Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Sunday, January 10, 2016

Disiplina: "Ma'am, pumila lang po tayo"

Ilang ulit ko nang naging topic dito sa aking blog ang tungkol sa disiplina. Madalas kong banggitin (kahit ako ay nahihirapan dito) na  disiplina ang kailangan para umunlad ang ating bayan. Naalala ko lang, dahil sa kuwento tungkol sa aking kaibigan.

Isa sa pinaka-ayaw natin pagdating sa gobyerno o ano pa mang gawain ay ang pag-pila. Oo, ang lintik na pila. Pero dito sa bansa ay parang bahagi na ng ating kultura ang pag-pila. Ang oras natin ay halos nauubos dahil sa pag-pila sa pagbayad, sa pagsakay, sa trapiko, at ano-ano pa. Kahit anong gawin ng gobyerno na guidelines para maibsan at mapadali ito ay pumapalpak. Bakit? Dahil tayo mismong mga pumipila ang matitigas ang ulo. Walang disiplina. Lahat gusto mauna, marami ang sumisingit, yan tuloy marami ang nahihirapan.

Ang kuwentong ito ay tungkol sa kaibigan kong naging presidente ng kanilang Student Council sa kolehiyo. Ang katangi tangi talaga sa taong ito ay ang kagustuhan niyang tumulong.

Magpapasukan nanaman noon, siyempre enrollment. At kung enrollment, nandiyan ang mahabang pila sa cashier, maliban na lang sa ibang pang office kung saan nag-eenlist nang subjects ang estudyante. Pero sa lahat ng pila, wala talagang tatalo sa may cashier. Kahit maaga ka pang pumunta sa paaralan, lagi nang may mauuna sa'yo. Ang masaklap pa, masyadong mahaba na ang pila.

Bilang presidente ng paaralan ay gumawa ng guidelines ang Student Council kung paano maiiwasan ang mga sumisingit at maging maganda ang daloy nito para kahit papaano maging maayos at maging patas ang lahat.

Pero alam naman nating malabo ito, dahil marami pa rin ang pasaway, mga sumisingit at ayaw makinig. Subalit dahil na rin sa pagpupursigi ng Student Council bilang isang grupo at pagkakaisa ng mga estudyanteng gusto ng patas na pagpila ay naayos din nila ito. Problem solved?

Of course hindi, dahil may mas malalang problema. Dahil yung mismong sumisingit na ay mga opisyal ng paaralan, mga guro, at mga kilalang tao na ituring mga VIP. Siyempre, feeling nila mas mahalaga sila kaysa mga estudyante kaya may mga pribilehiyo sila, at isa na dun ang kaagad makakabayad sa cashier kahit kakarating lang nila at maghapon ng nakapila at gutom ang mga estudyante. Nakakatawa nga, sila yung feeling privileged, eh yung bumubuhay sa kanila galing sa tuition na ibinabayad ng mga estudyante.

Walang magawa ang ilang miyembro nang Student Council dito, di nila kayang mapagsabihan ang mga Prof at Admin personnel dahil sa takot na mapagalitan. Dahil kahit tama sila, di naman papatalo ang mga "matatanda". Yung mga estudyanteng pumipila kahit bakas sa mukha pagkainis, wala ring imik. Paano kung sa kanilang klase sila balikan ng mga sumisingit na professors? Paano kung ipatawag sila sa admin? Walang imik na lang, dahil sa paaralan, power struggle pa rin.

At sa di inaasahan ng lahat, lumapit yung kaibigan ko sa bagong sumisingit nanaman na "titser" sa pagbayad. Sabi niya, "Ma'am, kung puwede pumila lang po kayo. May pila naman. Nakakahiya sa mga estudyanteng kanina pa naghihintay." Walang imik ang lahat, tumahimik. Akala ng marami ay magagalit yung titser. Pero bigla na lang itong umalis, nakaramdam din ng hiya. Pagkatapos nito ay nagpalakpakan lahat ng estudyanteng nakapila. ngumingiti sa kaibigan ko. Hindi daw sila nagkamali sa pagpili sa kanya bilang leader.

