Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Sunday, December 23, 2012

It's More Fun in the Philippines


It’s more fun in the Philippines!!! Oo, mas masaya talaga dito sa Pilipinas dahil sa pinakalatest na survey ay tayo ay ranked 7 sa mga taong may positibo ang pananaw sa buhay at sadyang masayahin. Kitams, kahit sa dami ng problema na dumarating sa ating mga Pinoy ay masayahin pa rin tayo at positibo ang pananaw sa buhay. Di tayo madaling mawalan ng pag-asa at madaling tinatawanan ang problema. Kaya ngayong papalapit na ang Pasko ay mga nakakatuwang bagay muna ang pag-usapan natin. Sa loob ng ilang taon na ako’y nabuhay ay marami akong bagay na naobserbahan tungkol sa ating mga ugali na masaya at nakakaaliw.

Mga Pinoy lang daw ang lumilingon pag nakakarinig ng “Pssssttt”. Kaya raw sa ibang bansa, kung gusto mo ng Pinoy na makakikilala, mag-“psssttt” ka lang at kung sino man ang makitang lumingon ay may malaking tsansa na isang pinoy.

Isang pamahiing bata, na pagnahulog daw ang kinakain mo ay pulutin mo ito bago mag 5 seconds para puwede pa itong kainin.

Kung nakakarinig ka ng dalawang tao na nag-usap ng ganito:
Boy 1: Oi Gago!!! Tang ina saan ka ba nagsusuot at matagal kitang di nakita?
Boy 2: Ungas! Diyan lang sa tabi tabi. Anong gusto mo ha?
Wag kang mag-alala at di nag-aaway yan, magkaiban lang yan na matagal ng di nagkita. And believe me, nakangiti yan na nag-uusap. =)

Nagkakaintindihan na ang mga Pinoy sa pamamagitan lamang ng pagtaas at pagbaba ng kilay.

Ginagamit natin ang ang ating mga nguso to point at someone or something.

“Tara salo ka sa amin at kainan na.”- ang ating pambati tuwing naabutan tayo ng bisita na kumakain.

Kung may nakakatapo tayong kakilala at nalo na barkada ay “itinataas” natin ang ating mga noo.

Sa paliligo ay may bato tayo na ginagamit para pankuskus sa ating katawan. Mas epektibo sa bimpo.

Mahilig tayong ngumiti. Kahit saan ngumingiti lang tayo ng basta basta. Kahit walang kasama. Patunay na masiyahin tayo o kaya may sayad na sa ulo.

Tong-its! Sariling atin. =)

Balut! Sarilng atin. =)  

Pridyeder ang tawag natin sa ref. Ewan ko kung san to nanggaling. =)                                                                     

Sumisigaw tayo ng “Hoy” para makuha attention ng tinatawag natin.

Kahit hindi ikaw tinatawag ay lilingon ka dahil nakarinig ka ng “Hoy”

Di ko alam kung bakit pero “cutex” ang tawag natin sa nail polish.

May videoke halos lahat ng bahay. Oo, talent talaga ng Pinoy ang pagkanta. At habang palasing ng palasing ay mas gumagaling.

Kahit di na pasko ay nakasabit pa rin ang ating mga Christmas Decors. September pa lang ay paso na sa Pinas. Ber months kung turingin.

Mayroon tayong “barrel man”! Alam mu na, yung lalaki sa barrel at kung tangalin mo ay ayun. Chinnnggg!!!

Napalo ka na ng sinturon ng tatay mo nung bata ka pa. Sinturon ni hudas!

May tricycle tayo! Only in the Philippines yan mga brad! Yung jeepney din dahil pinahaba natin.

Madadapa ang kaibigan mo ay tatawanan mo muna bago tulungan. At matatagalan pa bago makatayo yang kaibigan mo dahil dalawa kayong tawa ng tawa.

Di ba? Its more fun in the Philippines. =)))

Saturday, December 22, 2012

RH BILL 2


Dahil December 22 na at di natuloy ang sinasabi nating End of he World ay oras na muli para bumalik tayo sa pagsusulat. Pero aaminin ko kahit hindi ako naniniwala ay may kaunting porsyento pa sa akin ay “what if”. Di naman natin makakaila ang mga nangyari sa taon ito. Puro bagyo, lindo, at mga delubyo. Kaya kahit papaano ay nakakatakot pa rin  at mapapa-isip ka. Malakas man ang yawa mo na hindi matutuloy ang end of the world na yan a di mo makaka-ila na naghintay ka talaga at di mapakali ng malapit ng mag-December 21. Ohhh, siya siya pag-usapan na natin ang hot topic ngayon at yun ang RH BILL!!!!



Ngayong naipasa na at nagtagumpay ang RH bill sa kongresso at naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Aquino para maging batas ay maraming batikos ang naririnig natin lalo na sa “Pro-Life” nating simbahan na matagal ng tinutulan ang panukalang ito. Simula pa ng unang marinig na ginagawa ang batas na ito ay mariin na itong tinutulan ng simbahan sa paratang na hindi ito makatao at labag sa mga paniniwala ng simbahang Katoliko. Ilang debate ang naganap, iringan at sigawan sa Kongreso, labanan ng mga anti at pro rh bill, at ano ano pa. Sa huli nanalo ang pro-RH bill at naipasa sa Kamara.

Dahil dito ay nadismaya ang simbahan at nakapagsabi ng mga paratang laban sa administrasyong Aquino. Di daw lumaban ng patas ang Pangulo, gumawa ng magic at dinaya ang botohan. Ayon sa simbahan ay binantaan daw ng administrasyon ang ilang Congresista na anti-RH Bill na hindi raw sila bibigyan ng pondo o ang tinatawag na “pork barrel” pag hindi sila bumoto ng pabor sa RH bill kaya ng nakaraang 3rd reading ay marami ang bumaiktad at ibinoto ang pag-approba sa RH bill. Binintangan ng simbahan si Pnoy bilang madaya at isang diktador. Isang Presidente na kinokontrol ang lahat sa pamamagitan ng mga banta at backdoor negotiations.



Itinangi ito ng palasyo ngunit alam naman natin na maaring maging totoo ito. Naalala natin sa pag-impeach kay Corona na ganito rin ang nangyari. Binantaan din ng administrasyon ang mga Kongresista na hindi sila bibigyan ng pork barrel kung hindi sila magbibigay ng ‘yes’ na boto na iimpeach ang Punong Magistrado. Isang masusi at metikulusong proseso ang pagsusuri kung nararapat bang iimpeach ang isang opisyal, kasama ng matibay na ebidensya na  kailangang pag-usapan at mga dokumento na kailangang basahin ng bawat kongresista. Ngunit sa nangyari sa kay Corona ay isang powerpoint presentation lang ang nangyari at di nga nabasa ng mga kongresista ang manifesto ngunit isang majority ‘yes’ na dapat iimpeach si Corona ang naging labas ng kanilang desisyon. Nangyari din ito sa isang araw lang. Nakakapagtaka ay di naman nag-ingay ang simbahan sa pangyayaring ito.

Ngunit patas rin ba an ginawang paglaban ng simbahan? Kung di natin malilimutan ay may ginawa din silang mga banta na hindi rin kaaya aya at napilitan din ang ilang kongresista na bumoto laban sa RH bill. Binantaan nila ng gagawing excommunicado ang sino mang politiko na susuporta dito at dahil papalapit na ang eleksyon ay sinabi nila na hindi nila ito susuporthan. Ginamit nila ang kapangyarihan at impluwensya nilang politikal para maplitang bumoto laban sa RH bill ang mga kongresista. Ano ba ang pagkakaiba nito sa ginawa ng palasyo? Eh pareho naman pa la silang gumagamit ng marururming taktika. Pero teka, mali daw tayo kaibigan, dahil ang gingawa ng simbahan ay naayon daw sa utos ng Diyos. Wooooohhhh, kung ganon ay palagi silang tama.



Sa labanan sa pag-aproba sa RH bill ay nakita natin kung ano anong taktika ang ginamit ng dalawang kampo para makamit ang kanilang ninanais ant minimithi. Walang tama sa kanila, pareho siang gumamait ng maruruming paraan, patuloy na dinudungisan ang demokrasya na siya sanang magiging batayan ng paglikha ng ating mga batas. Kung patuloy pang magiging ganito ang ating sistema ay ewan ko na lang kung saan tayo pupulutin ilang taon pa mula ngayon.  

PS: Panpatawa.


Thursday, December 20, 2012

End of the World


End of the world na. Kung tama ang hinala ng mga Mayan, magtatapos na daw ang mundo bukas. Oo bukas na po dahil ayon sa kanilang prediction at sa kalendaryo ng mga Mayan ay December 21 ay magtatapos na ating pakikipagsapalaran at guguho na ang mundo. Handa ka na bang mamatay bukas? Paano kung totoo nga na bukas na ang katapusan ng mundo? Masasabi mo bang you lived your life fully and I don’t have regrets?

