Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Sunday, May 26, 2013

Sunburn




"I just wanna be on the beach!" (Sorry brad, ibang sunburn to. For more details, basahin na lang natin yung kuwento.)

Pasukan nanaman. Sigurado sa first day of classes ay uuso nanaman ang mga estudyanteng pumapasok na mejo reddish-brown ang skin. Oo mga brad at sis, balinkinitan ang mga kulay ng mga estudyante sa simula ng pasukan na kung tawagan natin ay “SUNBURN”. Pero bago pa magkaroon ng di pagkakaunawaan, hindi to yung sunburn na nakuha mo dahil nasa beach ka ng buong summer. Ito yung sunburn na nakuha mo dahil sa kakapila mo para sa enrolment. 

Tuwing simula ng klase sa kolehiyo di talaga mawawala ang tanawing ito, mga estudyante, pawis na pawis sa kapipila na tila di gumagalaw at for eternity na nandiyan. Sa mga pilang ito nakukuha natin ang sunburn na natin na sigurado nth degree na ang pagkasunug ng skin. Nasusubok din ang standing powers mo na sa buong araw ay nakatayo ka lang sa kapipila.  Sigurado lahat tayo naka-experience na ng ganito.  Alam mo yung

- 8 am akala mo maaga pa para sa pila pero pagpunta mo sa skul ay hanggang gate na pala.



- tapos sa next day pupunta ka alas sais pa lang pero pagpunta mo hanggang gate pa rin ang pila.

- matutunan mo yung teknik na maglalabay ka ng puestong reserve para masecure mo yung lugar mo.

- pagbalik mo bukas nasa gate ka pa rin, alamat lang pala yung reserve na iyan.

- na 4am pa lang pala ay may pumipila na.

- na di maniwala sa lunch break dahil sigurado pagbalik mo wala na ang iyong puesto.

- na ikaw na yung sunod tapos close na, bukas na lang daw.

- ikaw na yung eentertain, tapos nakalimutan mo yung form mo sa bahay.

- tapos ganito rin nangyari sa cashier

- na number 3 ka na sa linya ngunit feeling mo ten years pa rin sa tagal.

- na isang oras ka na nasa puesto mo at di umuusad yung pila.

- na marami palang “insiders” sa pila, yung basta basta na lang sumisingit. Pakunyari nakiki-usap sa mga kaibigang nakapila tapos unti unti lumalapit and before you know it nakapila na pala.

- eto rin yung noong umaga number 104 ka, tapos mag sasara na 104 ka pa rin.

Nakakapagod at napakahaba ng mga pila tuwing enrolment, and no doubt yung skin mo na di mabilad ay siguradong may sunburn na.  Nakakatamad sa marami ang pagpila. Nakakabuwiset at nakakasira minsan ng araw. Pero kahit naman ganito ay may konting kasiyahan naman.

-kahit di ka na magbeach may libreng sunburn ka na.

- masaya ang pila pagkatabi mo ang barkada, isang summer din kayong di nagkita. Walang katapusang kuwentuhan at tawanan.

- kompleto yung tropa. magdadala lang ng gitara ay ayus na. Matapos yung mahabang pila na di umuusad, sa gabi ay inuman muna.

- marami ka ring nakikilalang kaibigan dito.

- puede din kayong mag “shagidi shagidi shapupu.”

Siguro ano sinadyang nagiging ganito na rin ang pila, mahaba at mabagal para magkaroon ng panahon magcatch-up ang mga barkada at magkatuwaan bago magsimula nanaman ang kalbaryo sa klase. Parte na rin ito nung sinasabi nating making memories habang nasa college. Dahil sigurado, yung enrolment ay isa sa mga bagay na di natin malilimutan kung kolehiyo ang pinag-uusapan.