Nakakatuwa ano? Kaya naman pala. Bilib talaga ako sa kaibigan ko. Nagawa niya yun. Siguro kailangan lang natin bawat Pilipino ng mga katulad niya. yung magsabi na "konting disiplina naman dude". Kung sisimulan natin sa mga simpleng bagay, sigurado gaganda rin ang ating mga buhay. =D

Pinoy Social Media

Many of us Filipinos are into social media. Hell, we were dubbed as the "Facebook capital" and had been setting records on Twitter for hashtags or being always in the top ten trending topics. However, this enthusiasm of ours to have our feeling or opinion expressed sometimes turns into a disaster. A disaster known as "katangahan". My good readers, please enjoy some of the most hilarious Pinoy social media bloopers I've had ever read or seen! =D


oh yeah!

I love the sentiment, pero tingin ko mas dadami lang ang krimen kung ipatupad
ang "little injection" 

Nice!


"Down" of the Apes was already hilarious, dagdagan pa ng "Bucy". 

sarap talaga nang trip nito . . . .





This is a hell of a post!!! Sulong mga kapatid!

Pwede na palang tumira sa ngipin ngayon


Indeed!


"importantest"

Oh yeah! 

I think patas lang yung words at actions. Nakakatawa kasi  tong "words"
 mo  at lalo na itong ginawa mo.


No comment.

Oo nga te, isipin mo nalang kung naging lalaki yan.

And this is the best one yet!

To my readers, good vibes lang tayo ha? =D This post is more to entertain rather than criticize people. Wala namang perpekto, lahat tayo nagkakamali. Let's just enjoy this amusing posts. =D

Tuesday, April 1, 2014

APRIL FOOLS SA PILIPINAS


Sa Pilipinas, halos araw araw naman April Fools Day. Palaging naloloko ang marami. Niloloko ang sambayanang Pilipino. 

Kung may prinsipyo man na sinusunod ang mga Politician natin ito ang mantra ng “APRIL FOOLS”. Isinapuso na nila ito kaya tuwing malapit ang eleksyon ay they are in the “state of april foolization”. 
Ibig sabihin handang handa na silang manloko ng tao na hindi sila mahahalata. Mga pangakong di naman nila tinutupad and why would they? Every day is an April Fools Day in Politician Time.

“Paglilingkuran ko ang sambayanang Pilipino. Hindi ako magnanakaw. Lalabanan ko  ang Graft at Corruption. Itataguyod ko ang malinis at tapat na pamahalaan. Lahat ay gagawin ko sa ika-uunlad ng bayan.” 

Ang sarap pakinggan, pero di naririnig ng mga Pinoy na sa katapusan ay may pahabol na “April Fools”.

Kaya tayong mga Pinoy, huwag na tayong umasa na matutupad pa ang mga pangakong binibitiwan nila. Linoloko lang nila tayo. Gaya ng sabi ko, Every day is an April Fools Day in Politician Time.

April Fools

Lalake: I love you!

Babae: I love you too!

Lalake: Loko lang, Happy April Fools. Hehehe.

Babae: Eh kahit naman di April Fools eh manloloko ka naman talaga. Liniloko mo lang ako ssa dami ng iyong babae. Pucha, manloloko! 

Ipinagdidiwang natin ang April Fools bilang araw ng kasiyahan, hindi panlilinlng kundi araw ng pagbibigay ng tawanan at kaligayan. Dahil sa araw na ito, hindi ang panloloko ang ating motibo kundi pasayahin ang ating kapwa.

Ngunit may mga bagay na dapat din nating pag-isipan bago natin i-apply ang salitang “April Fools”. Dahil gaya ng lalaki sa itaas, sa halip na tayo ay magbigay saya, ay siya pa nating ikapahamak.
Ito ang ilan sa mga bagay na dapat mo munang pag-isipan o kaya di gawin sa araw na ito.

“WILL YOU MARRY ME?”. Kung di ka naman tungak, bakit mo pinili ang araw na ito para magpropose, kung gusto mong masayang ang iyong effort at pagplaplano ay sige walang problema. Ituloy mo lang yan.  Kung hindi ay tingnan mong mabuti ang kalendaryo bago mo maisipang magpropose sa isang kasintahan. Maghintay ka na lang na mag-April 2 dahil di ito maniniwala sa iyo.