Mayroon ka na lang ilang oras bago magtapos ang mundo. Ano ba ang gagawin mo? Sinabi mo na ba sa mga magulang na mahal mo sila? Sa mga kapatid mo? Nagkaayos na ba kayo kung meron mang problema? Kailan mo ba huling naka-usap ang pamilya mo? Kung may asawa ka na, kailan mo bang huling sinabi na mahal mo siya? Kailan mo silang nahalikan? Yinakap? Ang mga anak mo? Kailan mo ba huling nakita ang kanilang mga ngiti? Kailan ka ba huling umuwi na naging masaya ang iyong pamilya? O palagi na lang trabaho ang iyong iniintindi? End of the world na wala ka pa rin bang gagawin?

Kailan ka ba huling ngumiti? Kailan ka ba huling naging masaya? Kailan ka bang huling nagbakasyon? Kailan mo huling naligo sa dagat? Nakakita ka ba ng lawa?  Nakainom ka na ba ng tubig galing sa batis? Kailan ka huling nakarinig ng huni ng ibon? Tumakbo ka na ba sa malawak na kapatagan? Nakaakyat ka na ba ng puno? Tumalon at maligo sa ilog? Kumain ng prutas na ikaw mismo ang nagpitas? Umakmakyat ng bundok? Huminga ng preskong hangin? Nakapagpalipad ka na ba ng saranggola? Kailan ba ang huling tawanan kasama ang iyong matatalik na kaibigan? Kailan mo ba sila huling nakita? Kailan ka ba tumawag ng wagas?   Kailan ba kayo huling nagkwentuhan? Kailan ba kayo huling nag-inoman? Kailan ba kayong huling gumawa ng kalokohan? Kailan ka ba huling naging masaya?

May minamahal ka ba? Torpe ka pa rin ba? Nag-away ba kayo? Kailan ka pa ba magtatapat? Kailan ka pa ba magpapakalalaki at sabihin ang lahat? O hahayaan mo na lang ito hanggang sa katapusan? Hindi ba nararapat tumatakbo ka na ngayon patungo sa kanila at sabihin ang lahat ng iyong nararamdaman? End of the world na. Wala ka pa rin bang gagawin? Hanggang kailan mo pa ba pipigilan yang nararamdaman mo?
Live your life as you see it fits. Live it full with no regrets. Hindi mo alam kung kailan yan magtatapos. Wag kang magmukmuk sa trabaho. Masaya ang buhay kung titingnan mo sa ibang anggulo. Marami ang nagmamahal sa yo. Masarap mabuhay. Bakit di mo piliing maging masaya? Karapatan nating lahat niyan. Di natin alam kung kailan titigil at magtatapos ang mundo. Di natin alam kung kailan magtatapos ang ating buhay. Ngunit kung dumating man ang araw na iyon ay sana maligaya mo itong tinahak. Ngumiti ka kaibigan. Masarap mabuhay.  

Tuesday, December 18, 2012

RH BILL




Hindi ako tag-supporta ni Pnoy at hindi rin sa ginagawa ngayon ng simbahan ngunit sa ginawang komento ng isang Arsobispo ay di ko mapigilan na hindi manahimik sa ginawa ng nila kay Pangulong Aquino. Oo, karapatan ng Simbahan na lumaban at  di sumangayon sa nasabing panukala. Kung titingnan ay kanilang responsabilidad ang pigilan upang maipasa ito. Sa loob ng panahon na unang pinalabas ang RH bill ay malakas na itong tinutulan ng simbahan at hinayaan lang sila ng gobyerno dahil ang kanilang pagtutol ay importante rin para sa kalalabasan ng panukalang ito. Lahat ginawa na ng simbahan and they have stepped the line many times. Nakalimutan na nila ang nasa Konstitusyon ang separation of the Church and the State. Nakialam sila sa pamamalakad ng gobyerno katulad ng gingawa nila noong una pa. Ngunit hinayaan, maselang issue ang RH bill at kailangan marinig ang kanilang panig. Ngunit kamakailan lang ay naglabas ng isang komento ang simbahan na talagang napaka-irational at nakakainis na. This time they really stepped the line in their comments and speeches.

Marami na ang nagiging skeptic sa ginagawa ng simbahan, tuwing pumunta sila magsimba at makinig ng isang magandang sermon na galing sa panginoon ay puro politika at rh bill na lang ang laman ng kanilang homily. Halos araw-araw ito ang kanilang pinag-uusapan na dapat hindi naman ito ang laman ng kanilang mga sermon. Marami na ang naiinis sa ginagawa ng mga pari ngunit wala silang sinasabi dahil nga ito ang “Word of the Lord” kaya taimtim na nakikinig ang mga mamayang Pilipino. Isinasantabi na lang ang naoobserbahang pagiging political ng simbahan na hindi naman dapat. Dati sa isang misa ay sinabi ng pari na lahat na sumusuporta sa RH bill ay demonyo at lumabas na ng simbahan, sila excommunicado na. Tama ba yon? Ganun ba talaga ang turo ng Panginoon? May karapatan ba ang mga Pari na itaboy ang mga taong naniniwala sa panginoon. Dahil ba may isang bagay sila na sinusuportahan sa simbahan at kahit taos puso pa rin silang naniniwala sa Diyos ay dapat silang itaboy?

Ginagamit din ng simbahan ang kanilang impluwensya na hindi nila susuportahan ang mga politiko na boboto sa RH bill at hindi nila tatanggapin sa simbahan. Nako naman po. Ganito ba talaga umasta ang simbahan? Idinedeklara ang kanilang kapangyarihan sa ganyang bagay? Patas ba ang kanilang laban. Eh kung titingnan mabuti ay parang nagbri2be sila ng politiko na supportahan sila. Hindi na maganda at di na ito patas. Tinawag pa nilang mga anti-Christ ang mga ilang professor sa UP, Ateneo, at ilang paaralan sa pagsupporta sa RH bill  kahit nagpapahayag lang naman sila ng kanilang opinyon base sa mga facts na kanilang nabasa. Hindi ba puwede na irespeto din nila ang pananaw ng iba? Palagi ba tayong tama? Ang Simbahan ay palaging tama?

At ngayon nagkomento ang isang Arsobispo, sinabi niya na, “Ang Pangulong Aquino ay katulad sa Newton murderer na pumatay ng dalawanpung bata.” "Our President intends to kill 20 million children with a fountain pen... to sign the RH bill into law,"


Wala akong ibang masabi kundi napakash*t ng komentong ito. Hindi pinag-isipan at may intensyon na manira ng tao. Ganito ba ang turo sa simbahan?  Nasaan na ang pagpapatawad at pag-intindi na itinuro ng Panginoon? Ikokompara mo ba ang isang tao sa isang mamatay tao dahil sa kanyang mga adhikain na para din naman sa bansa? Iba ang mamatay tao Arsobispo at ang komento mo ang hindi makatao. Sa loob ng panahon na inulanan niyo ng kritisismo si Pnoy ay hindi siya nagbigay ng komento. Binato niyo siya ng bato pero tinanggap niya lang ito at lumaban ng tahimik. Para sa isang “alagad” ng Diyos ang mga salitang ito ay di nararapat lumabas sa kanilang mga bibig. I think the Archbishop owes the President an apology.

Inilatag niyo ang inyong mga armas at ngayon ay patapos na ang laban. Hindi ba natin matatanggap ng maayos ng resulta? 





PS: Kung gusto niyong mabasa ang articcle kung saan sinabi ng isang Arsobispo ang mga salitang yon ay ito po ang link na http://www.philstar.com/headlines/2012/12/16/886554/fight-vs-rh-bill-catholic-churchs-biggest-challenge at ito pa http://www.abs-cbnnews.com/nation/12/17/12/priest-hit-comparing-pnoy-connecticut-shooter.  Ang imahe ay nakuha ko lang po sa google.

Monday, December 17, 2012

Buhay Chronicles: Halik ni Hudas



“Tao sa pangil ng buwaya. . . . kapangyarihan ng halik ni hudas.”

