isa pa tungkulin at responsabilidad nila ito. Hindi na parang
ipinakikita nila na tayo pa ang may utang na loob dahil naipagawa nila ang mga
proyetong yan. Public Service, yan ang kanilang pinasok na trabaho ngunit
karamihan sa kanila ay nabubulag na ang kanilang pnsukang posisyon ay pagiging
hari. Nandiyan ka sa posisiyon upang pagsilbihan ang mamayan, hindi kami ang
magsisilbi sa iyo.
Gumagasto pa sila ng mga unneccessary
expences kagaya ng mga tarpaulin na iyan. Katunayan na hindi naman kailangan
yan. Wala naman sa batas na kailangan ilagay ang pangalan nila sa bawat
proyekto. Kung gusto nilang ipahiwatig at iparating na may gingawa ang gobyerno
ay puwede namang, “Project of the Government” o “Proyekto ng Munisipyo”. Pero
wala rin namang batas na nagbabawal sa kanila upang hindi gawin ito kaya wala
tayong magagawa diyan. May ilang nga panukala na pilit ipinapasa sa kongreso
tungkol dito sa pagababawal sa pagsuslat ng mga sarili nilang pangalan sa mga
proyekto ngunit sa kasamaang palad, maraming politiko ang tumututol dito.
Para sa iba ayos lang naman ang ganito,
para makikita daw nila kung tunay ngang may ginagawa ang isang nakaupo sa
gobyerno. Mahirap din daw kung wala eh, di nila makikita ang ginagawa ng isang
politiko. Kung may gawing proyekto lahat sila sasabihin sa kanila iyan. Minsan yung tunay pang may ginawa ay siya pang
naitataboy. Kulang na daw sa matatapat at mabubuting politiko dito sa atin.
Puro mga sinungaling at mapagsamatala maganda na rin daw isipin na kahit
papaano ay nakita silang katunayan na may ginawa rin ang walang kuwentang lider
na kanilang ibinoto. Kahit papano napapakinabangan naman daw ang mga
naglalakihang tarpaulin na kanilang ipinagawa. Pantakip sa mga butas ng
tumutulo nilang mga bahay. Mahirap daw makita ng isang tulad natin na medyo may
kaya ang pananaw ng isang mahirap. Na kung bakit sa kanila ang ganitong paraan
ay ayos na. Hindi daw sila tulad natin na may panahon para bumasa ng mga dyaryo
tungkol sa “performance” ng isang politiko, wala din silang panahon upang
maging mapagmasid dahil araw-araw binubuhay nila ang mga pamilya nila. Okay
lang ang mga relief goods na may pangalan ng politikong sinsabing nagbigay
nito. Pagkain na ito sa isang araw, salamat daw sa kanya at nabigyan pa sila ng
ilang araw para mabuhay. Di daw tulad natin na iniisip ang malayong hinaharap,
sila ay makaraos lang sa isang araw ay ayos na.
Napakulungkot man isipin ay may punto
sila. Tama nga naman, sino ba tayo para husgahan ang pananaw ng nakakarami sa
ating mga kababayan. Kahit na ayaw na ayw ko sa pamamaraang ito n mga politiko
natin, di rin mawala sa isipan ko na maaring magkagulo kung walang tamang
sistema kung paano masusukat ang ginagawa ng isang nahahalal na opisyal ng
gobyerno. Sa bansang kung saan “performance” ang nagbibigay kahulugan sa iyong
buhay politiko kahit papaano ay mahalaga ding malaman kung talagang may nagawa
ka para sa bansa.
Pero di naman imposible di ba? Kung
makikita ng lahat na may malaking naipagbago sa panahon ng iyong pamamahala ay
sayo naman mapupunta ang pasasalamat. Kung maganda at naitatak sa mga tao ang
serbisyong naibigay mo sa kanila ay sapat naman ito di ba? Dati naman ang
ganitong mga bagay ay gingawa naman ng mga lider natin. Dati kung saan nakikita
pa ng mga tao ang pag-asa. Paniniwala
at katapatan, sa panahon ngayon at sitwasyon ng ating bansa ay uubra pa ba ito?
Sa bawat eleksyon ay dumarami lang TRAPO, may pag-asa pa bang mabago ito? Sa
panahon na sana ay susulong tayo ay tila unti unti tayong umaandar paatras.
Dahil sa sariling ambisyon at kasakiman
ng kapangyarihan ng iba ay unti unti ng nawawala ang bansang ipinaglaban ng
ating mga bayani.
PS: Uli ang mga imahe sa itaas ay nakopya ko lang ho sa google at hindi ko pag-aari.
Makabayan ang ungas! LOL walang beer entry? ahahaha
ReplyDelete