Napa-isip lang ako, bakit kaya madaling
mahusgahan ang isang tao. A thing you have done might be the one that defines
you for the rest of your life. Di mo ba naisip ito? Na kung may isang bagay ka
lang na nagawa, yung hindi makakalimutan ng iba ay baka ito na ang maging tatak
mo buong buhay? Halimbawa na lang noong bata ka, napa-utot ka sa klase ng
malakas. Dahil diyan binansagan ka ng “Boy-Utot”. Hanggang sa paglaki mo,
poreber ka ng “Boy-Utot”. Ganito rin ang kuwento sa likod nina Boy-Ihi,
Tae-gurl, Boy-Muhog, Bungi, Panot, Baboy, Toothpick, at ilan pang mga pangalan
na naibansag sa isang bata kahit hindi naman nila gusto.
Walang bata ang gustong mabansagan ng mga
kasumpa sumpang nicknames kung di lang sa kamalasan ng pagkakataon na nadapa ka
o nalagay ka sa isang awkward moment. Di mo naman rin mababago ang iyong
physical na kondisyon agad-agad, kasalanan mo ba na pinakain ka ng marami ng
magulang mo kaya tumaba ka at binansagang baboy o kaya naman mejo panot ang
iyong buhok?
Mas mahirap na kung sa pagtanda mo na
nangyari ang lahat ng ito, lalo na sa highschool o college dahil times ten ang
kahihiiyan na mararamdaman mo. Lalo na ang mga bansag na galing impyerno. Ayaw
mong mapa-utot ng malakas sa klase, mas ayaw mo sa isang meeting with the
bosses. May mga bagay talaga na isang araw mapapalpak ka at habangbuhay mong
dadalhin ang
Pero ito ang pinakamasaklap na napapansin
ko sa ating sistema, sa ating lipunan. Mabuti kang tao, tumutulong at mabait,
kilala ng pamayanan, isang modelo, ngunit dumating ang panahon na nangailangan
ka ng pera at wala sa mga linapitan mo ang nakatulong sa’yo. Kailangan mong
maipagamot ang anak mo at kailangan mo talaga ang pambayad. Napilitan kang
pumasok sa illegal na gawain, one-time deal lang para magkapera ngunit sa proseso
ay nahuli ka. Dahil sa pangyayaring ito ay nabansagan kang pusher, nag-iba ang
tingin ng mga tao sa iyo at wala ng lumalapit. Isa ka ng masamang tao.
Lahat ng ginawang mong kabutihan burado
agad dahil sa isang pagkakamali lamang. Di na mahalaga kung marami kang
natulungan, isa kang pusher, masamang kang tao. Ganyan kadali masira ang
pangalan mo. Sa bawat kabutihang nagawa mo, kahit isang daan pa yan, madaling
mawawala yan sa isang pagkakamali. Sa mundo kung saan mapanghusga ang lahat,
kung isa kang mabuting tao dapat di ka nagkakamali at buong buhay mo ay
mabubuting gawain lang dapat lumalabas sa iyo. Expectations, kaya naman sira
kaagad pangalan mo sa mga bagay na hindi naayon sa pagkakilanlan sa iyo. Mas
maganda pa nga yung isang adik sa kanto, marami na siyang nagawang masasamang
bagay ngunit isang araw ay nailigtas niya sa pagkakasagasa ang isang bata, isa
ng bayani.
Bawat bagay na gingawa mo ay humuhusga sa
iyong pagkatao. Ang bigat ng masasamang bagay na magagawa mo ay kasing bigat ng
isang daan na mabubuting bagay na galing sayo. Wala tayong magagawa dahil
ganyan mapanghusga ang mundo. Bawat kilos ay maraming nakatingin sa iyo. Ang
pagiging malaya na gawin ang ano man na gusto natin ay isang alamat lamang.
PS: Ang mga imahe ay nakuha ko lang sa google. Minsan talaga, kailangan alamin muna na ang kuwento bago magsimulang gumawa ng kuwento.
No comments:
Post a Comment