Ilang beses ko ng narinig ang kantang yan, halos araw-araw maliban na lang kung linggo o holiday kung saan puwede akong matulog hanggang kailan ko gusto. Oo yan ang tugtug ng alarm clock  ko at kung noon yun  ang paborito kong kanta ngayon ay ayaw na ayaw ko na naririnig ko yan. Alas sinko pa lang ng umaga at ang sarap pa sanang matulog, mahirap bumangon, siguro mga 30 mins. pa akong mahihiga bago magkaroon ng ganang tumayo at iwan ang malambot kong kama. Araw araw ganito na ang routine ko, kailangan magising ng alas 5, maligo kaagad at magdamit. Wala ng almusal, di na kaya na isingit sa oras. Dalawang oras ang byahe ko patungong opisina, kung di dahil sa trapik ay isang oras lang sana. Alas 8 ang simula ng trabaho pero dapat 30 min. pa lang ay nandoon na kami, kailangan maghanda at araw araw ay may pinatatawag sa opisina si bossing. Paglapat ng relo sa alas 8 ay may tinatawag sa opisina at kung wala ka pa at nalate ka, siguradong mura at sigaw ang magiging almusal mo.  At ngayong araw na ito ay yan yata ang magiging kapalaran ko. 5:30 na ng ako ay magdesisyon na maligo at alas 6 na ng makaalis ng bahay. Sigurado na alas 8 na ako dadating at ipapatawag uli sa opisina. Hay, nakakapagod at nakakatamad na ito. Habang nakasakay ako sa bus, naisip ko, hidi ito ang buhay na pinangarap ko.

Isa akong editor/communication agent ng companyang pinagtratrabahuan ko. Ang trabaho ko dito ay magreview at mag-edit ng mga article na ililimbag sa ilang magazines ng companya at minsa ako ang tag-sagot ng telepono at  taga-refer sa mga kliyente sa tamang tao na dapat kausapin, in short para akong call center agent sa umaga nga lang. Nagtratrabaho kame six times a week, walang holiday, at mahirap makakuha ng leave. Mga 15 kaming staff sa opisina ngunit ang trabaho namin ay para sa 30 na katao kaya kung sa panahon ng magpapublish ay talagang sagad kami. Kahit di mo trabaho ay kailangan kang tumulong, natutunan mo na lang ang iba’t ibang aspeto sa paggawa ng magazine, ayos nga, ika nga nila experience. Kung sahod ang pag-uusapan ay okay naman ngunit dahil sa laki ng gastusin dito sa Maynila ay mahirap maka-ipon at kaagad nauubos kaya palaging kulang. Magpapadala sa pamilya, bayad sa apartment, kuryente, tubig, pagkain. Di mo mamalaya ay nawawala ng parang bula ang pera mo. Ohh, kailangan ko na pa lang bumaba at sumakay sa pangalawang bus. Lintik puno na, kailangan kong tumayo hanggang sa aming opisina, great, isa at kalahating oras na nakatayo.

Hindi naman talaga ito ang gusto kong trabaho. Graduate ako ng Political Science, malayo sa linya ng trabaho ko ngayon. Nagpapasalamat na lang ako at maganda ang paaralan ko kaya natanggap ako kahit hindi ako nag-aral maging editor at ano pa. Hindi ito ang nakita kong hinaharap noong bata pa ako, gusto ko noong magturo sa kolehiyo at maka-impluwensya sa mga kabataan tungkol sa pagbabago na kailangan ng bansa. Gusto kong imulat ang kanilang mga mata gaya ng ginawa ng mga professor ko sa akin. Pangarap ko ring kumuha ng Law at maging abogado. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay kailangan kong maghanap kaagad ng trabaho, tatlo sa mga kapatid ko ang kolehiyo na at kailangan matulungan ang mga magulang ko sa pag-aaral. Kaya eto tayo ngayon, nakatayong nakasakay sa bus patungong trabaho. Kung tutuusin hindi naman mahirap ang trabaho ko ngunit dahil hindi naman ito ang gusto ko ay nakakatamad at walang gana. Ugh, tila yata umaatake nanaman ang sakit ng ulo dahil sa inuman kagabi. Nagyaya si Benchong na katrabaho ko, yung tig-isang bote sana ay nauwi sa isang kahon.

Nandito na ako sa opisina, 5 min before 8, lagot ako nito. Nakatingin na ang mata ng sekretarya sa akin. Siguradong ako ang tatawagin nito at  magiging tupa ni Bossing ngayon. May hangover na nga tapos isa pang masarap na sigaw pa ang magiging almusal. Alas 8, lagot na tayo nito, wala akong prepare na report sigurado isang oras na sermon ito. But ohhh, what is this? Dumating si Benchong, nalasing yata ang loko at late ngayon. Ayon at siya pinatawag ni Bossing. Hai, mukhang nakaligtas tayo ngayon. Wow, ang sarap ng feeling ng ganito. Na parang nasa bingit ka na ng kamatayan at bigla kang nailigtas. Isa na naman itong magandang kuwento kung mag-inuman. Wala rin naman akong gagawin ngayon, wala pa ang mga papers na ii-edit ko kaya mas maganda ay matulog na lang ngunit nandito ang secretary/supervisor na masyadong observant at rinereport kung di ka nagtratrabaho. Lahat ng staff dito ay ayaw sa kanya, masyadong sip-sip at alam naman natin kung bakit siya ang naging sexy-tary ng boss.  Kaya ngayon ay kunyari nag-ayos ako ng papel at parang may ginagawa.

Ayoko ko talaga sa ginagawa ko, boring, at nakakapagod. Ilang beses ko na rin itong narinig sa mga kaibigan ko, puro reklamo sa trabaho ang usapan at sasabihin magreresign na sila pero hanggang ngayon ay nandon pa rin. Ipinapakain sa kanilang mga boss ang kanilang kaluluwa. At sino ka bang tanga iiwanan mo ang trabaho mo, mahirap itong mahanap ngayon at maswerte ka na sa umaga ang trabaho mo. Kung di ako natanggap dito ay sigurado sa call center ang bagsak ko. Mag-iisang taon na ako dito at habang tumatagal ay gusto ko ng magquit pero saan naman akong pupulutin? Nakakahiya rin sa napakaraming Pilipino na naghahanap ng trabaho, na ibibigay lahat para makuha ito tapos ako iiwan ko lang ng ganyan ganyan. Ngunit tulad ng mga araw na ito ay di ko lang talaga mapigilan na lumipad at lumayo sa nakakasuffocate na trabahong ito. Naisip ko, ano ba ang mga pangarap ko noong bata ako? Una kong naging pangrap ang maging doktor at makatulong sa mga may sakit. Ito rin ang gusto ng nanay ko. Maganda raw maging doktor, buhay ang inililigtas mo. Naging pangarap ko yun hanggang mapanood ko sa T.V. ang pag-oopera, nasuka ako, wala pala akong sikmura para makayanan tingnana ang mga laman loob. Ginusto ko ring maging computer scientist, gumawa ng bagong mga computer games. Inyenhero, lider ng bansa, at marami pang iba. Ang sarap maging bata, napaka-idealistic, ang sarap mangarap. Ngayon lang ng lumaki ako na natutunan ko na ang mga pangarap ay mga pangarap lang. Mahirap mang tanggapin pero ito ang realidad ng mundo.



Simbang Gabi



“Simbang gabi, simbang gabi, simbang gabi simula ng Pasko sa puso ng bawat Pilipino, siyam na gabi kaming gumigising sa tugtug ng kampanang walang tigil. . . . . ding-dong ding-dong ding-dong. . . .”



Simbang gabi. Kung di mo alam ito, siguradong di ka Pilipino o Pilipino ka na hindi lumaki dito sa bansa dahil dito sa Pilipinas ay halos katunog na ng Pasko ang salitang ito. Sa siyam na gabi na sa katunayan ay madaling araw ay nagsisimba ang mga Pilipino para sa paghahanda ng Pasko. Isa ito sa mga tradisyon ng mga Pilipino na buhay na buhay pa hanggang ngayon. Maamoy mo ang Pasko dahil dito, sa simbahan na puno ng mga Christmas lights at parol, at sa labas naman ang mga kakaning puto’t bumbung, kutsinta, bibingka at iba pa. Para mo na rin naririnig ang background music na “Malamig ang simoy ng hangin. . . .”   Oh ha, paskong pasko na nga. Di mo mapipigilang ngumiti at simutin ang amoy ng pasko.



Sabi nila pag nakumpleto mo ang siyam na simbang gabi ay mabibigyan ka raw ng isang kahilingan. Kuwento ito para sa mga bata na para gustuhin nilang magsimbang gabi. Siyempre umagang umaga eh mahirap magising yun. Magandang motivation yun para magsimba sila kahit nakapikit pa ang mata. Nung nasa elementary ako at high school ay palaging usapan ang simbang gabi at kung sino man ang nakakakumpleto nito, pasikatan kung anong oras nagigising, sinong nauuna sa simbahan, at marami pang iba. At siyempre hindi ako pumapahuli dun dahil palagi akong kumpleto, kumpleto na hindi nakakapagsimbang gabi dahil sa sobrang antukin. Ang totoo niyan ay isang beses ko pa lang ito nakumpleto at yun ay ng kolehiyo na ako.