Sunday, May 19, 2013

Manga: A Break-Up Story



PRELUDE:

Alas 4 na ng umaga. Pinatay na ng may-ari ang ilaw sa malaking signpost na “BEERHELL” sa labas ng bar niya. Closing Time. Wa na ring customer sa loob, nakatuhaya na lahat ng upuan, at nagsiuwian na ang mga waiter. Tanging isang lalake na lamang ang naiwan sa loob at umiinom ng alak. Linapitan siya ng maya-ari.

^_^:  Nakakarami ka na ahhhh. . . .

-_- :  Pagbigyan mo na ako, ngayong gabi lang naman.

^_^:  Kamusta ang naging pag-uusap niyo?

(Inaasahan niya ang tanong na ito. Pero di pa rin niya mapigilan ang kirot na nararamdaman sa dibdib ng marinig niya ito.)

-_- :  Ayos lang naman. Naging okay na ang lahat. (Ngumiti siya para itago ang emosyon na nakaguhit sa kanyang mukha. Hindi nalok ang may-ari ng bar.)

^_^: Walang madaling paraan para gawin to – kasi masakit na rin eh. Sabihin mo na lang ang totoo. Please, mahal mo ba ako?

-_- :  Alam mo naman na mahal kita.

^_^:  Mahal mo ba siya?

-_- :  (Tumigil siya sandali, tumulo ang luha.) Hindi ko kayang makita ka na nasasaktan.

^_^: Ipikit mo mga mata mo. Para kung masaktan man ako, hindi mo makikita.

-_- :  I’m so sorry.

^_^:  Gusto mo na bang tapusin to?

-_- :  Mapapatawad mo ba ako?

(Katahimikan.)

Mahal mo pa rin ba siya? - Birhel

^_^: Sige na, iwan mo na ako dito . . . .

-_- :  Pero . . . .

^_^: Kung mahal mo siya, puntahan mo na ngayon. Huwah mo na uli palampasin ang pagkakataon.

-_- :  Paano ka?

^_^:  Iwan mo na ako. Masakit pero kakayanin ko. Alam naman nating dalawa na may hangganan din itong ating pagsasama. Alam naman natin sa simula na siya naman talaga ang laman ng puso mo.

-_- :  Minahal kita.

^_^: Alam ko. Tunay ang pagsasama natin. Naramdaman ko iyon. Gusto kong magalit at magwala, ngunit di ko magawa. Nasasaktan ako ng labis pero di ko pa rin magawang magalit sayo. Alam mo kung bakit? Dahil mahal kita. At ang hinihiling lang ng puso ko ay maging maligaya ka.

-_- :  (Hikbi at iyak) Patawad.

^_^: (Yinakap ang dating kabiyak) Sige na, puntahan mo na siya. Bago mahuli ang lahat. Ipaglaban mo ang nararamdaman mo. Huwag mong sayangin ang paghihiwalay nating ito.

(Isang huling halik.)

Linulok ni Birhel ang isang basong alak. Habang tinatanaw ang si Maya na unti-unting nilalamon ng kadiliman ng gabi.

PS: Ang kuwentong ito ay related sa storya ni Maya at Alea. Isang introduction sa mga nangyari matapos ang kanilang masinsinang pag-uusap.




Saturday, May 18, 2013

Sino si Birhel? (The Story of My Extraordinary Friend)



Sa mga nagbabasa sa aking blog, madalas lumabas ang dakilang extra na si Birhel. Isa siya sa mga constant characters na biglang sumisipot sa aking mga storya. Sino nga ba si Birhel?

Gaya ng sabi ko dati isang siyang tunay na tao, itinago ko lang sa  Birhel ang pangalan niya para di niyo makilala at malayong malayo talaga ito sa tunay niya pangalan. (Madalas siya magcomment sa blog ko.) Hiningi ko naman ang pirmiso niya para magamit ang pangalan niya kaya di yun magagalit sa akin. O siya siya, simulan na natin ang pagpakilala sa kanya.

