Napunta ka na ba sa sitwasyon na nakasakay
ka sa jeep at may nakasabay ka na sa tingin mo kilala mo ngunit di ka sigurado
at dahil nahihiya ka na baka di siya yung kilala mo, forever na kayong nag-i”snob”an
nalang at walang kibuan. Tapos some days later maririnig mo na lang ang chismis
na isa kang snob at feelingero dahil di ka namamansin?
Madalas mapunta tayo sa sitwasyon na
ganito. Yung may nakakatagpo ka sa kalye
tapos ng tinitigan mo masasabi mo sa sarili na, “Kilala ko to ahhh”. Ngunit
dahil di ito ngumingiti sayo ay nagdadalwang isip ka, hinahanap mo ang kahit
anong recognition sa kanya na magkakilala kayo, pawis na pawis ka at
kinakabahan dahil di ka sigurado. You are just a feet away pero wala pa rin. Nanalangin
ka na to anyone na magbigay ng signs na kilala mo nga to. Nakahanda na ang ngiti
mo na kanina mo pa pinipigilan. Kung sakaling ngumiti to ay ready ka na. Ngunit
lumampas na lang siya ay wala pa rin. Tuloy
sa paglalakad.
Ito yung mga sitwasyon na tinatawag nating
“Identity Crisis” dahil di mo siya
ma-identify kung sino. Nagmamadali kang magrecall sa inaamag mo ng utak kung
sino itong nakakatagpo mo pero wala pa rin kaya di na lang kayo nagpapansinan. Para
na rin sa kuwentong ito ay tawagin na rin nating Identity Crisis itong kakilala m na di ka sigurado kung kilala mo
nga (Ang gulo ng sentence na to ahh).
Mahirap talaga pag ganito ang
nangyayari. Isa sa mga sitwasyon na di
mo talaga alam ang gagawin. Pero sabi naman ng iba ay madali lang naman yan.
Bakit di mo na lang daw ngitian kahit di ka sigurado? Di naman masama at
kasalanan ngumiti kahit sa di mo kakilala. At kung sakali man na ito nga yung
kakilala mo ay ngingiti din naman ito sa’yo di ba at yan na ang recognition.
Pero sa pagngiti mo ay may kailangan ka ring sundin na mga guidelines.
Una, siguraduhing mo ang ngiti mo. Yung pleasant at mapapangiti yung nginingitian
mo. Hindi yung ngiti mo na parang baliw at baka pagkamalan ka na manyak. Pangalawa, di ibig sabihin na ngumiti
na ito sa’yo ay ito na talaga to’. Baka lang ngumiti to dahil ngumingiti ka at
di mo naman talaga kakilala. Hintayin mo na siya ang unang humito o maki-usap. Pangatlo, tingnan mo ang iyong
linalakaran, baka sa kangingiti mo ay di mo na napapansin na may poste na pala
sa harapan mo.
Ngunit ang ganitong sitwasyon ay walang
sinabi kung nasa Jeep ka. Kasi yung sa daan ay split seconds lang nangyayari,
eh yung sa jeep buong biyahe. Dyahe talaga ang sitwasyong ganito na para mo ng
gustong magwarp speed na lang kaagad yung jeep papunta sa destinasyon mo. Very
awkward na moment na di kayo nagpapansinan at gumagawa ka na lang ng kung ano
ano mang paraan para masabi ni Identity Crisis na di mo siya nakita.
1. Nagtutulug tulugan. Madalas ito ang
perfect excuse ng nakakarami. Kasabay open ng isang mata, para magcheck kung
nandiyan pa yung kakilala mo na sa pagtingin mo ay nagtutulugtulugan din.
2. Kunyari nag-eenjoy ka sa view sa labas
na puro jeep din o basura kaya doon ka nakatingin kaya daw di mo napansin yung
kilala mong nakasakay. Pagkababa mo ay high na high ka na dahil sa usok
nagaling sa mga tambutso.
3. Salamat sa ipod o cellphone na may
music. Magsounds na lang para swak ang lusot mo.
4. Sa isang direksyon ka lang nakatingin. Dun
sa opposite kung saan naka-upo yung kilala mo. Pagkababa mo bili agad ng
salonpas. May stiff neck ka na.
Ngunit minsan may nangyayri din na
inaasahan, paano kung mas una ka pang bababa tapos nasa unahan ka pa naka-upo. Siyempre
kung bumababa ka magkakatinginan kayo, di na uubra yung drama mo na di mo siya
napansin. Kaya naman dahil ayaw mo ng awkward moment at di ka bumababa sa
babaan mo. Hihintayin mo muna siya unang bumababa. After one hour ay bumababa
na rin. Okay lang, sakay na lang uli ng jeep pabalik. Pagkasakay mo ay ay
sasakay uli na Identity Crisis and here
we go again.
I've been deceived. :)
ReplyDelete