Yung isang version naman ay iyong ikaw mismo ang magjojoke ng “Will you marry me?” kasabay ng “April Fools”. Kung gusto mong maging single. Sige, nasa likod mo ko pre.

“MONTHSARRY”. Oo tol, isa itong unspoken rule. Huwag mong piliin ang araw na ito para maging kayo dahil ang relasyon niyo ay isa lamang panlilinlang at hindi totoo. But anyway, kung gusto mong makipagbreak, magandang rason naman ata ito.

“MANLILIBRE AKO!” Sabihin mo sa kaklase mo na manlilibre ka at sa dami ng order at nakain niyo busug na busug kayo. Pagdating ng bill kaagad kang sisigaw, “APRIL FOOLS!” Kung planado mo nang mag-isa habang buhay at live in solitude gawin mo ito. Pramis, hindi maganda ang kalalabasan nito.

Maapply din dito yung magtetext ka sa mga kaibigan mo ng inuman. Tapos pagmagkitakita na sila ay kaagad kang magsasabi na loko lang. 

“HINALIKAN KO ANG GIRLFRIEND MO.” Sabay ka sasaksakin. Yung lang end of story.

“DI AKO MAKAKAGRADUATE.” Ito yung pinakauso sa mga panahon ngayon. Minsan nagbibigay naman ito ng saya pero paano kung atakehin ang magulang mo dahil sa balitang ito. Masasabi mo pa bang April Fools?

“PAUTANG NAMAN.” Di ito tumatalab, yung uutang ka tapos sasabihin mong di ka magbabayad dahil sa April Fools mo naman ito inutang. Marami di ang nasaksak at namatay dahil dito. Word of advice na din lang, huwag kang magpapautang sa araw na ito.

“UUWI AKO.” Nangyari na sa akin ito. Talaga naman na uuwi ako pero dahil april fools, di naniwala. Kaya ayun pagdating sa bahay walang pagkain at walang tao.

"BUNTIS AKO." Eto yung nakakatawa, kung sabihan ka ng girlfriend mo na buntis siya o kaya naman di pa dumadating ang dalaw. Sigurado ako para kang shit na luluhod at mananalangin na sana joke lang ang lahat ng ito.




Tuesday, March 25, 2014

Refvcked


Alam mo ba yung pakiramdam na akala mo tinutulungan ka pero yung pala pinagsasamantalahan ka lang pala? Man, you’ve just been fvcked!

Sa kasagsagan ng napakalaking trahedya na naganap dito sa ating bansa  ay nagsilabasan ang napakaraming isyu na tumutukoy sa kakayanan ng pamahalaan at mga anomalya na pilit nilang tinatakpan.

Hindi ako sigurado dito, kaya kung ano man ang isinulat ko dito ay lahat opinyon at pawang allegasyon lang sa mga nabasa ko. 

Sa panahon na marami ang gustong tumulong ay naging panahon din ng maraming naging mapagsamantala. Oppurtunista. Extortionista.

Nang mabalitaan namin ang tungkol sa mga rinerepack na relief goods. Yung mga relief goods na galing sa ibang bansa. Yung tulong at donasyon, foreign aid, na para sa mga biktima.

Ireniport ng mga volunteers ang sinasabing anomalya. Na yung mga relief goods daw na galing sa ibang bansa ay renirepack, kinukuha yung mga items na  maganda  ang kalidad at pinapalitan ng iba. Itinatago daw ito at hindi na isinasali sa mga ipinamimigay.

“Kasinungalingan!” sigaw ng ahensya. We do not repack the relief goods sabi ng pinuno. “Inirere-label” lang daw. Binubuksan lang daw nila, tinitingnan kung may mababasag o expired na mga goods. Tapos isine-“separate” lang daw nila. Hindi daw sila nagrere-repack .

 Kung ganon hindi pala pagrepack yung pagbukas ng mga goods na donasyon ng ibang bansa at, oo nga importante to’, READY FOR DISTRIBUTION na nga ang mga ito. Kung binubuksan nila ito at kinukuha ang ilan, di ba ito repacking?

At tingnan mo nga naman ready for distribution na para sa mga biktima. Sa tingin niyo ba maglalagay ng expired goods ang mga ito? Sa tingin nyo ba di din nila ito idinaan sa repacking protocol sa kanila? Sa tingin niyo lalagyan nila ito ng lason? 

