Lalake: I love you!
Babae: I love you too!
Lalake: Loko lang, Happy April Fools.
Hehehe.
Babae: Eh kahit naman di April Fools eh
manloloko ka naman talaga. Liniloko mo lang ako ssa dami ng iyong babae. Pucha,
manloloko!
Ipinagdidiwang natin ang April Fools
bilang araw ng kasiyahan, hindi panlilinlng kundi araw ng pagbibigay ng tawanan
at kaligayan. Dahil sa araw na ito, hindi ang panloloko ang ating motibo kundi
pasayahin ang ating kapwa.
Ngunit may mga bagay na dapat din nating
pag-isipan bago natin i-apply ang salitang “April Fools”. Dahil gaya ng lalaki
sa itaas, sa halip na tayo ay magbigay saya, ay siya pa nating ikapahamak.
Ito ang ilan sa mga bagay na dapat mo
munang pag-isipan o kaya di gawin sa araw na ito.
“WILL YOU MARRY ME?”. Kung di ka naman
tungak, bakit mo pinili ang araw na ito para magpropose, kung gusto mong
masayang ang iyong effort at pagplaplano ay sige walang problema. Ituloy mo
lang yan. Kung hindi ay tingnan mong
mabuti ang kalendaryo bago mo maisipang magpropose sa isang kasintahan.
Maghintay ka na lang na mag-April 2 dahil di ito maniniwala sa iyo.
Yung isang version naman ay iyong ikaw
mismo ang magjojoke ng “Will you marry me?” kasabay ng “April Fools”. Kung
gusto mong maging single. Sige, nasa likod mo ko pre.
“MONTHSARRY”. Oo tol, isa itong unspoken
rule. Huwag mong piliin ang araw na ito para maging kayo dahil ang relasyon
niyo ay isa lamang panlilinlang at hindi totoo. But anyway, kung gusto mong
makipagbreak, magandang rason naman ata ito.
“MANLILIBRE AKO!” Sabihin mo sa kaklase mo
na manlilibre ka at sa dami ng order at nakain niyo busug na busug kayo.
Pagdating ng bill kaagad kang sisigaw, “APRIL FOOLS!” Kung planado mo nang
mag-isa habang buhay at live in solitude gawin mo ito. Pramis, hindi maganda
ang kalalabasan nito.
Maapply din dito yung magtetext ka sa mga
kaibigan mo ng inuman. Tapos pagmagkitakita na sila ay kaagad kang magsasabi na
loko lang.
“HINALIKAN KO ANG GIRLFRIEND MO.” Sabay ka
sasaksakin. Yung lang end of story.
“DI AKO MAKAKAGRADUATE.” Ito yung
pinakauso sa mga panahon ngayon. Minsan nagbibigay naman ito ng saya pero paano
kung atakehin ang magulang mo dahil sa balitang ito. Masasabi mo pa bang April
Fools?
“PAUTANG NAMAN.” Di ito tumatalab, yung
uutang ka tapos sasabihin mong di ka magbabayad dahil sa April Fools mo naman
ito inutang. Marami di ang nasaksak at namatay dahil dito. Word of advice na
din lang, huwag kang magpapautang sa araw na ito.
“UUWI AKO.” Nangyari na sa akin ito.
Talaga naman na uuwi ako pero dahil april fools, di naniwala. Kaya ayun
pagdating sa bahay walang pagkain at walang tao.
"BUNTIS AKO." Eto yung nakakatawa, kung sabihan ka ng girlfriend mo na buntis siya o kaya naman di pa dumadating ang dalaw. Sigurado ako para kang shit na luluhod at mananalangin na sana joke lang ang lahat ng ito.