Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Wednesday, May 8, 2013

Grad Wait?



Ano ang pakiramdam ngayong nakagradweyt ka na? Napakasimple naman ng tanong pero mahirap sagutin ng malalim at yung pa-deep talaga. Yung kadalasan naiisagot lang natin ay masaya tayo dahil natapos na rin ang ilang taong sakripisyo at paghihirap sa kolehiyo.

Wala ng 7 am classes.  Matatapos na ang ilang taong puyatan dahil sa matitinding exams at malademonyong papers. Matatapos na rin ang pagpasok sa terror mong prof na sa di maipaliwanang na dahilan ay apat na taon kang naging estudyante niya.  Bye bye na rin pancit canton diet at cup noodles na siyang bumuhay sayo sa panahon na nagugutom ka. Di mo na rin kailangang magtago sa landlord o landlady mo dahil wala ka pa ng pambayad sa bhaus mo.

Maitatapon mo na rin ang tambak na xerox copies na siyang bumubuo ng 50 percent ng higaan mo. Kung malayo ang tinutuluyan mo sa College ay wala na ang nakakapagod na byahe at pakikipag-agawan ng masasakyan.

Magpapaalam ka na rin sa tindahan ni Aling kung-ano kung saan palagi kang nakatambay at bumibili ng softdrinks. Di ka na rin pupunta sa library para makatulog.  Di mo na makikita ang mga familiar faces na siya mong araw araw nakakatagpo at nakangingitian sa skul. Di mo na magiging kaklas ang crush mo. Di na magiging madalas ang inuman at katuwaan.

Ngayong gradweyt ka na, sa simula masaya ngunit darating din sa punto lalo na kung June na mamimiss mo ang kolehiyo. Dati ang comportable mong mundo sa loob ng unibersidad ay biglang lumawak at nagiging puno ng pangamba.  Saan tayo pupunta ngayon? Buti pa noon may dirksyon yung araw mo, ngayon puno ng uncertainities dahil di mo alam kung saan ka tutungo at  pupunta. Nagiging marami ang iyong tanong tungkol sa trabaho at buhay. Di magtatagal mamimiss mo ang iyong classroom kung saan araw araw nakikita mong nakangiti ang iyong mga kaibigan.

Kaya naman siguro katulad ng komix strip sa itaas kung tanungin man tayo kung ano ang pakiramdam ngayong gradwyet ka na, okay lang magpanic at sumagot ng “ahhhhhhhhhhhhhhhhh”. Dahil ang salitang yun ay sapat na para maipalabas ang iyong nararamdaman ngayon.



PS: Ang komix strip na iyon ay gawa ni Manix Abrera, author ng Kikomachine. Salamat sa mga gawa niya na paborito ko talaga at di nabibigong patawanin ako.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...