Mga bugnutin at mahilig matulog ang mga Pinoy at mahirap magising sa oras na alas 3 o alas kwatro kaya bakit nga ba ito ang naging oras ng simbang gabi? At sa totoo eh madaling araw naman talaga ito. Ang kuwento diyan ay maibabalik pa natin noong panahon ng kastila. Nagpahayag ng kanilang hinaing noon ang mga Pilipino na karamihan ay magsasaka at mangingisda na hindi sila makasimba sa Misa de Gallo dahil maaga silang gumigising, alas 3 o alas 4 paras sa kanilang trabaho at di na magagawang makasali sa misa tuwing alas singko at sa gabi naman ay pagod na pagod na sila para makasimba sa huling misa. Kaya gumawa ng paraan ang mga pari  at naisipan nila na magkaroon ng misa de gallo bago pa sa oras na magtratrabaho ang mga magsasaka at mangingisda, at dito nabuo ang simbang gabi na hanggang ngayon ay tradisyon na natin. Dito lang ito sa Pinas, wala ito sa ibang Katolikong bansa at  kung meron man ay dahil ito sa mga Pilipino na nandoon. =)



Ang simbang gabi ay minsan din nagiging komedya. Marami kang makikitang inaantok at nakapikit na mata. Ako ay nakatulog na inaamin ko. Yung iba na nag Krismas Party at dumiritso sa simbahan ay siguradong pulang pula na ang mata at nakakatulog. Minsan may naririnig ka na humihilik. Minsan may natutumba sa antok dahil nakatayo lang. Yung iba madrama na ang pagkatumba at ang ilan ay talagang nakakatawa lang. Minsan yung iba dahil tulog na tulog ay di na namamalayan na tapos na pala ang misa. It's more fun in the Philippines ika nga.   Pero di na mahalaga iyon, ang importante ay binubuhay pa rin natin ang tradisyong Pilipino. Ang diwa ng Pasko.

PS: ang mga imahe ay nakuha ko lang sa google.


Wednesday, December 12, 2012

Sin Tax


Mga parekoy, dapat ngayon simulan simulan na natin mag-imbak ng mga beer, gin, o ano pang inuming nakakalasing at ng yosi dahil di magtatagal ay matatapos na din ang maliligayang araw. Siguro mag-inuman na lang tayo hanggang December 21. Non-stop hanggang sa katapusan ng mundo. Kung mayaman ka ay bumili ka na ng isang panel ng beer at ilang box ng yosi dahil naaproba na ng kongresso ang Sin Tax Bill. Hinihintay na lang ang pirma ni Pnoy para maipatupad ito.  Kaya mga kaibigan, kung ako sa inyo, ititigil ko muna ang ginagawa ko at mag-enjoy sa buhay. Magpakalasing at magpa-usok hanggang makontento. Lasapin ang sarap ng buhay dahil di magtatagal, ang Redhorse na nabibili mo ng 60 pesos ay baka 80 to 100 pesos na, kung sa isang bar ka pa ay baka wanpipti na. Yung yosi, sigurado ito ang magiging mahal, yung mga Malboro ay baka limang piso na per stick. At ang iba ay tatlo hanggang apat na piso. Oo magiging katapusan na nga ng mundo.




Ano nga ba itong Sin Tax Bill? Ito ay isang panukala na nagbibigay ng mas malaking buwis sa mga inuming nakakalasing at sa mga tobacco products. Hangad ng bill na ito na makakuha ng mas malaking buwis sa mga industriya na gumagawa at nagbebenta ng alak at sigarilyo. Ang makukuha daw na pera dito na kokolektahin ng BIR ay mapupunta ara sa pondo ng kalusugan ng masang pinoy. Hangad daw ng mga gumawa ng batas na ito na mabawasan ang mga naninigarilyo at di na maganyak bumili dahil sa mahal na ang presyo nito. Para daw sa kalusugan ng nakakarami. Ang target na makukuha nilang buwis ay 33.96 na bilyong piso. Ngunit bakit parang may mali kang naamoy? Tama nga ba ang panukalang ito na parang ang daming problema ang maidudulot sa atin. Parang may SIN TAX ERROR eh.



Una, kung iisipin natin hindi naman ang mga Tobacco at alcohol industries ang talagang magbabayad ng buwis na ito. Ipapasa nila ito sa kanilang mga consumers at tayo yun na mga mamamayang Pilipino na tumatangkilik sa inumin at yosi. Sigurado na tataas ang presyo ng mga produktong ito. Sa tingin ba nila ay titigil sa paninigarilyo ang mga ito tulad ng hinahangad nila? Health measure daw na para mabawasan ang mga naninigarilyo. Eh yung presidente nga natin ayaw tumigil sa pagyoyosi, yung mga ordiaryong Pilipino pa kaya. Asus Adre, sigurado hindi mababawasan ang mga naninigarilyo, yung imang piso na sana maibibili na ng konting ulam ay ibibili pa rin yan nila ng sigarilyo. Pero kung iisipin mo, ito naman talaga ang gusto ng mga gumawa ng batas at nag-aabroba dito. Hindi mabawasan ang mga naninigarilyo kundi makagenerate ng malaking buwis galing sa kanila.

Pangalawa, kagaya ng hinaing ng mga senador na hindi bumoto para dito at ilang kongresista. Mapapatay nito ang tobacco industry ng bansa. Kung ganito kataas ang kanilang hihnihingi na buwis galing sa kanila ay hindi makakayanan ito ng mga local na industriya. Ang mamayagpag ang mga imports na produkto ng alcohol at sigarilyo. Maraming mga magsasaka nanaman ang mawawalan ng trabaho. Sabi ni Drilon, magkakaroon naman ng porsyento sa pondo para sa mga magsasaka ng tobacco ngunit aasa ba talaga sila dito. Ilang beses ng ginawa ito ng gobyerno, nangako ng porsyento sa mga magsasaka ngunit walang nangyari. Nakita na natin nangyari sa coco-levy fund.

Pangatlo, hindi talaga sigurado kung gagamitin para sa kalusugan ang pondong ito. Ipinagsisigawan ni drilon na malaking porsyento ang gagamitin para sa kalusugan ngunit tinatanong ng maraming senador kung bakit walang eksaktong pondo at numero sila na maibigay. Ang sabi pa nga ni Ralph Recto ay hindi sumang-ayon ang bicameral in his proposal to earmark specific funds for health-related concern. Diyan pa lang ay nangangamoy na. May ibang plano na talaga sila na ibang paggagamitan ng makukuhang buwis sa sin tax. Health Measure daw ang Sin Tax Bill ngunit walang maibigay na figures ang mga gumawa nito kung ilan talaga ang gagastusin para sa kalusugan. Lahat porsyento at alam naman natin kung ano ang nangyayari sa mga porsyentong ito sa gobyerno.



Tuwang tuwa naman daw ang BIR sa resulta ng botohan. Bakit hindi sila matutuwa eh sila ang kumokolekta ng buwis. Para daw sa bayan ito. At linoko pa tayo. Alam naman natin kung bakit sila masaya. Ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin ngbago ang sistema sa BIR. Kung may makikinabang man sa Sin Tax na ito ay sila na iyon.

Hindi na ayaw ko sa Sin Tax, kung sa ideya at hangarin ay maganda talaga ang gustong makamit nito. Kung mababawasan ang maninigarilyo ay mas maraming buhay ang maililigtas. Kung ang pondong makokolekta ay talagang magagamit sa mga benipisyong pankalusugan at tumulong magbigay ng maraming medisina sa mga nangangain\langan ay maganda talaga ito. Kung para ito sa healthcare na tulad ng Phil Health ay malaki talaga ang maitutulong nito sa mamamayang Pilipino. Ang di ko lang nagugustuhan ay pagpasa nito na marami pang isyu ang di nareresulba. Masyado itong half-assesed at tila nangangamoy. Na parang may backdoor dealings na ginawa ang ilan upang magkasundo ng mga naglalakihang tobacco industries. At parang timing nanaman ang pagpasa nito na nalalapit na ang eleksyon. Bakit ngayong mag-eeleksyon na eh ang aaggresibo ninyo. Ang sin tax ay isa nanamang political bill product. Maganda sana kung ginawa ito nang pusong gustong makatulong.







This is where your taxes go







A good Filipino citizen pays his taxes on time. Makikita niyo ang karatulang ito sa karamihan sa mga opisina ng gobyerno. Naghihikayat sa ating mga mamamayan na magbayad ng buwis at huwag itong kalimutan. Sa teorya ang buwis ang bumubuhay sa isang bansa. Kasama ang kapangyarihan na magbuwis sa “three inherent powers of the state” na; police power (ang kapangyarihan ipatupad ang mga batas at hulihin ang sino mang di sumusunod nito), power of iminent domain (kapanyarihan kunin ang isang pibadong pag-aari para gamitin sa pampublikong kapakanan sa kondisyon na bbigyan ng sapat na kapalit o bayad ang nagmamay-ari) at siyempre ang power of taxation na pangongolekta ng buwis. The taxes are the lifeline of the state and without it, the state cannot survive. Kaya ganito nalang kapuspusan ang paghahangad ng gobyerno na makolekta ang lahat ng buwis sa ating bansa. Para din naman sa ating kapakanan ang gagamitin nila sa buwis na kanilang makokolekta. Para sa mga proyekto na magpapaunlad sa ating pamumuhay. Kung sa teorya ay masarap talaga pakinggan ang mga ideya ng pamahalaan. Pero alam naman natin na sa totoong buhay ay wala itong katotothanan.