Si Birhel sa kuwentong Unang Tikim

Si Birhel ay unang lumabas sa kuwentong kalye na Unang Tikim kung saan siya ang main character. Siya yung lalaking naghahanap ng lugar sa malawak na lipunan. Nag-aasam maranasan ang unag tikim. Sa storya dito ay isa siyang banatero na napaka-corny at mistulang galing sa impyerno ang mga punchline niya. Dahil dito ay wala siyang nagiging kaibigan. Dahil sa super corny jokes niya ay walang lumalapit na sa kanya at naiiwang mag-isa. Inilagay sa mejo na kwela na pagsasalaysay ang buhay ni Birhel dito pero kung titingnan natin ay marami rin ang tulad sa kanya. Mga batang nag-iisa at walang tunay na kaibigan sa high school hanggang kolehiyo. Mga batang iniiwasan dahil medyo weirdo pero sa totoo ay naghahanap lang naman ng paraan para magkaroon ng kaibigan. Pinipilit sagutin ang katanungan kung bakit sila nag-iisa. Korni kung bumanat ngunit sa totoo ay gusto lang makipagkaibigan.

Nang mabasa niyo ang last part ng Unang Tikim siguro napatanong kayo kung ano na ang nangyari sa kanya matapos niya madiskubre ang kaligayahan sa beer.  Dito sumunod yung storya nung Cheers kung saan isa siyang extra. Naging may-ari siya ng isang bar kung saan tambayan ng main character na si Kresta. Makikita nanaman natin ang isang katauhan ni Birhel dito. Kung tatanungin mo ang mga lalaki, isa sa mga pangarap nila ang magkaroon ng bar. Kung makikita niyo sa survey na ginawa ni Satanas, “Gusto kong magtayo ng BAR.” ang isa sa mga popular na gusto ng mga lalaki na hindi kadalasan natutupad. Pangarap ng totoong Birhel na magtayo ng isang bar. Kung matupad na ito ay kaagad ko ipopost dito.

Si Kresta at ang Barkada sa Kuwentong Cheers. Nandoon ang Extrang si Birhel sa gilid.

Nang maghiwalay si Maya at Alea sa kuwentong Manga: Kuwento ng PusongNapagod, ay napadpad sa BAR ni Birhel si Maya. Halos araw-araw siyang nandito, umiinom at nagpapalipas ng gabi. Pilit nililimot ang masaklap na nangyari. Dahil naging regular na si Maya sa lugar ni Birhel ay napansin niya ito at sila ay naging matalik na magkaibigan. Sa kanya binuhos ni Maya lahat ang kanyang nararamdaman at pagkabigo sa buhay. Si Birhel naman ay palaging nandiyan, nakikinig at nagbibigay ng mga payo. Ibinigay niya kay Maya ang simpatya at pag-intindi na hinihingi nito. Ang pangangailangan ng makakasama sa mg panahon na iyon.

Birhel, Maya, at Alea (habang hinahawakan ni
Alea ang "Manga" ni Maya)

 Sa araw-araw nilang pagsasama ay di nila mapigilan ang paglabas ng kanilang mga “feelings” sa isa’t-isa at yung pagiging magkaibigan ay naging magka-ibigan na pala. (AMPOWTEK). Sa huli ay natagpuan natin ang ating dakilang extra sa impyerno kasama ni Satan Jr at San Pedro na nakikipag-inuman.

Satan Jr., Birhel, at San Pedro

Sino si Birhel? Iba’t-ibang personalidad sa iba’t-ibang storya ngunit sa huli ay makikita natin na iisa lamang siya. Siya ay isang kaibigan na mahilig bumanat ng mga jokes at kahit puno ng kakornihan ay napapapatawa tayo. Isang kasama na maari mong tawagan at makakuwentuhan kung may problema ka, katulad ng bar niya na palaging bukas para sa naghahanap ka ng makakasama. Handang magbigay ng payo kung kinakailangan.

