"I just wanna be on the beach!" (Sorry brad, ibang sunburn to. For more details, basahin na lang natin yung kuwento.)
Pasukan nanaman. Sigurado sa first day of classes ay uuso
nanaman ang mga estudyanteng pumapasok na mejo reddish-brown ang skin. Oo mga
brad at sis, balinkinitan ang mga kulay ng mga estudyante sa simula ng pasukan na
kung tawagan natin ay “SUNBURN”. Pero bago pa magkaroon ng di pagkakaunawaan,
hindi to yung sunburn na nakuha mo dahil nasa beach ka ng buong summer. Ito
yung sunburn na nakuha mo dahil sa kakapila mo para sa enrolment.
Tuwing simula ng klase sa kolehiyo di talaga mawawala ang
tanawing ito, mga estudyante, pawis na pawis sa kapipila na tila di gumagalaw
at for eternity na nandiyan. Sa mga pilang ito nakukuha natin ang sunburn na
natin na sigurado nth degree na ang pagkasunug ng skin. Nasusubok din ang
standing powers mo na sa buong araw ay nakatayo ka lang sa kapipila. Sigurado lahat tayo naka-experience na ng ganito.
Alam mo yung
- 8 am akala mo maaga pa para sa pila pero pagpunta mo
sa skul ay hanggang gate na pala.
- tapos sa next day pupunta ka alas sais pa lang pero
pagpunta mo hanggang gate pa rin ang pila.
- matutunan mo yung teknik na maglalabay ka ng puestong reserve
para masecure mo yung lugar mo.
- pagbalik mo bukas nasa gate ka pa rin, alamat lang pala
yung reserve na iyan.
- na 4am pa lang pala ay may pumipila na.
- na di maniwala sa lunch break dahil sigurado pagbalik mo
wala na ang iyong puesto.
- na ikaw na yung sunod tapos close na, bukas na lang daw.
- ikaw na yung eentertain, tapos nakalimutan mo yung form mo
sa bahay.
- tapos ganito rin nangyari sa cashier
- na number 3 ka na sa linya ngunit feeling mo ten years pa
rin sa tagal.
- na isang oras ka na nasa puesto mo at di umuusad yung
pila.
- na marami palang “insiders” sa pila, yung basta basta na
lang sumisingit. Pakunyari nakiki-usap sa mga kaibigang nakapila tapos unti
unti lumalapit and before you know it nakapila na pala.
- eto rin yung noong umaga number 104 ka, tapos mag sasara
na 104 ka pa rin.
Nakakapagod at napakahaba ng mga pila tuwing enrolment, and
no doubt yung skin mo na di mabilad ay siguradong may sunburn na. Nakakatamad sa marami ang pagpila.
Nakakabuwiset at nakakasira minsan ng araw. Pero kahit naman ganito ay may
konting kasiyahan naman.
-kahit di ka na magbeach may libreng sunburn ka na.
- masaya ang pila pagkatabi mo ang barkada, isang summer din kayong di nagkita. Walang katapusang kuwentuhan at tawanan.
- kompleto yung tropa. magdadala lang ng gitara ay ayus
na. Matapos yung mahabang pila na di umuusad, sa gabi ay inuman muna.
- marami ka ring nakikilalang kaibigan dito.
- puede din kayong mag “shagidi shagidi shapupu.”
Siguro ano sinadyang nagiging ganito na rin ang pila, mahaba
at mabagal para magkaroon ng panahon magcatch-up ang mga barkada at magkatuwaan
bago magsimula nanaman ang kalbaryo sa klase. Parte na rin ito nung sinasabi
nating making memories habang nasa college. Dahil sigurado, yung enrolment ay
isa sa mga bagay na di natin malilimutan kung kolehiyo ang pinag-uusapan.
No comments:
Post a Comment