Pamilyar sa atin ang katagang “This is where your taxes go.” Madalas itong gamitin ng mga politiko tuwing gumagawa sila ng mga proyekto na once in blue moon lang kung mangyari. Sa bilyong bilyong buwis na nakokolekta ng gobyerno, naramdaman mo na ba na nagkaroon ng saysay ang iyong binayad na buwis? Taon taon ay may nakaplanong budget ang gobyerno na gagastuhin para sa ikakaunlad ng ating bansa at taon taon rin ay wala tayong nakikitang pagbabago. Kung may pagbabago man ay ito ay mas lumalala pa ang kalagayan ng nakakaraming pinoy. Lalong humihirap ang mga mahihirap. Marami ang nagugutom. Nagkakalat ang walang mga bahay. May halaga ba ang ibinayad mong buwis?


Oo, malaki ang halaga ng binayad mong buwis. Lalo na sa mga kurakot at mapagsamantalang mga politiko. Sa mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno at yung may matataas na posisyon. Kung sa BIR palang na kung saan ka ngbabayad ng buwis ay marami na kaagad ang nawawala ay paano pa sa napakalaking spider-web ng gobyerno. Halos kalahati lang ng buwis na ating ibinabayad ang nagagamit para sa bayan. Ang iba? Saan pa eh di sa bulsa ng mga opisyal ng gobyerno. Sa bawat proyekto na kanilang ginagawa ay may porsyento silang nakukuha. Sa bawat budget na iimplementa ay dapat may porsyento silang nakukuha. Isang money-making business para sa mga politician ang kanilang pagkapanalo at pag-upo sa puwesto. Ang pinakamadaling paraan para yumaman dito sa Pilipinas ay maging politiko. Kaya nagkakandarapa ang karamihan na manalo sa eleksyon. Ang siya sanang magsisilbi sa bayan ay sila pa ang ating pinagsisilbihan.  

Ang buwis ang lifeline ng isang bansa. Pero sa atin, ito ang bumubuhay sa mga politiko na ninanakaw ang para sana sa atin. Sa halip na mga kalsad ang lumawak at classrooms ang dumami ay mga driveway nila ang lumalawak at dumarami ang kanilang mga mansyon. At kung saan man napupunta ang mga buwis nain ay di nanatin malalaman. Itinatago naman ng gobyerno ang kanilang mababahong bankay. Hindi ka na talaga magkakaroon ng ganang magbayad ng buwis ngunit dahil kahit papano ay mga responsableng mamamayan tayo ay nagbabayad tayo. Umaasa na lang sa pagbabago na hindi makita.

Monday, December 10, 2012

Impyerno



Martial Law, dalawang EDSA revolution, impeachment ng Chief Justice, at isang Aquino nanaman ang namumuno sa ating bansa. Ngunit an nga ba ang nagbago? Bumaba na ba ang presyo ng mga bilihin? Bumaba na ang presyo ng langis?  Nasolusyonan na ang problema sa unemployment rate? Nabawasan na ang kurapasyon? Maunlad na ang Pilipinas. Isang masarap na panaginip.

Sa loob ng ilang taon matapos patalsikin ang tinaguriang pinakamalalang presidente ng Pilipinas ay wala pa ring nagbago sa bansa. At ngayon nga ay nahalal pa ang kanyang anak bilang senador at tila nag-hahanda nga para bumalik ulit sa pinakmataas na posisyon dito sa Pilipinas. At oo dahil hindi natutoto ang mga Pilipino ay malaki ang tsansa na manalo ito at magkaroon uli ng Marcos na presidente. Imeldific di ba?

Ewan ko ba kung anong meron sa ating mga Pilipino na may tendency tayo na piliin ang maling namumuno. Pinanalo natin ang isang dating action star, hinalal sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Ngunit dahil di tayo nakontento sa kanyang pamumuno ay naghain ng impeachment complaint. Dahil akala ng karamihan na magiging madali lang ito dahil kudos wala daw siyang pinag-aralan ay nagkamali sila. Wala silang napapatunayan at natatalo sila sa impeachment court. Dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo ay nagsagawa nanaman sila ng EDSA II na isa sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa ng mga Pilipino. Inilagay natin sa puwesto ang pangalawang pinaka-malalang presidente sa Pilipinas.

Naging Presidente si Arroyo at dahil isang babae ay malaki ang expectations sa kanya na katulad ng kay Cory. Harmless naman siyang tingnan di ba? Ang akala ng lahat ay eto na ang Presidente na babago sa lahat. Mali, mas lumala pa ang lagay ng Pilipinas. Ilang beses siyang napagbintangan ng kurapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ilang scandalo ang lumabas. Narinig mismo natin sa balita ang kanyang pandadaya sa eleksyon. Ngunit kahit sa rami ng mga ebidensya ay walang nangyari sa mga kaso na inihahain sa kanya. Matalino kasi, di tulad ni Erap. Alam niya kung paano mamanipulahin ang masang Pilipino, di tulad ni Erap na naniwala lang sa kanyang mga taga-supporta. Sa sampung taon na kanyang pamumuno anga akala natin na mabait at mabuting presidente na ating inilagay sa kapangyarihan noong EDSA II ay mas malala pa pala kay Erap.

Oh, ang gaganda ng mga ngiti nila. Kilala talaga tayo sa palstikan.


At ngayon isa nanamang Aquino ang namumuno sa atin at sa loob ng tatlong taon ay wala pang nanyayari sa Pilipinas kundi puro media. Pinatalsik niya ang Chief Justice dahil hindi sila magkasundo. At ngayon na unanimously binoto ng mga SC Justices na i-TRO muna ang Cyber Crime Law na gustong gusto niyang ipasa ay ngayon ewan na lang. Baka nanaman ipa-impeach niya lahat ng Justices. Good Luck.



Saan na nga ba patutungo ang bansang ito? Sabi ni Pangulong Manuel Quezon, “I prefer a government run like hell by the Filipinos than a government run like heaven by Americans.” Kaya naman pala. Kaya naman pala na parang impyerno ang gobyerno natin. 



Sino na kaya ang susunod na Presidente katapos ngayon ni Pmoy? Si Kris Aquino? Lord Have Mercy!!!


PS: ang ilang imahe ang galing sa google. :)))

Sunday, December 9, 2012

Manny





Hindi ko sana gusto na ito ang maging topic ng blog ko sa araw na ito. Natulog na ako at naglibang libang ngunit hindi ko talaga mawala sa isip ang nangyaring labanan kanikanina lang. Isang malungkot na pangyayari para sa lahat ng Pinoy na naniniwala sa tinaguriang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo. Kaunti lang ang naipagmamalaki ng mga Pinoy sa mundo at isa na ito ang pangalang Manny Pacquiao. Ipinanalo niya ang napakaraming laban. Ilang Mexicano ang kanyang pinatumba. Nakamit nya ang napakaraming titulo sa larangan ng boksing at naging kauna-unahang tao naging kampeon sa walong iba’t ibang weight class. Ang pinakamagaling at pinakamamanghaang boksingero ng napakaraming tao. At sa nangyaring patutunggali kanina laban sa kanyang long rivaled enemy na si Juan Manuel Marquez ay nakita natin ang isang pangyayari na hindi inaasahan ng mga Pilipino. Kahit ako na malaki ang kutob na mananalo si Marquez ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kahit nga yung unang knockdown ay hindi rin kapanipaniwala. Nakita na natin na matatag si Pacquiao at kayang saluhin ang malalakas na suntok kahit galing pa sa malalaking tao. Ngunit ang nangyari ngayong araw ay parang isang malagim na panaginip at alam ko lahat ng Pilipino ay natulala at di makapaniwala na makita ang ating bayani na natumba, at walang kamalay malay. Parang biglang pinatay ang apoy na siyang pag-asa ng bayan.

Talong-talo si Pacquiao, walang duda. Di tulad ng naging ibang laban nila na puro desisyon lang, ito tlaga ay bomba. Matiis na hinintay ni Marquez ang pagkakataon at ibinigay ang perepektong “counter-punch”. Solid, sa mukha tumama, pulido. Masakit tingnan kung paano natumba si Pacquiao, tumbang tumba, walang malay. Sa isang iglap ay natumba ang bandera ng Pilipinas.  Kahit anong angulo natin tingnan ay walang duda na talo si Pacquiao. Walang daya. Knockout. Pulidong suntok na sa mukha tumama. Ibinigay lahat ni Marquez sa isang napakamalakas na suntok.



