1. Relief goods. Kailangan mo pa bang
maghintay na dumaan muna ang kalamidad bago ka maghanda? Kung alam ng gobyerno
na super typhooon pala yung dadaan eh
bakit di sila kaagad ng imbak ng
maraming relief goods para sa mga posibleng magiging biktima. Dapat sana
inilagay nila ito sa lugar na malapit sa mga maapektuhan. Siguro naman yung
PAGASA may kakayanan na kahit papaano makapagpredict kung saan papatungo yung bagyo.
Bakit? Natatakot kayo na baka hindi maging
grabe yung bagyo at nagsayang kayo ng
pondo para sa relief goods at ilan pang gastusin para sa paghahanda? Takot
kayong mabawasan ang pondo na para naman talaga sa bayan?
Eh ano naman
kung hindi nga grabe yung bagyo? Eh di ipamigay niyo yung mga relief
good pa rin. Kakaiinin din lang naman yan ng mga tao. O ipamigaw sa mga orphan
houses, SOS, o sa mga DSWD centers. Marami ang nagugutum sa Pilipinas. Di
masasayang ang mga relief goods na yan.
Pero dahil nga gawa sa mga magagaling na tao
ang gobyerno natin, hinihintay muna yung bayo na dumating, tinitingnan muna
yung mga nasira, eestimate muna yung halaga ng damages. Kahit marami na ang di
makakain, huwag muna dahil di pa kami sigurado kung gaano kalaki yung nasira.
Kailangan mapin-point muna namin ang kailangan gastusin para hindi sobra yung
pondong magamit.
Takot kayong gumasto ng malaki para sa mga biktima?
2. Helicopters. Bakit kaya di naiisip
ng gobyerno ang mga helicopters. Sabi nila sira daw yung mga airport kaya di
makapadala ng relief goods. Eh di gumamit kayo ng mga helicopter. Kaya naman
nilang magdala ng relief goods di ba?
Huwag niyong sabihin hindi rin kaya ng mga
helicopters na makapwesto dahil wala ring airport.
Alam niyo kug bakit pinili ng mga sundalo sa
buong mundo ang mga helicopter sa pagdadala ng mga tropa nila? Dahil sa
kakayanan nitong makapwesto kahit sa mga komplikadong lugar.
At naku naman, huwag niyong idahilan na wala
tayong mga helicopter. Ilan ba ang mga presidential choppers na yan? Di ba
puwedeng gamitin dahil para sa presidente lang yan? Marami ang nagugutum sa
panahon na iyon.
Oh? Walang budget para sa gasolina? O sadyang hindi lang kayo nag-isip
ng maganda. 3.Chartered Ships. Eto pa yung paborito ko, nadedelay daw
yung mga truck na nagdadala ng relief goods dahil dalawang barko lang yung
umaandar sa may Matnog (yung lugar kung saan nagkokonekta yung Samar at Luzon).
Wala bang pondo ang gobyerno na kaagad magagamit para makacharter ng ilang
barko para mapadali ang pagdaan ng mga truck? May calamity fund naman ata.
Parang ilang linggo pa bago maiisip ng gobyerno na gawin ito.
4.Super Typhoon. Ilang beses na ba tayong dinaanan ng bagyo? Sa pagkakatanda ko, madalas sabihin ng mga titser ko sa highschool na 20 na bagyo ang dumadaan sa Pilipinas taon taon.
Nakakapagtaka hindi ba? Na kung sino pa yung
madalas daanan ng bagyo ay siya pang hindi handa. Dapat nga ngayon mayroon ng
batas ang gobyerno o standard set of rules na dapat ginagawa sa mga panahong
nagiging ganito. DAPAT NGA WE ARE ABSOLUTELY PREPARED for something like this
dahil nga madalas tayong daanan ng bagyo. Based on experience dapat tayo ang bansa
na prepared in surviving storms.
Kung sa Japan mayroon na silang program at
standard set of procedures kung lumilindol, kung sa mga Northern Countries na
handa na para sa Hail Storms, o sa mga Equator Places na palaging pinaghahandaan
ang matagal na tag-uhaw. Di ba dapat tayo mayroon na din nito?
5. Storm Surge. Ito talaga ang nanpalaking pagkakamali. Kulang sa impormasyong ang mga lokal na pamahalaan kung ano yung paparating. Sabi lang sa nakatataas na magkakaroon ng storm surge. Walang konkretong pagpapaliwanag kung ano ba itong storm surge.
5. Storm Surge. Ito talaga ang nanpalaking pagkakamali. Kulang sa impormasyong ang mga lokal na pamahalaan kung ano yung paparating. Sabi lang sa nakatataas na magkakaroon ng storm surge. Walang konkretong pagpapaliwanag kung ano ba itong storm surge.
Kadalasan ay akala lang ng mga tao ay
napakamalakas na hangin. Sino nga ba naman ang mag-eexpect na ito pala ay
malakas na alon galing sa dagat. Kung sana noong isang araw pa bago dumating
ang bagyo ay pinuno niyo ang medya sa pagpapaliwanag kung ano itong storm
surge. Kaya niyo naman yan di ba?
O kaya sana TIDAL WAVE na lang ang ginamit niyo. Mas maiintindihan
pa ng nakakararami.
Marami pa sanang bagay ang dapat nagawa ng gobyerno para agad agad natulungan yung mga tao. Sa halip na magsisis ng magsisi.
No comments:
Post a Comment