Yung mga bigas, langis, kotse na ini-smuggle hindi niyo inuusisa o binubuksan yung mga carrier nito pero yung mga relief goods na sana diretso sa mga biktima at kailangan na kailangan ay siya pang pinagtutuunan niyo ng “inspection.”

Insulto ito para sa mga banyagang nais lamang tumulong. Parang sinasabi na hindi ligtas ang ipnadadala niyo. And my goodness nga naman talaga, magpapadala nga ba sila ng expired goods?

Kaya nga disappointed na disappointed ang maraming foreign missionaries and aids na pumunta dito. Disappointed as gobyerno, sa sistema, lalong lalo na sa nangyayari sa tulong na kanilang ipinadala. Kaya nga ngayon binabantayan ang bansa natin kung ano ang ginagawa ng national government sa bilyong bilyong donasyon.

Natanong ko ang kaibigan kong galing sa GuiuanEastern Samar), isa sa mga lugar na grabeng nasalanta ng bagyo, “Padi, pamati ko damu an relief goods ha iyo, damu an tikang han iba nga bansa, damu an nagpakuha spam?“ (Pare balita lo maraming relief goods sa inyo, yung mga galing sa ibang bansa, madami bang nakakuha ng spam) 

Yung sagot niya, yung sagot ng mga tao doon, “Ano nga spam? Wara hit inabot, puro salmon.” (Anong spam? Walang ganyang umabot sa amin. Lahat salmon.) 

Nasaan na ang mga de kaledad na de lata na ipinamigay ng ibang bansa na hindi naman umabot. Lahat sinasabi  na puro salmon lang o kaya corned beef na gawa sa atin ang dumaing sa kanila. Hindi naman sasabihin ng gobyerno na wala daw “SPAM” dahil sabi ng mga foreign aid at mismong concerned citizens sa US at ibang bansa na nagpadala sila ng  mga goods na ganito. Ang tanong nasaan na ito?

Sabi pa nga ng mga biktima na nakakapagtaka daw yung mga bag na puro mga galing sa ibang bansa ang label pero yung mga pagkain sa loob ay produktong galing dito. Di ba pinalitan?

Hanggang ngayon ay deny nang deny pa sila na may nangyaring ganito. Pero ang totoo sa panahong sinasabing nangyayari ang anomalyang ito ay pinagbabawal nila ang pagvivideo ng prosesso ng packing. Naitago na din nila lahat ng kailangang maitago ng ang medya na ang magsiyasat.

Kawawa naman ang mga volunteers, sila na nga ang libreng tumutuong ay ginagamit pa sila ng ahensya para sa katiwalian. Nang mayroong magsalita sa kanilang ginagawa ay siya pang ipinapahiya.

Di ko lang maintindihan ang mga taong ito. Na sa mismo pa sa panahon na naghihirap ang bansa. Na nangangailangan ng tulong. Sa panahon na sana awa at pagmamalasakit ang nasa puso at isip nila. Na ang pagtulong sana ang kanilang inaatupag. Na kahit papaano, kahit sa isang panyayari lang ay mawala muna ang pagiging makasarili kundi isipin ang pagtulong sa lahat ay nagagawa pa nila ito.

There is no compassion for the victims coming from this people. Selfishness is what is in their hearts. Sad to say for the many YOLANDA VICTIMS, but you’ve just been FVCKED!

Friday, March 21, 2014

Limang Bagay na Dapat Sana Nagawa ng Gobyerno


1. Relief goods. Kailangan mo pa bang maghintay na dumaan muna ang kalamidad bago ka maghanda? Kung alam ng gobyerno na super typhooon pala yung dadaan eh  bakit di sila kaagad ng imbak  ng maraming relief goods para sa mga posibleng magiging biktima. Dapat sana inilagay nila ito sa lugar na malapit sa mga maapektuhan. Siguro naman yung PAGASA may kakayanan na kahit papaano makapagpredict kung saan papatungo yung bagyo.

Bakit? Natatakot kayo na baka hindi maging grabe yung bagyo at  nagsayang kayo ng pondo para sa relief goods at ilan pang gastusin para sa paghahanda? Takot kayong mabawasan ang pondo na para naman talaga sa bayan?

