“We were prepared.”
Sinisisi ang mga lokal na pamahalaan na sila
ang dahilan kung bakit nagkagulo.
Sinisis
ang mga lokal na pamahalaan dahil hindi kaagad nakipag-communicate sa kanila
kung gaano kalala ang problema.
Sinisisi
ang mga lokal na pamahalaan na hindi daw magampanan ang tungkulin.
Sinisisi
ang lokal na pamahalaan na mga biktima din ng bagyo. Mga nawalan din ng bahay,
nawalan ng kamag-anak at kaibigan. Wala ding makain.
“We were
prepared.” Sabi mo pero bakit kailangan pang maghintay ng ilang araw bago
umabot ang mga relief goods.
Ilang
araw bago mo ipadala ang mga sundalo.
Ilang
araw bago nagsi-abutan ang mga pagkain at damit.
Buti pa
ang foreign aid, kaagad tumulong. Sila kaagad nagpadala ng mga taong tutulong
sa mga nasalanta ng bagyo.
Isipin
mo, ang layo nila pero halos mauna pa sila sa pagtulong sa atin.
Pero yung
talagang di namin nagustuhan eh yung nagiging mapagmataas ka pa. Ayaw mong
tumanggap ng kritisismo sa iyong pamamalakad. Sa iyong pagresponde sa dumating
na trahedya. Di mo matanggap ang mga pagkakamali at pagkukulang. Isa kang
“public figure”, normal lang na maraming magsasabi o magbibigay opinyon sa
iyong pagmamalakad, parte ng trabaho mo yan. Walang perpektong tao sa mundo,
pero kung naging mapagkumbaba ka lang ay maiintindihan naman ng maraming tao. Ang
takot na tumanggap ng ano mang kritisismo at mismong takot na tanggapin na
totoo naman ito ay isa sa pinakamalaki mong kahinaan.
At siya
nga pala, yung bilyong bilyong donasyon,
sana di mauwi sa wala.Yung nababalitaan lang namin yung maraming perang
natatanggap pero yung nagagamit para sa mga biktima, wala. Release ng release
daw ng pera pero yung totoo sariling sikap naman ang ginagawa ng mga tao para maitaguyod nila ulit ang mga sarili
nila.
No comments:
Post a Comment