Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Tuesday, March 25, 2014

Refvcked


Alam mo ba yung pakiramdam na akala mo tinutulungan ka pero yung pala pinagsasamantalahan ka lang pala? Man, you’ve just been fvcked!

Sa kasagsagan ng napakalaking trahedya na naganap dito sa ating bansa  ay nagsilabasan ang napakaraming isyu na tumutukoy sa kakayanan ng pamahalaan at mga anomalya na pilit nilang tinatakpan.

Hindi ako sigurado dito, kaya kung ano man ang isinulat ko dito ay lahat opinyon at pawang allegasyon lang sa mga nabasa ko. 

Sa panahon na marami ang gustong tumulong ay naging panahon din ng maraming naging mapagsamantala. Oppurtunista. Extortionista.

Nang mabalitaan namin ang tungkol sa mga rinerepack na relief goods. Yung mga relief goods na galing sa ibang bansa. Yung tulong at donasyon, foreign aid, na para sa mga biktima.

Ireniport ng mga volunteers ang sinasabing anomalya. Na yung mga relief goods daw na galing sa ibang bansa ay renirepack, kinukuha yung mga items na  maganda  ang kalidad at pinapalitan ng iba. Itinatago daw ito at hindi na isinasali sa mga ipinamimigay.

“Kasinungalingan!” sigaw ng ahensya. We do not repack the relief goods sabi ng pinuno. “Inirere-label” lang daw. Binubuksan lang daw nila, tinitingnan kung may mababasag o expired na mga goods. Tapos isine-“separate” lang daw nila. Hindi daw sila nagrere-repack .

 Kung ganon hindi pala pagrepack yung pagbukas ng mga goods na donasyon ng ibang bansa at, oo nga importante to’, READY FOR DISTRIBUTION na nga ang mga ito. Kung binubuksan nila ito at kinukuha ang ilan, di ba ito repacking?

At tingnan mo nga naman ready for distribution na para sa mga biktima. Sa tingin niyo ba maglalagay ng expired goods ang mga ito? Sa tingin nyo ba di din nila ito idinaan sa repacking protocol sa kanila? Sa tingin niyo lalagyan nila ito ng lason? 

Yung mga bigas, langis, kotse na ini-smuggle hindi niyo inuusisa o binubuksan yung mga carrier nito pero yung mga relief goods na sana diretso sa mga biktima at kailangan na kailangan ay siya pang pinagtutuunan niyo ng “inspection.”

Insulto ito para sa mga banyagang nais lamang tumulong. Parang sinasabi na hindi ligtas ang ipnadadala niyo. And my goodness nga naman talaga, magpapadala nga ba sila ng expired goods?

Kaya nga disappointed na disappointed ang maraming foreign missionaries and aids na pumunta dito. Disappointed as gobyerno, sa sistema, lalong lalo na sa nangyayari sa tulong na kanilang ipinadala. Kaya nga ngayon binabantayan ang bansa natin kung ano ang ginagawa ng national government sa bilyong bilyong donasyon.

Natanong ko ang kaibigan kong galing sa GuiuanEastern Samar), isa sa mga lugar na grabeng nasalanta ng bagyo, “Padi, pamati ko damu an relief goods ha iyo, damu an tikang han iba nga bansa, damu an nagpakuha spam?“ (Pare balita lo maraming relief goods sa inyo, yung mga galing sa ibang bansa, madami bang nakakuha ng spam) 

Yung sagot niya, yung sagot ng mga tao doon, “Ano nga spam? Wara hit inabot, puro salmon.” (Anong spam? Walang ganyang umabot sa amin. Lahat salmon.) 

Nasaan na ang mga de kaledad na de lata na ipinamigay ng ibang bansa na hindi naman umabot. Lahat sinasabi  na puro salmon lang o kaya corned beef na gawa sa atin ang dumaing sa kanila. Hindi naman sasabihin ng gobyerno na wala daw “SPAM” dahil sabi ng mga foreign aid at mismong concerned citizens sa US at ibang bansa na nagpadala sila ng  mga goods na ganito. Ang tanong nasaan na ito?

Sabi pa nga ng mga biktima na nakakapagtaka daw yung mga bag na puro mga galing sa ibang bansa ang label pero yung mga pagkain sa loob ay produktong galing dito. Di ba pinalitan?

Hanggang ngayon ay deny nang deny pa sila na may nangyaring ganito. Pero ang totoo sa panahong sinasabing nangyayari ang anomalyang ito ay pinagbabawal nila ang pagvivideo ng prosesso ng packing. Naitago na din nila lahat ng kailangang maitago ng ang medya na ang magsiyasat.

Kawawa naman ang mga volunteers, sila na nga ang libreng tumutuong ay ginagamit pa sila ng ahensya para sa katiwalian. Nang mayroong magsalita sa kanilang ginagawa ay siya pang ipinapahiya.

Di ko lang maintindihan ang mga taong ito. Na sa mismo pa sa panahon na naghihirap ang bansa. Na nangangailangan ng tulong. Sa panahon na sana awa at pagmamalasakit ang nasa puso at isip nila. Na ang pagtulong sana ang kanilang inaatupag. Na kahit papaano, kahit sa isang panyayari lang ay mawala muna ang pagiging makasarili kundi isipin ang pagtulong sa lahat ay nagagawa pa nila ito.

There is no compassion for the victims coming from this people. Selfishness is what is in their hearts. Sad to say for the many YOLANDA VICTIMS, but you’ve just been FVCKED!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...