Malaki talaga ang epekto ng pagkatalo ni Pacquiao sa buhay ng mga Pilipino. Siguro ito na ang parte ng buhay ni Pacquiao na pinapipili na siya kung ano ang landas na kanyang dapat tahakin. Dati bago ang laban ay puspusan na siya sa training at maagang lumilipad patungong America para makapagpractice. Ngayon tig-isang buwan na lang ang kanyang paghahanda. Nagtrai2ning siya sa Pilipinas pero marami siyang iniintindi dahil congressman siya. Nandiyan pa paagi ang media. Si Marquez pagkaapprove ng laban ay kaagad sumugod sa training, pinalaki ang katawan, at gumawa ng magandang gameplan. Ang mga boksingero sa Mexico ay mga disiplinado. Kung boksing ang kanilang gusto ay boksing dapat ang pagtuunan ng pansin. Walang distractions. Determinado at nakafocus. Mas malakas ang determinasyon ni Marquez na patunayan sa lahat na mas magaling siya kay Pacquiao at tingnan mo na lang ang bunga ng kanyang pagsisikap. Ito na ang panahon para kay Pacman na pumili ng daan na tatahakin, politika, showbiz, o ang pagboboksing? Hindi na puede ang tigdalawang buwan na training matapos ang pagkatalong ito.  Kung gusto pa niya magboksing, sa aking opinyon ay dapat tito muna ang intindihin niya, marami pang panahon para sa politika. Kung ibang landas naman ang pipiliin niya ay dapat iwan na niya ang pagboboksing. Hindi na puedeng pagsabaysabayin ang lahat dahil marami siyang iniisip. Kailangan na niya talaga na mag focus sa isang bagay.


At dahil sa nangyari ngayon maraming topic at mga komento ang nakapalibot sa internet. Karamahihan dito ang mga Pilipino. Iba’t ibang reaksyon ang kanilang ipinarating at sa kasamaang palad, karamihan ay di maganda. Ito tlaga ang hindi ko gusto sa ilan sa ating mga kababayan. Ang bilis pumuna at magmura
.
Para sa mga Pacquiao supporters, oo alam kong mahal na mahal niyo si Pacquiao at masakit ang nakita niyong pagkatalo ng idolo. Ngunit kitang kita naman natin na di siya dinaya at maganda ang kondisyon ni Pacquiao. Tanggapin na lang natin na natalo siya at respetuhin ang pagkapanalo ni Marquez.

Para naman sa nagsasabi na ang pagpapalit niya ng relihiyon ang dahilan ng kanyang pagkatalo. Dahil wala na ang rosaryo at dati niyang ritwal. Please naman, konting respeto. Hindi dahil kasali ka sa pinakamalaking relihiyon sa mundo ay may karapatan ka ng magsalita at mag-alipusta ng ibang paniniwala. Isa pa, hindi naman nawala ang paniniwala ni Pacman sa Diyos, kung sino ang sinasamaba niya dati ay yun parin ang sinasamba niya ngayon. Paniniwala, faith, yun ang importante at hindi kung nasaan ka. Hindi ang relihiyon ang gumagawa ng “faith”, galing ito sa puso ng mga taong naniniwala. Kung doon naramdaman ni Pacman ang kapayapaan ay wag na natn paki-alaman ang kanyang paniniwala. Kung wala kayong magawang matino ay wag na lang kayong maingay. Iniinsulto niyo ang Maykapal.


Para sa mga nagsasabi na binigyan ni Pacquiao ng kahihiyan ang Pilipinas at wala siyang dangal. Ang yayabang niyo mga ung*s. Anong kahihiyan at walang dangal? Dahil natalo siya sa laban na ito ay ikinahihiya niyo na siya? Matapos niyang ibalik sa mapa ng mundo ang Pilipinas ay ganyan ganyan na lang kayong magkomento sa isang pagkatalo? Kahihiyan? Lumaban siya at nakipagbakbakan. Pumunta sa laban na nakasalalay ang kanyang dangal at sarili. Tapos sasabihin niyo ngayon na kahihiyan lang siya dahil sa isang laban. Ilang taon tayong mga Pilipino na nakisakay sa tagumpay ni Pacman, with all the glory he brings to our country and this is how we repay him, tinataboy at linalait dahil sa isang pagkatalo. Dahil hindi niya naabot ang iyong hinahangad ay ganyan na kayo kung makareact. Parang tumulongkayo sa training niya. Kung natalo ka sa pustahan ay hindi kasalanan ni Manny yun. Sa mga sugal na ganito 50:50 ang tsansa mo at di na iyon mag-iiba. Ilang laban na ang ipinanalo niya at sa loob ng mahabang panahon ay dala dala mo ang “Proud to be Pinoy”, ngunit ngayon dahil natalo siya ay mura ka ng mura, na parang walang ginawa si Pacman para sa mga Pilipino. Makonsensya naman kayo. Di niyo lang ba inisip kung ano ang kalagayan ni Pacquiao? Kung maayos ba siya o kung ano ang naging damage niya. Eh kayo kayang mga ung*s nga ang magpasuntok kay Marquez? Pilipinong pilipino pero siya pa ang unang nanglait. What a bunch of hypocrite.
Sa lahat ng nagawa ni Manny para sa bayan ay ganito pa natin siya sinsuklian. Imbis na supporta ay masasakit na salita pa ang ibinigay niyo sa kanya. Idinonate ni Manny ang halos lahat ng kita niya sa mga biktima ng Bagyong Pablo. Kahit sa ginawa ni Manny ay ang kakapal pa rin ng mukha ng ilan.  Hai Pilipino.

Friday, December 7, 2012

Balimbingan


Overheard Overheard Overheard. (Pinagpasapasahang Kwento.)
Sa isang dyip daw ay may dalawang magkaibigang lalaki.
Lalake 1: Pare para may dumi yata sa pisngi mo.
Lalake 2: Saan? (Sabay pahid sa mukha.) Naalis na ba?
Lalake 1: Hindi nga pare. Ako na nga. (At tinangal niya ang dumi sa pisngi ng kaibigan niya)
Lalake 2: Pare, naramdaman mo yon.
Lalake 1: Oo pare, parang may SPARKS! (Habang titig na titig sa kaibigan.)
Lalake 2: Ha? Anong sparks? Tange! Lumindol ulol.
Lalake 1: Ahh oo naramdaman ko yun.

Yung kwentong yan ay narinig ko lang sa kapatid ko na narinig din niya sa iba. Astig talaga ang kwentang yan at sabi nila ay true story daw iyo. Kung nagkaganon man ay naku, mukhang may problema si Lalake 2 sa kanyang kaibigan. Baka siya ay ma “This guy is in love with you pare” at mauwi pa iyon sa bromance.
*********************************************************************************



Balimbingan. Ang mga political parties (ito yung partido kung saan ka sumasali kung gusto mong tumakbo tuwing eleksyon) ay nasa ilalim ng batas ng multi-party system na ibig sabihin kahit ilang political parties pa ang mabuo at ilang kandidato pa ang maghangad sa isang posisyon at tumakbo sa eleksyon ay ayos lang. Kung may 5 presidentiable candidates na gusto tumakbo ay okay lang. Walang batas na naglilimita kung ilan ang puwedeng tumakbo sa mga posisyon ng gobyerno. Bumubuo ng mga Partido para lumakas ang kanilang tsansa sa bawat kalaban. Yng iba naman ay tumatakbong independent para sa kanilang paniniwala. Bawat partido kasi ay may “ideology” na sinusunod sa pagpapatupad ng mga programa na kanilang ipinangangako tuwing election. Ang pagiging kasali rin sa malakas na political party ay mahalaga dahil kung kasali ka sa majority na party na nanalo ay maganda ang tsansa mo sa pag-angat sa Kongresso, di tulad sa mga minority na mahina ang boses dahil an dominanteng partido ang komkontrol sa kongresso. Kung iisipin mo ayos naman di ba? Walang problema? Tuwang tuwa pa nga ang mga tao dahil marami silang natatangap na “regalo” mula sa mga kandidato. Mas maraming partido at kandidato mas makulay at maraming “regalo” sa eleksyon. At pagnatapos na ang eleksyon ay maayos naman di ba? Kanya kanyang partido na di ba? Tanggapin mo na lang na nasa minority ka at hindi ka mapapaboran ng presidente dahil nasakabila kang partido. Maghintay nalang ulet sa sususunod na eleksyon dahil ipaglalaban mo ang iyong prinsipyo at ideolohiya. Mali, dahil dito na nag-uumpisa ang balimbingan.

