Sa mga nagbabasa sa aking blog, madalas
lumabas ang dakilang extra na si Birhel. Isa siya sa mga constant characters na
biglang sumisipot sa aking mga storya. Sino nga ba si Birhel?
Gaya ng sabi ko dati isang siyang tunay na tao, itinago ko lang sa Birhel ang pangalan niya para di niyo
makilala at malayong malayo talaga ito sa tunay niya pangalan. (Madalas siya
magcomment sa blog ko.) Hiningi ko naman ang pirmiso niya para magamit ang
pangalan niya kaya di yun magagalit sa akin. O siya siya, simulan na natin ang pagpakilala sa kanya.
Si Birhel sa kuwentong Unang Tikim |
Si Birhel ay unang lumabas sa kuwentong
kalye na Unang Tikim kung saan siya ang main character. Siya yung lalaking
naghahanap ng lugar sa malawak na lipunan. Nag-aasam maranasan ang unag tikim.
Sa storya dito ay isa siyang banatero na napaka-corny at mistulang galing sa
impyerno ang mga punchline niya. Dahil dito ay wala siyang nagiging kaibigan.
Dahil sa super corny jokes niya ay walang lumalapit na sa kanya at naiiwang
mag-isa. Inilagay sa mejo na kwela na pagsasalaysay ang buhay ni Birhel dito
pero kung titingnan natin ay marami rin ang tulad sa kanya. Mga batang nag-iisa
at walang tunay na kaibigan sa high school hanggang kolehiyo. Mga batang
iniiwasan dahil medyo weirdo pero sa totoo ay naghahanap lang naman ng paraan
para magkaroon ng kaibigan. Pinipilit sagutin ang katanungan kung bakit sila
nag-iisa. Korni kung bumanat ngunit sa totoo ay gusto lang makipagkaibigan.
Nang mabasa niyo ang last part ng Unang Tikim siguro napatanong kayo kung
ano na ang nangyari sa kanya matapos niya madiskubre ang kaligayahan sa beer. Dito sumunod yung storya nung Cheers kung saan isa siyang extra.
Naging may-ari siya ng isang bar kung saan tambayan ng main character na si
Kresta. Makikita nanaman natin ang isang katauhan ni Birhel dito. Kung tatanungin
mo ang mga lalaki, isa sa mga pangarap nila ang magkaroon ng bar. Kung makikita
niyo sa survey na ginawa ni Satanas, “Gusto kong magtayo ng BAR.” ang isa sa
mga popular na gusto ng mga lalaki na hindi kadalasan natutupad. Pangarap ng
totoong Birhel na magtayo ng isang bar. Kung matupad na ito ay kaagad ko
ipopost dito.
Si Kresta at ang Barkada sa Kuwentong Cheers. Nandoon ang Extrang si Birhel sa gilid. |
Nang maghiwalay si Maya at Alea sa
kuwentong Manga: Kuwento ng PusongNapagod, ay napadpad sa BAR ni Birhel si Maya. Halos araw-araw siyang
nandito, umiinom at nagpapalipas ng gabi. Pilit nililimot ang masaklap na
nangyari. Dahil naging regular na si Maya sa lugar ni Birhel ay napansin niya
ito at sila ay naging matalik na magkaibigan. Sa kanya binuhos ni Maya lahat
ang kanyang nararamdaman at pagkabigo sa buhay. Si Birhel naman ay palaging
nandiyan, nakikinig at nagbibigay ng mga payo. Ibinigay niya kay Maya ang
simpatya at pag-intindi na hinihingi nito. Ang pangangailangan ng makakasama sa
mg panahon na iyon.
Birhel, Maya, at Alea (habang hinahawakan ni Alea ang "Manga" ni Maya) |
Sa araw-araw nilang pagsasama ay di nila
mapigilan ang paglabas ng kanilang mga “feelings” sa isa’t-isa at yung pagiging
magkaibigan ay naging magka-ibigan na pala. (AMPOWTEK). Sa huli ay natagpuan
natin ang ating dakilang extra sa impyerno kasama ni Satan Jr at San Pedro na
nakikipag-inuman.
Satan Jr., Birhel, at San Pedro |
Sino si Birhel? Iba’t-ibang personalidad
sa iba’t-ibang storya ngunit sa huli ay makikita natin na iisa lamang siya.
Siya ay isang kaibigan na mahilig bumanat ng mga jokes at kahit puno ng
kakornihan ay napapapatawa tayo. Isang kasama na maari mong tawagan at
makakuwentuhan kung may problema ka, katulad ng bar niya na palaging bukas para sa naghahanap ka ng makakasama.
Handang magbigay ng payo kung kinakailangan.
Sino si Birhel? Ewan ko kung bading na nga
ba ito pero siya yung kaibigan mong mahilig sa inuman. Sasamahan ka hanggang sa
dulo ng mundo makahanap lang ng tindahan na mapagbibilihan ng alak. Hebigat sa
kuwentuhan at kahit magdamagan na laklakan ay okay lang sa kanya. Di rin
maarte, kalsada man o sa dalampasigan puedeng puede higaan. Di ka iiwan hanggat
may beer sa mesa. Mag-iingat ingat lang baka ma-“this guy is inlove with you
pare” ka.
Sino si Birhel? Yung kaibigang kasama sama
mo palagi. Yung di mo malimutan. Kakuwentuhan sa lahat ng kalokohan. Pakikinggan
ka at umiintindi. Nandiyan para sa mga payong weird ngunit may nilalaman. Si
Birhel. Isang tunay na kaibigan. =D
PS: Ang post naito ay ginawa ko pa noong
abril ngunit dahil summer ay ngayon ko lang natapos. Para ito sa kaibigan kong
si Birhel na nagdiwang ng kanyang
35th birthday noong April 29. Happy Birthday Pare. Sana magustuhan mo ang true
story mong kuwento. Buksan na natin ang beer at ialay sa mga diyos ang unang
tagay! Oo nga pala, para sa mga sumusubaybay ay hiwalay na pala si Birhel at
Maya. For further details ay abangan nalang natin ang sunod na kuwento.
Salamat!!!
No comments:
Post a Comment