Para sa post ko kahapon tungkol sa Filipino Time, isang
magandang balita, ang Senate natin sa pangunguna ni Senador Merriam Defensor
Santiago ay nagfile na ng bill na nagnanais na magkaroon ng isang synchronize
na oras ang lahat ng ahente at opisina ng gobyerno, kasali na dito ang
Government controlled corporations at ang mga local na pamahalaan. Kasali na
rin dito ang private at government televisions and radio stations.
Isa ito sa malaking hakbang para mabawasa an gating pagiging
huli palagi, kung may isang oras na sinusuno ay magkakaroon tayo ng sense of
urgency o lahat ay magiging aware sa oras kaya kahit papaano, unti unti,
mababawasan na rin ang pagiging “Filipino Time”.
Alam ko rin ang iniisip niyo, hindi naman literal na oras
ang Filipino Time, isa itong konsepto, isang ugali na nasa Pinoy na, na kahit
masynchronize ang lahat ng oras sa bansa ay mahirap pa rin, di pa rin mawawala
ang mga palusot na;
“Ay pare trapik!”
“Sorry pare, di tumunog yung alarm.”
“Bagal ng sasakyan e.”
Pero kahit papaano, eh yung mga dahilang “late ng 30 mins
relo ko tsong” ay din a oobra. Kahit papano ay mababawasa na rin ang pagiging huli ng mga Pilipino, hindi kelangan madaliin, step by step lang.
Sa baba ay videos galing sa youtube, Filipino time daw ohhhh.....
No comments:
Post a Comment