Sa Pilipinas, halos araw araw naman April
Fools Day. Palaging naloloko ang marami. Niloloko ang sambayanang Pilipino.
Kung may prinsipyo man na sinusunod ang
mga Politician natin ito ang mantra ng “APRIL FOOLS”. Isinapuso na nila ito
kaya tuwing malapit ang eleksyon ay they are in the “state of april
foolization”.
Ibig sabihin handang handa na silang manloko ng tao na hindi sila
mahahalata. Mga pangakong di naman nila tinutupad and why would they? Every day
is an April Fools Day in Politician Time.
“Paglilingkuran ko ang sambayanang
Pilipino. Hindi ako magnanakaw. Lalabanan ko
ang Graft at Corruption. Itataguyod ko ang malinis at tapat na
pamahalaan. Lahat ay gagawin ko sa ika-uunlad ng bayan.”
Ang sarap pakinggan, pero di naririnig ng
mga Pinoy na sa katapusan ay may pahabol na “April Fools”.
Kaya tayong mga Pinoy, huwag na tayong
umasa na matutupad pa ang mga pangakong binibitiwan nila. Linoloko lang nila
tayo. Gaya ng sabi ko, Every day is an April Fools Day in Politician Time.
No comments:
Post a Comment