Turncoating ang tawag nito sa ingles ngunit sa atin ito ay balimbingan, ang pagtatalon talon sa isang partido patungo sa iba at marami tayong mga politiko na ganyan. Kung saan at sino ang malakas na political party ay doon kaagad tatalon, kinalimutan ang mga pangako sa kanyang partido. Iniwan ang prinsipyo at dangal. Praktikalan lang naman hindi ba?  Dahil nga ang majority party ang komontrol ng kongresso ay silarin ang namamahala sa pondo, pork barrel, kung sino ang mamumuno sa importanteng committee, at mga prelihibeyo kaya mas maganda kung pumunta ka na lang sa majority party. Halimbawa dito, kung ikaw ay kasali sa Lakas-CMD ni Arroyo at nanalo ka ngayon at nakaupo sa kongresso. Ang majority party ngayon ay ang Liberal ni Pangulong Aquino. Alam nating lahat na ayaw na ayaw ni Pnoy kay Arroyo at sigurado na hindi maganda ang maibibigay na “priveleges” sa mga kaalyado ni Arroyo. Eh di siyempre, bahala na ang prinsipyo at ang aking partido, mas maganda na kung lumipat ako sa kabila. May kilala akong congressman na talagang tag sunod ni Arroyo at malakas sa kanya ngunit ngayon biglang nagtransform ang damit niya sa kulay na dilaw. Balimbingan.





Ayon kay Senador Edgardo Angara na siya ring LDP president ay ang turncoatism is “the most destructive aspect of Philippine politics. That’s why there is no stability, continuity in political parties because the winners from the other parties usually go to the majority ruling party which usually controls the perks, pork barrel and privileges.” (Simbulan) Yan, walang stability ang mga politcal parties. Maraming palipat lipat eh. Ginagawang boarding house ang isang partido. Kung ayaw na niya ay kaagad aalis at minsan wala pang paalam dahil siyang naibayad sa partidong sumuporta at gumasto sa kanyang pagkakahalal. Kung tatanungin ang mga politiko kung bakit lumipat siya sa kabilang partido ay sasabihin lang na, “I did this for my country.” o ang isa pang pang sikat na galing kay President Manuel Quezon na, “My loyalty to the party ends when my loyalty to my country begins.” Naks ang sarap pakinggan. Kaya lang alam naman natin na wala itong katotothanan at ang totoo ay kanilang sariling interes ang iniisip. Balimbingan.



Ang mga political parties sa Pilipinas ay malayong malayo sa kung ano talaga ang isang partido. Dito sa atin ay kinokontrol ito ng mga malalakas at makapangyarihan na pamilya sa politika. Kung sa ibang bansa ay Ideolohiya ang nagtataguyod sa isang partido, dito sa atinay kung sino ang may mas kilala at mas sikat na kandidato. Kung saan may mas kilala at malakas ang rating ay doon nadadagsaan ang mga politiko at sumusuporta para sa kapalit na pabor at kapangyarihan pag ang kandidatong ito ay manalo. Wala rin naman tayong magagawa dito. Yan ang nakasulat sa batas at pinapayagan naman ang mga politiko na mag palit palit ng partido. Para sa demokrasya. Wala rin mga parusa at sanction na ibinibigay ang mga partido sakali man lumipat ang isa nilang kaalyado at malugod namang tinatanggap ng kabilang partido ang bumaliktad at kaagad isinasali sa kanilang kandidato. Balimbingan.




Kung sa ibang bansa ito ay hindi puwede ang ganitong sistema na ginagawa ng ating mga poltiko. Sa kanila ay may two-party system lang. Ibig sabihin may administrasyon at oposisyon lang. Sa iba naman ay pinatutupad nila ang strict party loyalty na hindi ka puwede puwedeng lumipat kaagad ng partido lalo na kung tapos na ang eleksyon. Sa two-party system ay may dalawa lang partido na namumuno, sa America ito ang Republicans at Democrats. Sa ibang bansa tulad ng Japan at Great Britain ay pinapatupad nila ang one-party loyalty. Di ka puwedeng magtalon talon sa iba't ibang partido. Sa kanila ay bawal ang balimbingan kaya stable ang kanilang pamumuno. Ideolohiya ang bumubuhay sa partido at hindi gutom sa kapangyarihan di tlad sa Plipinas. Kung bumalimbing ka sa iyong partido ay lagot ka. Bibigyan ka ng mga parusa. Kung kasali ka sa kongreso ay kaagad tatanggalin ka. Hindi ka rin puwedeng kumandidato sa linipatan mong partido hanggang sa susunod pa na eleksyon. Sigurado ang pagpatay sa iyong political career. Pinahahalagahan nila ang pagiging “loyal” sa partido kaya mag-iisip isip ka muna. Babalimbing ka pa ba?


Bakit nga ba mahalaga na mabawasan na itong balimbingan sa sistema ng ating politika? Madali lang naman. Para magkaroon na ng tunay na gobyerno. Kung sa simpleng partido mo pa lang ay hindi mo na magawang maging matapat dito ay sa bansang Pilipinas pa kaya? Ang mga partido dito sa Pilipinas ay hindi mga tunay na partido kundi mga grupo lamang ng mga politiko na naghahagad ng kapangyarihan at kasikatan. Sa kanila ay laro ang eleksyon at kung mas maraming nanalo sa kanilang artido ay maganda dahil nagkakaroon sila ng karapatan na magyabang sa kabilang partido. Pag-upo mo sa kongreso o sa ano mang posisyon sa gobyerno ay ang iniisip mo na ay kung paano mo pa ito mapapanatili ng dalawa pang termino. Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamagulo at malabong sistema ng gobyerno, hindi dahil sa framework kundi dahil sa mga taong naglalaro nito. Madumi at mabaho. Naglalaway sa kapangyarihan.Hanggang di mababago ang sistema ay walang mangyayari sa Pilipinas. Mababaon lang ito sa utang. Balimbingan.

Wednesday, December 5, 2012

Shoulderbag at Bulsa



May mga bagay sa mundo na tila napapaisip tayo at napapatanong malalim. Mga kababalaghan na tila napakaweird na it seems incomprehensible to the mind. Para bang tinatalo nito ang logic.  Na kahit papaano, kahit totoo, at nakikita mo ay its hard to believe pa rin. Hindi maexplain ang mga pangyayari. Kahit ilang beses mong tingan ay napapatunganga ka pa rin. Katulad na lang ng shoulderbag ng mga babae. Oo mga kaibigan, the shoulder bag. One of the mysteries of of life.

Nakikita mo naman ang shoulder bag ng mga babae di ba? Kung susukatin mo ang laki eh parang folder na binigyan ng thickness. Perpekto ito para sa mga babae na palaging may dala. Ang misteryo ng shoulder bag ay kung bakit sa kanyang laki ay halos lahat ng bagay na kailangan ng babae ay nasa loob na nito. Oo! Nagkakasya lahat ng mga bagay bagay na gustong dalhin ng isang babae mula make p, polbos, pabango, wallet, libro, damit, napkin, tissue paper, at kung ano ano pa. Nakakapagtaka talaga ito mga parekoy. Habang pinanonood mo na humuhugot ng ano anong mga bagay ang isang babae galing sa shoulder bag niya ay di mo mapigilang isipin na isa itong magic show. Hindi mo tlaga maiisip kung paano magkakasya ang lahat ng yan sa isang bag na yan. Minsan nakakita ako ng babae sa restaurant,  humugot siya ng kanyang laptop sa shouder bag, kumuha ng dalawang makakapal na libro, sinabi sa kanyang kasama na magpapalit muna siya ng damit at kumuha ng supot na may pantalon at blouse, pagkabalik niya ay kinuha ang pulbos, abango at ano ano pang panritwal, at dumating ang hinihintay nila na may dalang mga folder na sing kapal ng mga libro. Dito nagsimula ang magic, una niyang linagay ang laptop, kasunod yung pantalon at damit na pinagpalitan, tapos yung makakapal na libro kasama ung folder, at yung maliit na bag kung saan nakalagay ung mga panritwal at oo nagkasya lahat yun sa shoulder bag!!! Amazing talaga. At biruin mo may space pa raw.

Ano nga ba meron ang shoulder bag na halos lahat ng bagay na kailangan ng kababaihan ay maring magkasiya doon. Ang backpack ko nga ay nahihirapan akong ikasya ang mga gamit ko iilan lang yan. Sa di maipaliwanag na dahilan ay parang may kakayanan ang mga shoulder bag na ito na saluhin ang kahit ano mang ipasok dito. Di na ako magtataka kung magkasya dito ang upuan at lamesa. Kahit anong bagay na kailangan nila ay mahuhugot sa mahiwagang shoulder bag. Kung isa kang babae at di nagdadala ng shoulder bag ay para kang vulnerable at mataas ang tsansa na maraming kang nakalimutan. Pero wag na wag mong mamaliitin ang bigat ng shoulder bags na ito. Tinulungan ko na minsan ang kaibigan ko na magdala ng shoulder bag niya at hanep, para yatang limang kilo. Mapapano choice ka talaga at kailangan ilagay mo ito sa may balikat mo dahil sa bigat. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit masasakit ang sampal ng mga babae.

