College life. Kung may yugto man sa buhay
ng isang tao na hindi niya malilimutan, ito ang pagtungtung sa kolehiyo. Sa
likod ng lahat na kahirapan sa pag-aral, mga term papers na d matapos,
requirements na walang hanggan, exams na galing sa impyerno, at kung ano ano
pang gawain na naiisip ng mga prof ay di mo pa rin maipagkakaila na kahit papano
masaya at naging makulay ito. Dahil sa
buhay kolehiyo . . . . .
.
. . kahit ikaw pa ang may
pinakamalapit na dorm sa skul, ikaw ang palaging nahuhuli at late sa klase.
.
. . masarap mabigyan ng mas
malaking allowance na nauuubos mo kaagad mg isang araw.
.
. . nung first year ka, hindi
lahat ng sumisipot sa klase at umupo sa teachers table ay mga prof o instructor
mo.
.
. . at di lahat ng seatmate mo ay
kaklase mo. Kaya mag-ngat ingat sa sabihin dahil baka prof mo na nagpapanggap
na estudyante ang sinabihan mong, “Narinig ko boring daw ang klaseng ito.”
.
. . masyadong mahaba ang pila sa
cashier. Kahit lunch break na, nakapila ka pa rin.
.
. . na huwag kumuha ng 7am klases, halos 90
percent ng sem late ka.
.
. . late din ang prof mo.
. . . napakaterror ng ibang prof, na di mo alam na kung saang parte ng impyerno nanggaling ito.
.
. . may subject na kahit di ka
pumasok ay pasado ka pa rin.
.
. . hindi palaging incomplete ang
ibig sabihin ng INC.
.
. . kahit gaano pa kaperperpekto
ang una mong draft para sa thesis, draft pa rin ito at for revision.
.
. . may mga genuises sa klase, na kahit di ito
mag-aral ay papasa pa rin ito sa exam.
.
. . may mga napaka-genius din sa klase, politiko o
kilala ang magulang.
.
. . na makakuha ng sinko ay di pa
naman katapusan ng mundo.
.
. . ang group study ay hindi
naman talaga group study.
.
. . sa pagpapaenrol, sa halip na pumila buong araw
ay mag-DOTA ka muna or maglaro ng anong kompyuter games buong maghapon at bumalik na lang
pag-alas 4 dahil hindi na mahaba ang pila.
.
. . ang mga overnight at walang tulugan na
projects ay puro lang tulugan.
.
. . ang inspirasyon para sa isang magandang output
para sa essay ay lumalabas lang pag ilang minuto na lang para deadline.
.
. . hindi naman talaga binabasa ng ilang prof ang
out put mo.
.
. . yung kaklase mo na pina-xerox lang yung project
mo ay mas malaki pa ang na gradong nakuha kaysa sayo.
.
. . yung mga short quiz ay hindi naman rinerecord
talaga ng mga prof at dumidiritsu lang minsan sa basurahan.
.
. . you must turn-off your cellphone before bago
mag-exam kung ayaw mong i-crumple ng
prof mo yung test paper mo.
.
. . pag-exam malalaman mo pala na marami pala
kayong magklasmates sa isang subject. Yung iba kasi alternate lang pumapasok.
.
. . ayus palang magreport ng lasing.
.
. . ayus din magtake ng exam
paglasing.
.
. . masarap ang redhorse.
. . . deads
ka sa una mong hang-over. May bonus pang allergy. Ngunit himala rin na
makakapasok ka sa klase. Dun na kung veterano ka ng uminom palagi ka ng absent.
.
. . mali pala ang klasrum na napasukan mo dahil
lasing ka.
.
. . puedeng itago sa C2 na bote ang empe light.
.
. . makikilala mo ang tunay mong
barkada.
.
. . may makakasilamuha ka hirap
at saya.
.
. . di lang ikaw ang nag-iisang
INC o nahulog.
.
. . bawat pagkabigo ay mayroon pa
ring pag-asa.
.
. . di mamatawaran ang experience
na makukuha mo sa pagpasok eskwela.
.
. . masaya tumambay sa unibersidad.
.
. . natuto ka kahit tamad kang
mag-aral.
.
. . sa hirap ng mga gawain,
projects, exams at sa dami ng reklamo mo, nalalaman mo sa huli at di mo
maipagkakaila na may natutunan ka.
.
. . mamimiss mo rin ito pag
graduate mo.
.
. . malalaman mo na di
matatawaran ang alaalang ibinigay sa iyo dito.
Bawat bata, kahit sino may karapatang
makapag-aral. Maranasan ang mga bagay-bagay na sa pagtungtung lamang sa
kolehiyo malalaman kung ano pakiramdam na nito. Makita na masaya naman pala
ito. Lahat tayo may karapatan sa edukasyon. Ngunit sa nangyayari sa bansa
natin, palaki ng palaki ang gastusin para sa panmatrikula. Maraming mga
kabataan ang hindi nakakatuntung sa kolehiyo. Di nakakapagtapos dahil walang
maipag-aral. Puno ng bayarin sa paaralan.
Pinipigilan makapag-enrol dahil sa utang.
Sa mga
unibersidad na sana abot-kaya ang panmatrikula ay patuloy na tumataas ang mga
bayarin. Sa dating unibersidad na panmasa, na para sana sa may mga talento at
natatanging kaalaman upang gawing scholar na ngayo’y nagiging paaralan na ng
mga mayayaman. Nasaan na ang unibersidad
na ginawa ayon sa Konstitusyon, to guarantees the right of every
Filipino youth to quality and affordable education? Hanggang kailan pa ba magbubulagbulagan ang
ating gobyerno? Ilang buhay pa ba ang kailangan ibuwis para lamang pansisinin
nila ito?
Everyone has the right to education.
Everyone has the right to feel the life of being a college student.
EDUCATION IS NOT A PRIVILEGE.
PS: Ang post na ito ay para kay Kristel
(Tejada), na sa kanyang kagustuhang makapa-aral ay nagpursige ngunit dahil sa isang
bulok na sistema ay nabawian ng buhay. May you rest in peace.
No comments:
Post a Comment