Eh ano naman  kung hindi nga grabe yung bagyo? Eh di ipamigay niyo yung mga relief good pa rin. Kakaiinin din lang naman yan ng mga tao. O ipamigaw sa mga orphan houses, SOS, o sa mga DSWD centers. Marami ang nagugutum sa Pilipinas. Di masasayang ang mga relief goods na yan.

Pero dahil nga gawa sa mga magagaling na tao ang gobyerno natin, hinihintay muna yung bayo na dumating, tinitingnan muna yung mga nasira, eestimate muna yung halaga ng damages. Kahit marami na ang di makakain, huwag muna dahil di pa kami sigurado kung gaano kalaki yung nasira. Kailangan mapin-point muna namin ang kailangan gastusin para hindi sobra yung pondong magamit.

Takot kayong gumasto ng malaki para sa mga biktima?

 2. Helicopters. Bakit kaya di naiisip ng gobyerno ang mga helicopters. Sabi nila sira daw yung mga airport kaya di makapadala ng relief goods. Eh di gumamit kayo ng mga helicopter. Kaya naman nilang magdala ng relief goods di ba?

Huwag niyong sabihin hindi rin kaya ng mga helicopters na makapwesto dahil wala ring airport.
Alam niyo kug bakit pinili ng mga sundalo sa buong mundo ang mga helicopter sa pagdadala ng mga tropa nila? Dahil sa kakayanan nitong makapwesto kahit sa mga komplikadong lugar.

At naku naman, huwag niyong idahilan na wala tayong mga helicopter. Ilan ba ang mga presidential choppers na yan? Di ba puwedeng gamitin dahil para sa presidente lang yan? Marami ang nagugutum sa panahon na iyon.

Oh? Walang budget para sa gasolina? O sadyang hindi lang kayo nag-isip ng maganda.  3.Chartered  Ships. Eto pa yung paborito ko, nadedelay daw yung mga truck na nagdadala ng relief goods dahil dalawang barko lang yung umaandar sa may Matnog (yung lugar kung saan nagkokonekta yung Samar at Luzon). Wala bang pondo ang gobyerno na kaagad magagamit para makacharter ng ilang barko para mapadali ang pagdaan ng mga truck? May calamity fund naman ata. Parang ilang linggo pa bago maiisip ng gobyerno na gawin ito.

4.Super Typhoon. Ilang beses na ba tayong dinaanan ng bagyo? Sa pagkakatanda ko, madalas sabihin ng mga titser ko sa highschool na 20 na bagyo ang dumadaan sa Pilipinas taon taon.

Nakakapagtaka hindi ba? Na kung sino pa yung madalas daanan ng bagyo ay siya pang hindi handa. Dapat nga ngayon mayroon ng batas ang gobyerno o standard set of rules na dapat ginagawa sa mga panahong nagiging ganito. DAPAT NGA WE ARE ABSOLUTELY PREPARED for something like this dahil nga madalas tayong daanan ng bagyo. Based on experience dapat tayo ang bansa na prepared in surviving storms.

Kung sa Japan mayroon na silang program at standard set of procedures kung lumilindol, kung sa mga Northern Countries na handa na para sa Hail Storms, o sa mga Equator Places na palaging pinaghahandaan ang matagal na tag-uhaw. Di ba dapat tayo mayroon na din nito? 

 5. Storm Surge. Ito talaga ang nanpalaking pagkakamali. Kulang sa impormasyong ang mga lokal na pamahalaan kung ano yung paparating. Sabi lang sa nakatataas na magkakaroon ng storm surge. Walang konkretong pagpapaliwanag kung ano ba itong storm surge.

Kadalasan ay akala lang ng mga tao ay napakamalakas na hangin. Sino nga ba naman ang mag-eexpect na ito pala ay malakas na alon galing sa dagat. Kung sana noong isang araw pa bago dumating ang bagyo ay pinuno niyo ang medya sa pagpapaliwanag kung ano itong storm surge. Kaya niyo naman yan di ba?

O  kaya sana TIDAL WAVE  na lang ang ginamit niyo. Mas maiintindihan pa ng nakakararami. 


Marami pa sanang bagay ang dapat nagawa ng gobyerno para agad agad natulungan yung mga tao. Sa halip na magsisis ng magsisi.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...