Sino si Birhel? Ewan ko kung bading na nga ba ito pero siya yung kaibigan mong mahilig sa inuman. Sasamahan ka hanggang sa dulo ng mundo makahanap lang ng tindahan na mapagbibilihan ng alak. Hebigat sa kuwentuhan at kahit magdamagan na laklakan ay okay lang sa kanya. Di rin maarte, kalsada man o sa dalampasigan puedeng puede higaan. Di ka iiwan hanggat may beer sa mesa. Mag-iingat ingat lang baka ma-“this guy is inlove with you pare” ka.


Sino si Birhel? Yung kaibigang kasama sama mo palagi. Yung di mo malimutan. Kakuwentuhan sa lahat ng kalokohan. Pakikinggan ka at umiintindi. Nandiyan para sa mga payong weird ngunit may nilalaman. Si Birhel. Isang tunay na kaibigan. =D


PS: Ang post naito ay ginawa ko pa noong abril ngunit dahil summer ay ngayon ko lang natapos. Para ito sa kaibigan kong si Birhel na nagdiwang ng kanyang 35th birthday noong April 29. Happy Birthday Pare. Sana magustuhan mo ang true story mong kuwento. Buksan na natin ang beer at ialay sa mga diyos ang unang tagay! Oo nga pala, para sa mga sumusubaybay ay hiwalay na pala si Birhel at Maya. For further details ay abangan nalang natin ang sunod na kuwento. Salamat!!!

Wednesday, May 8, 2013

Grad Wait?



Ano ang pakiramdam ngayong nakagradweyt ka na? Napakasimple naman ng tanong pero mahirap sagutin ng malalim at yung pa-deep talaga. Yung kadalasan naiisagot lang natin ay masaya tayo dahil natapos na rin ang ilang taong sakripisyo at paghihirap sa kolehiyo.

Wala ng 7 am classes.  Matatapos na ang ilang taong puyatan dahil sa matitinding exams at malademonyong papers. Matatapos na rin ang pagpasok sa terror mong prof na sa di maipaliwanang na dahilan ay apat na taon kang naging estudyante niya.  Bye bye na rin pancit canton diet at cup noodles na siyang bumuhay sayo sa panahon na nagugutom ka. Di mo na rin kailangang magtago sa landlord o landlady mo dahil wala ka pa ng pambayad sa bhaus mo.

Maitatapon mo na rin ang tambak na xerox copies na siyang bumubuo ng 50 percent ng higaan mo. Kung malayo ang tinutuluyan mo sa College ay wala na ang nakakapagod na byahe at pakikipag-agawan ng masasakyan.

Magpapaalam ka na rin sa tindahan ni Aling kung-ano kung saan palagi kang nakatambay at bumibili ng softdrinks. Di ka na rin pupunta sa library para makatulog.  Di mo na makikita ang mga familiar faces na siya mong araw araw nakakatagpo at nakangingitian sa skul. Di mo na magiging kaklas ang crush mo. Di na magiging madalas ang inuman at katuwaan.

Ngayong gradweyt ka na, sa simula masaya ngunit darating din sa punto lalo na kung June na mamimiss mo ang kolehiyo. Dati ang comportable mong mundo sa loob ng unibersidad ay biglang lumawak at nagiging puno ng pangamba.  Saan tayo pupunta ngayon? Buti pa noon may dirksyon yung araw mo, ngayon puno ng uncertainities dahil di mo alam kung saan ka tutungo at  pupunta. Nagiging marami ang iyong tanong tungkol sa trabaho at buhay. Di magtatagal mamimiss mo ang iyong classroom kung saan araw araw nakikita mong nakangiti ang iyong mga kaibigan.

Kaya naman siguro katulad ng komix strip sa itaas kung tanungin man tayo kung ano ang pakiramdam ngayong gradwyet ka na, okay lang magpanic at sumagot ng “ahhhhhhhhhhhhhhhhh”. Dahil ang salitang yun ay sapat na para maipalabas ang iyong nararamdaman ngayon.



PS: Ang komix strip na iyon ay gawa ni Manix Abrera, author ng Kikomachine. Salamat sa mga gawa niya na paborito ko talaga at di nabibigong patawanin ako.


