Alam mo ba yung pakiramdam na akala mo tinutulungan ka pero yung pala pinagsasamantalahan ka lang pala? Man, you’ve just been fvcked!
Sa
kasagsagan ng napakalaking trahedya na naganap dito sa ating bansa ay nagsilabasan ang napakaraming isyu na tumutukoy
sa kakayanan ng pamahalaan at mga anomalya na pilit nilang tinatakpan.
Hindi ako
sigurado dito, kaya kung ano man ang isinulat ko dito ay lahat opinyon at
pawang allegasyon lang sa mga nabasa ko.
Sa
panahon na marami ang gustong tumulong ay naging panahon din ng maraming naging
mapagsamantala. Oppurtunista. Extortionista.
Nang
mabalitaan namin ang tungkol sa mga rinerepack na relief goods. Yung mga relief
goods na galing sa ibang bansa. Yung tulong at donasyon, foreign aid, na para
sa mga biktima.
Ireniport
ng mga volunteers ang sinasabing anomalya. Na yung mga relief goods daw na
galing sa ibang bansa ay renirepack, kinukuha yung mga items na maganda
ang kalidad at pinapalitan ng iba. Itinatago daw ito at hindi na
isinasali sa mga ipinamimigay.
“Kasinungalingan!”
sigaw ng ahensya. We do not repack the relief goods sabi ng pinuno.
“Inirere-label” lang daw. Binubuksan lang daw nila, tinitingnan kung may
mababasag o expired na mga goods. Tapos isine-“separate” lang daw nila. Hindi
daw sila nagrere-repack .
Kung ganon hindi pala pagrepack yung pagbukas
ng mga goods na donasyon ng ibang bansa at, oo nga importante to’, READY FOR
DISTRIBUTION na nga ang mga ito. Kung binubuksan nila ito at kinukuha ang ilan,
di ba ito repacking?
At
tingnan mo nga naman ready for distribution na para sa mga biktima. Sa tingin
niyo ba maglalagay ng expired goods ang mga ito? Sa tingin nyo ba di din nila
ito idinaan sa repacking protocol sa kanila? Sa tingin niyo lalagyan nila ito
ng lason?
Yung mga
bigas, langis, kotse na ini-smuggle hindi niyo inuusisa o binubuksan yung mga
carrier nito pero yung mga relief goods na sana diretso sa mga biktima at
kailangan na kailangan ay siya pang pinagtutuunan niyo ng “inspection.”
Insulto
ito para sa mga banyagang nais lamang tumulong. Parang sinasabi na hindi ligtas
ang ipnadadala niyo. And my goodness nga naman talaga, magpapadala nga ba sila
ng expired goods?
Kaya nga
disappointed na disappointed ang maraming foreign missionaries and aids na
pumunta dito. Disappointed as gobyerno, sa sistema, lalong lalo na sa
nangyayari sa tulong na kanilang ipinadala. Kaya nga ngayon binabantayan ang
bansa natin kung ano ang ginagawa ng national government sa bilyong bilyong
donasyon.
Natanong
ko ang kaibigan kong galing sa GuiuanEastern Samar), isa sa mga lugar na
grabeng nasalanta ng bagyo, “Padi, pamati
ko damu an relief goods ha iyo, damu an tikang han iba nga bansa, damu an
nagpakuha spam?“ (Pare balita lo maraming relief goods sa inyo, yung mga
galing sa ibang bansa, madami bang nakakuha ng spam)
Yung
sagot niya, yung sagot ng mga tao doon, “Ano
nga spam? Wara hit inabot, puro salmon.” (Anong spam? Walang ganyang umabot
sa amin. Lahat salmon.)
Nasaan na
ang mga de kaledad na de lata na ipinamigay ng ibang bansa na hindi naman
umabot. Lahat sinasabi na puro salmon
lang o kaya corned beef na gawa sa atin ang dumaing sa kanila. Hindi naman
sasabihin ng gobyerno na wala daw “SPAM” dahil sabi ng mga foreign aid at
mismong concerned citizens sa US at ibang bansa na nagpadala sila ng mga goods na ganito. Ang tanong nasaan na
ito?
Sabi pa
nga ng mga biktima na nakakapagtaka daw yung mga bag na puro mga galing sa
ibang bansa ang label pero yung mga pagkain sa loob ay produktong galing dito.
Di ba pinalitan?
Hanggang
ngayon ay deny nang deny pa sila na may nangyaring ganito. Pero ang totoo sa
panahong sinasabing nangyayari ang anomalyang ito ay pinagbabawal nila ang
pagvivideo ng prosesso ng packing. Naitago na din nila lahat ng kailangang
maitago ng ang medya na ang magsiyasat.
Kawawa
naman ang mga volunteers, sila na nga ang libreng tumutuong ay ginagamit pa
sila ng ahensya para sa katiwalian. Nang mayroong magsalita sa kanilang
ginagawa ay siya pang ipinapahiya.
Di ko
lang maintindihan ang mga taong ito. Na sa mismo pa sa panahon na naghihirap ang
bansa. Na nangangailangan ng tulong. Sa panahon na sana awa at pagmamalasakit
ang nasa puso at isip nila. Na ang pagtulong sana ang kanilang inaatupag. Na
kahit papaano, kahit sa isang panyayari lang ay mawala muna ang pagiging
makasarili kundi isipin ang pagtulong sa lahat ay nagagawa pa nila ito.
There is
no compassion for the victims coming from this people. Selfishness is what is
in their hearts. Sad to say for the many YOLANDA VICTIMS, but you’ve just been
FVCKED!