Kahit anong explanation ang sabihin mo ay mananatili pa rin ang misteryo ng shouder bag ng mga babae. Mapapatunganga ka pa ri sa mga bagay na maari nilang hugutin galing sa mga bag na iyan Ngunit kung may shoulder bag ang babae ay may katapat naman diyan ang mga lalake. Oo isa ring bagay na tila lahat ng mga gamit na kailangan ng lalaki ay kasya lahat. Yes at ito ang ating mga bulsa.

Oo, ang bulsa ng mga lalaki ay may kakayanan din na magdala ng bagay lingid sa laki nito. May apat na bulsa kadalasan ang pantalon ng mga lalaki at halos lahat ng mga bagay bagay na kailangan nito ay kaya niyang ipasok diyan. Ang lalaki pag lumalakad ay mas gusto na walang dala para walang hassle o para lang magpapogi. Kaya lahat ng kailangan niya ay inilalagay sa bulsa. Kadalasan ang laman nito ay coins, papel na byente o sinkwenta, susi sa bahay, ballpen( ewan nakasanayan na yan simula college na ballpen lang ang laging dala), cellphone, flash drive (oo importante to) at kung minsan may maliit na notebook, pick para sa mga guitarista or yung feeling lang, yung drummer sa likod na bulsa yung stick, yung isa pang selpon para sa ibang girlfrend, bottle opener (oo, meron din ako nito, para sa beer), yosi, lighter o posporo. Oo marami rin ang kayang mailagay sa bulsa ng lalaki, yung mga readings ko nga at testpapers sa bulsa lang yun din lahat. May mga hardcore din na ang laman ng bulsa ay lahat ng namention kanina kasama ay mouthwash, alcohol, at pabango. Paano nagkasya? Ewan ko basta kumasya. Yung isa wais, nagshort at naka six pocket. Ang likod na bulsa ng lalake ay para lang sa dalawang bagay, wallet na kadalasan ay walang laman at panyo. Kahit byente pesos lang ang laman ng wallet ng lalaki ay dadalhin pa rin niya ito. Hindi tama ang pantalon kung walang walet na nakalagay sa likod  na bulsa nito.

Maraming bagay ang simple lang naman ipaliwanag ngunit dahil sa ating mga imahinasyon ay nagiging misteryo. Ang dalawang bagay sa itaas ay ilan sa mga yon na nagiging pilit natin tinitingnan sa ibang anggulo. Para sa iba ay napapa-ikot nalang ang mga mata tuwing naririnig at nababasa ang mga ito. Pero sa karamihan ito ay isang makwelang mga kwento na nagpapaaliw sa mga Pinoy. Ang pagiging masuri at galing ng mga Pinoy na gumawa ng mga kuwentong barbero sa mga bagay bagay ay isa sa mga katangian (with all its advantages and disadvantages) na di dapat mawala dahil pinakukulay nito ang buhay sa tawanan at masasayang usapan. =)))



 

Tuesday, December 4, 2012

Ang Sarap Magmura: Featuring Bertong Badtrip




Minsan sa buhay natin ay may araw tlaga na puno ng kabuwisitan at nakakabadtrip. Yung araw na malas ka talaga at tila yata sinumpa ka ng kampon ng kadiliman na pumalpak at dahil dito ay napupuno ka sa kabdtripan. Halimbawa nalang papasok ka na lang sa eskwela, sa dyip palang badtrip na dahil ang bagal at ipit na ipit ka pa. Tapos nalaman mong naiwan mo report mo. Late kana nga, wala ka pang report tapos naipit pa paa mo pagpasok mo sa room. Ayyy wala na, buwiset na buwiset na araw mo. Pagagalitan ka pa ng prof mo tapos paglabas mo ehh kantsawan ka pa ng kaklase mong insensitive. Di mo kaya masuntok yun. Marami ng nasirang pagkakaibigan dahil dito. Uso rin yung magrugrupo grupo kayao tas sa di maipaliwanag na dahilan ay ikaw ang napiling lider ng grupo. Siyempre tuwa kang loko ka, first time mong maging leader, di mo alam ikaw pala ang gagawa ng lahat ng project niyo. Yung paboritong magkikita kayo sa ganitong oras na halos 10 years na hindi pa rin dadating ang kasundo mo. Oh yeah, badtrip talaga yan. Lalo na kung syota mo ang kasundo mo. ~.~



Hindi sa lahat ng panahon ay kakampi ang swerte. May panahon talaga na sa sobrang badtrip ay makakapagmura tayo ng kahit sino. Tingnan na lang natin ang nangyari kay "AMALAYER" girl. Badtrip lang talaga ang araw na yun sa kanya, nagkataon na sinita siya ng guard sa panahong buwiset na buwiset na siya at boiling point na. Malas lang at nakunan siya sa video. Tao lang. MArami na rin ang mga pangyayaring ganun at di lang nakunan ng video. Sa panahong buwiset ka sa mundo siguraduhin mo munang walang nagvivideo sa'yo. 




Hay buhay, minsan my panahon talaga na tayo ay talagang inaatake ng kamalasan at nagreresulta ng badtrip na araw. Sabi nila ay puwede naman daw itong malabanan. “Grace under pressure lang daw.” Ehhh minsan kahit anong gawin mo ay wala talaga.  Kung araw na mababadtrip ka ay un na un. Di na magbabago. Ang mabuti lang dito ay sa pagtagal ay nawawala rin at gumagaan ang iyong pakiramadam. Nauubos din ang badtrip-o-meter. May kanya kanya naman tayong paraan para madefuse ang kabadtrip natin. Yung iba kumakain na lang, iba nakikinig ng musika, iba tulad ko natutulog, at yung iba ay itinatapon ang mga gamit. Ngunit kung ang pag-uusapan natin ay ang kabdtrip mo sa gobyerno, naku wag ka nang umasa na madali yang mawawala. Kahit matulog ka pa ng ilang taon pagising mo ay isang buwiset na pamahalaan pa rin ang gigising sayo. Minsan masarap lang talagang magmura. Mailabas lang kabadtripan mo sa mundo.




Ilang dekada na ang nagdaan pero wala parin nagbago sa ating gobyerno. Bulok na pamamalakad, mabagal na pag.implementa ng batas, at  laging huli. Iba’t ibang tao na ang umupo at nangako ng pagbabago pero wala pa rin. Hanggang ngayon ay mabuwibuwiset ka pa rin sa sistema. Puno ng red tape, humihingi ng lagay, at pinababagal na transaction. Hindi ka ba naman mabuwiset dito. Pag mag-aapply ka ng negosyo ay humuhingi ng malaking lagay ang isang ahensya ng gobyerno. Kailangan daw ang bayad na ito ngunit di naman sila nag-iisyu ng resibo. Malalaman mo rin sa huli na wala naman ito sa panukala at batas. Nakakabadtrip di ba?

Kung nasa hospital ka ng gobyerno, kahit nakatusok pa ang kutsilyo sa dibdib mo ay di ka pa iaadmit kung di ka muna magfill-up ng form, o pumirma. Sigurado mamatay ka muna sa dami ng proseso na kailangan tapusin. Kung  magrereklamo ka naman sa munisipyo ay papaghintayin ka muna nila ng ilang oras tapos sasabihn wala pala doon ang in-charge. Ang saya-saya hindi ba?  Nandiyan din ang mga papeles na kailangan mo na always “on the process” pa. Wag rin kalimutan ang mga pulis na ang bilis rumisponde. Siguro mananakawan muna ng sampung beses bahay mo bago sila makarating. Yung mga tanod na hindi pinakialaman yung mga nagrarambol na mga bata sa kanilang barangay dahil daw hindi naman nakatira ang mga batang yun. “They are not within our jurisdiction.” Wow naman ha.


Mga imbestigasyon na hindi mahanapan ng sagot, pagtaas ng gasolina, paparaming pondo na nawawala, mga corrupt na politician, kotong cops, sirang mga kalsada, mga lecheng facilities, mabagal na serbisyo, mataas na unemployment rate, mga pangakong pruo lang salita, mabagal na pagpapatupad ng mga batas, di makamit na mga hustisya, abuso sa gobyerno, lalong paghirap ng mahirap at pagyaman ng mayayaman, pagdami ng street children, walang pagbabago.  Minsan sa sobrang kabadtrip mo ay napapatawa ka nalang. Then you’ll realize, yeah, it's really more fun in the Philippines. 





PS: Si Bertong Badtrip ay karakter na gawa ni Manix Abrera. Subaybayan niyo po siya sa Kikomachine. =))) Ang ilang imahe ay galing sa google. Kahit papaano ay gusto kong ipakita dito na si Bertong Badtrip ay nabubuhay sa ating lahat. MAy panahon talaga na mababadtrip tayo at di mapigilan na magmura. tao lang naman tayo di ba?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...