Siguro marami sa inyo ang naniniwala na sa
langit mapupunta matapos mamatay. Lalo na yung mayayaman, siguro akala
nila puwedeng i-bribe si San Pedro para papasukin sila sa langit. Yung mga pari
rin, akala yata nila sure win ang pagiging pari para mapunta sa langit. Wrong
dude, mas marami pa nga yatang pari ang napupunta sa impyerno kaysa sa langit.
Para sa aming karamihan na naniniwalang
napakalaki ang posibilidad na mapunta sa impyerno (ngunit siyempre inaasam pa
rin na mapunta sa langit), inihahanda na lang namin ang aming sarili sa maaring maging kalalabasan nito. Ito ang
guidelines sa pitong nilalang na makikita mo sa impyerno.
1. Manong. Si Manong na kilalala rin sa
tawag na Warden, Sikyu, Bouncer o Gatekeeper. Si Manong ang tagabantay sa gate ng
impyerno. Kung wala kang maka-usap,
pwede mo siyang malapitan at makakuwentuhan. Palagi niyang sinasabi na boring
na daw ngayon. Nagceasefire na kasi ang langit at impyerno. Wala ng labanan.
Mas maganda daw dati nung puro pa giyera. Araw-araw labanan. Ngayon contest na
lang daw ang boss ng langit at impyerno kung sino ang makakakuha ng mas maraming
tao na sa totoo lang wala naman talaga silang paki-alam dahil ginagawa naman
lang nilang piyesa ng chess board ang mga taong namamatay.
Sa tagal na ni Manong nagbabantay ng gate marami ang nakakatakas dahil palagi naman itong tulog katulad ng mga
security guard sa lupa. Ang kanyang pinakaiingatang gamit ay ang kanyang radyo
na connected ang frequency waves sa lupa. Alam niya ang mga sikat na kanta mula
kay Elvis, Beatles, Rolling Stones, Madonna, Backstreet Boys, at Michael Jackson. Sa katunayan, ipinagmamalaki pa niya ang radyo na
na may pirma ni Michael Jackson bago ito sinubukang tumakas. Ngayon ay
“Korean-pop” naman ang hilig niya dahil ito ang uso.
2. Hudas. Ito yung ayaw mo sanang makita
sa impyerno ngunit alam mo nandoon ito. Si Hudas ang pinakadespised mong
kaibigan secretly. Matagal mo na siyang kaibigan na puro lang kayabangan ang nailalabas sa bibig simula ng makilala mo siya.
Madalas mo itong binabackstab ng nasa lupa ka pa. Ito yung kaibigan na
pinakaayaw mo sa lahat ngunit di mo lang masabi dahil matagal na rin ang iyong pinagsamahan.
Ito yung ayos na sana ang lakad ngunit bigla itong darating at nasisira ang
araw mo. Ito yung kaibigan na habang kasama mo ay unti-unti mo ng pinapapatay
sa utak mo.
Ilang beses ka na ring pinagtaksilan nito.
Sinulot ang girlfriend o boyfriend mo. Kapalit ng tatlumpung pirasong kendi
nung bata ka pa ay isinumbong ka sa magulang mo na nagcutting classes ka.
3. Raziel. Konti lang yata ang
nakakakilala sa kanya dahil mas sikat sina Michael at Gabriel. Si Raziel ay isa ding anghel (ang
pinakapaborito ko sa lahat, nakilala ko siya dahil sa librong Lamb: The Gospel According to Biff, Christ
Childhood Pal) na katulad ni Manong ay nangangarap pa rin ng giyera at
bored dahil sa ceasefire. Siya sana noon ang maghahatid ng balita kay Mary na
pinagbubuntis na niya ang Nakatakda ngunit dahil lasing na lasing ito galing sa
pakikipag-inuman kay Satanas ay ibinigay na lang kay Gabriel ang misyon. Ngayon ay siya ay naatasang posisyon na
“Keeper of Secrets” , taga tago sa libro ng mga misteryo at sikreto ng langit na madalas
naman niyang naiikwekwento sa kanyang mga kainuman.
Madalas pumunta si Raziel sa impyerno
dahil boring sa langit. Okay sa impyerno maraming inuman at strip clubs. Bawal
din sa kangit ang green jokes movie at puro PG-13 ang mga palabas sa mga telebisyon.
Pumupunta siya sa impyerno para manood lang How I Met your Mother. Mahilig din siya sa mga telenovela at
palaging nagmamarathon dito. Akala din niya na real life story ang telenovela
at katulad ng nakakaraming “nanay” na nanood ay sumisigaw at sinisigawan ang tv
pag may ginagawang di kanaisnais ang kontrabida sa storya. Paborito niya ang Pangako Sa'yo.
4. Satan Jr. O mas kilala sa pangalang Jr. Ito yung pinakamapanganib mong kaibigan at sa
lupa pa lang, alam mo na na galing ito sa impyerno. Palagi itopng nakangiti,
tumatawa, at maraming kuento na di kapanipaniwala. Isa sa mga joker ng tropa
ngunit sa likod nito ay nakikita mo ang ngiti na nagsasabi na marami siyang
alam tungkol sa pinakakatatagong sikreto. Sa lahat ng mga kaibigan mo, siya ang
pinakahuling tao na gusto mong nakaka-alam sa sikreto mo ngunit sa di
maipaliwanag na dahilan ay siya pa mismo ang isa sa mga unang nakakarinig kung
ano itong pinakakatago mo. Nakatali ang leeg mo palagi sa kanya dahil kahit
anong gawin mo nakablackmail ka. Matalas ang pandinig at pang-amoy ng taong
ito.