Sunday, May 5, 2013

Si Binay at Iron Man 3


Nabasa ko ang post na ito noong isang araw lang.  Tungkol ito sa mga kumakandidatong mga senador at kung ano ang tingin ng Pilipino tungkol dito. Nakakatuwa ang ilang mga resulta at naghahatid ng bagong perspektibo sa mga mambabasa. Hnidi ito SWS o yung Asia Weekly na Survey pero kung babasahin mo ay daig pa nito ang pasimple simpleng listahan ng ranking lang.


Survey: Many voters still don't understand how Nancy Binay became a candidate
Hot Manila - by Alan Robles
Posted at 05/03/2013 5:24 PM | Updated as of 05/03/2013 5:25 PM

With only 10 days left until the mid-term elections, a survey indicates most voters still can't explain how Nancy Binay became a candidate for senator.

According to the poll conducted by the Fly By Night Social Media Climate Change and More Money Please Outfit (FBNSMCCMMPO), 72 percent of Filipino voters are "mystified" by the process through which the vice-president's daughter, a total unknown, got into the candidates' list and why she is rating so highly in polls.

Asked for possible explanations, respondents gave a variety of reasons, among them "glamor," "dad's money," "birthday cakes" and "wala lang."

"I would say the voters are nonplussed", said the outfit's director Apollo Trollfar. He presented the findings at a press conference at the University of the Philippines main parking lot, handing out copies of the survey from the trunk of a car while looking around furtively.

Among the results of the outfit's wide-ranging pre-election survey:

- Senatorial candidate Jackie Enrile, has a name recall problem: 37 percent of voters keep confusing his name with "Alfie Anido."
- 23 percent of voters feel that Senator Alan Peter Cayetano never fully explained what happened to "ang kahoy" of Senator Juan Ponce Enrile.
- 80 percent of voters wish Senator Vicente Sotto was running so they could vote the him out of office. "The word 'idiot' was used a lot," Trollfar revealed.
- At the local level, 43 percent of voters are unsure which of the two contending Manila mayor candidates, Alfredo Lim and Erap Estrada, are actually still alive.
- 55 percent of voters expressed doubts about Estrada's ability to match the outstanding record of urban deterioration set by Lim.

Questioned about his credentials, Trollfar described himself as a "public confidence expert" who formed the polling outfit three weeks ago through the help of "concerned citizens." He claimed the wide-ranging poll was "conducted in accordance with best practices and some help from the Internet."

"For instance, that's how I discovered the word 'nonplussed', I googled it," Trollfar said.

He declined to give details about the method used by the survey, though he did reveal: "sampling size was just right, standard deviation, A-OK , the weather was sunny with no hint of rain and the error factor is plus or minus 50,000 pesos."

He promised to upload copies as soon as he found a "cheap" cyber cafe.

Other highlights of the poll:

- 55 percent of voters favor bringing back the death penalty for whoever writes election campaign jingles. "And they mean ALL jingles," Trollfar stressed.
- 86 percent of voters don't know what "PCOS" stands for. "We think the 14 percent who say they do are lying," the polling outfit director said.
- 44 percent cannot spell the word "precinct" correctly.
- 5 percent are puzzled why the figures in many surveys never seem to add up to 100 percent.
- a hefty 26 percent of voters said that, given the choice, they wouldn't object to having most candidates fall from the 20th floor of a tall building; 15 per cent said they preferred the 30th story.

The poll also showed that about 22.5 percent of Filipinos still haven't watched the movie "Iron Man 3"; 15 percent won't vote "Iron Man 3" because they don't believe in political dynasties.

Nakakatuwa at maganda ang humour ng blog na ito. Pero bukod diyan ay napapa-isip din tayo kung sino ang dapat natin iboto. Sna nga naman huwag si “Iron Man 3”.

PS: Salamat kay Mr. Alan Robles para sa nakaka-aliw na blog post. Ito pala yung link boom.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...