Madalas kang paikutin sa kanyang palad at
ikaw na mismo ang naglalahad ng iyong mga sikreto sa kanya ng di mo
namamalyan. Ang mga dahilan nito ay
masyadong malawak ang kanyang connections, maling tao ang nasabihan mo ng
sikreto, may sarili siyang CIA, alam niya talaga ang lahat, madali siyang
makapick-up ng mga pangyayari, masyadong magaling sa salita, o may tanga kang kaibigan na nakaka-alam ng
sekreto at naiwan ang cellphone para mabasa ni Satan Jr.. Kung akala mo ay
nakatakas ka na sa kanya, kakamali ka dude. Kahit sa langit ka pa mapunta ay
nandoon din siya. DUAL CITIZENSHIP.
5. Satanas. Bestfriend ni Raziel. Madalas
mag-inuman itong dalawa. Di naman talaga masyadong demonyo at nakakatakot ang
mukha ni Satanas. Sa katunayan ay rakers
nga ito at chickboy pa. Si Satanas ay mahilig sa mga bagay na ipinagbabawal ng Simbahan tulad condom.
Si Satanas ang epitomy ng kasiyahan. Mahilig siyang kumain ng marami lalo na
ang masasarap na lechon. Paborito din niya ang Goldilock’s Polvoron. Di naman
siya sosyal na pawine wine di tulad sa langit na puro mamahaling wine ang
iniinum. Kontento na siya sa REDHORSE at mas masaya nga dahil mas marami ang nakakasama sa
pag-iinum nito. Mahilig din maglaro ng computer games at sa ngayon ay NBA
2k13 ang kinahihiligan nito. Nagsusubaybay din siya sa Naruto at One Piece. All time peyboret niya
movie ang One More Chance, dahil di miya malimutan ang girlfriend niyang galing sa langit.
6. San Pedro. Obviously alam mo na kung
bakit. Sa impyerno lang naman may Sabungan. Para saan pa ba ang dala dala
niyang manok.
7. At ang huli si Birhel. Siya yung "may tanga kang kaibigan na nakaka-alam ng sekreto at naiwan ang cellphone para mabasa ni Jr." Ito yung
kaibigan mo na kasama mo pa simula noon. Medyo maiinis ka na nga na pati ba
naman sa impyerno ay magkikita pa kayo at magsasama. Siya yung palagi mong
kasama sa inuman, kalokohan, at kung ano ano pang trip na iyong naiisip sa
lupa. Siya ang may kasalanan sa mga INC at 5 na nakuha mo. Ito yung kaibigan
nakasama mo kahit saan na nakakasawa na nga.
Ito yung mapapasabi ka na, “Ikaw nanaman!”, sabay roll eyes. Yung
kaibigan na binigyan mo ng love advice
at sa halip na magkabalikan sila ng girlfriend nito ay nakabuntis ng ibang
babae. Siya yung agad agad na lang matutumba sa mesa dahil sa labis na
kalasingan. Bilanggo din sa beer. Siya yung
kaibigan mo na palaging may 500 pesos na
inilalabas ang ATM para lang sa inuman. Siya yung pinagdudhan mo kung may crush
ito sayo dahil palagi kang hinahanap. At ngayong nasa impyernio ka na, tama nga ang iyong hianala, bading si Vergel.
Pero sabagay, kung nasa impyerno ka naman
lang, mabuti na rin nandun si Birhel, nakatawa kasama sa mesa si Manong,
Raziel, Hudas, Satanas, Satan Jr., at San Pedro, sabay sisigaw sayo, “Oi Pare!
Tagay!.”
Di
kaya isang tropa lang sila mga demonyo,
San Pedro at ang Diyos
Tinatagayan lang ni Hudas si Satanas,San Pedro at ang Diyos
At aTing Diyos aMa.
PS: Ito ay puro kasiyahan lamang.
Kuwentong kalye. Kung itinatanong mo kung saan napunta si Michael Jackson matapos
tumakas ay napunta siya sa Walang Hanggan. Kung itinatanong mo kung saan ito ay
di ko maaring ilahad. Makipag-inuman ka na lang kay Raziel dahil siya naman ang
nagtatago ng “Book of Secrets”. Ang paniniwala ay nasa sa iyo lang. Di dahil
may nabasa ka nang ganito ay magpapa-apekto ka na. At kung nagtatananong ka kung bakit wala dito yung mga Politicians, di na kasi sila dumadaan sa impyerno, direcho na sila sa Walang Hanggan.
Yours
Truly,
Satan
Jr.
Pwedeng mahingi number ni Birhel? :*
ReplyDeletePAKYU YAWA KA!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeleteSweet! :D Ikaw pala si Birhel? :*
Deletehahahahahahahahahaha! epic jr! epic! :D hands down. :D
ReplyDelete