Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Tuesday, November 27, 2012

Unang Tikim: The Legend of Beer Hell


Sa tingin ko ito ay isang kuwento na nakakabuwiset dahil walang kwenta. Naiispan ko lang gumawa nito para maiba naman at ng matapos ko ay talaga ngang walang kwenta at napakapangit. Ang kuwentong ito kung mabait kang tao ay ngingitian mo lang at kung hindi baka mapasuka ka sa kakornihan. Ihanda mo ang iyong mata at baka magroll ito ng three hundred sixty degrees. Pero para mas maganda ay ipwesto mo na ang kamay mo sa ALT+F4 dahil baka di mo na makayanan dahil sa kabdtripan. Yeah! Here we go. Ang kuwento ng isang lalaki na naka-unang tikim!



Itago na lang natin ang pangalan niya sa, ahhh.... Birhel! Tama, ang pangalan ng pangunahin nating karakter ay si Birhel. Ipinanganak siya sa isang masayang pamilya at bata pa lang siya ay itinatak na sa kanya na huwag na huwag susubukan ang mga bawal. Ito daw ay galing sa kadiliman at sa oras na ikaw ay makatikim nito ay malulong ka na dito. Mabait namang bata sa Birhel at sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang. Mapalakaibigan naman siya, magaling sa klase, at ayos kumanta. Palagi niyang perfect sa videokehan ang kantang “One Last Cry” ni Brian Mcknight. Astig hindi ba? Popular siya sa lahat. Noong highschool siya ay katropa siya ng mga lalake at the “perfect gentleman daw sa mga babae”. Ang saya na sana ng buhay niya di ba? Pero hindi ehh, dahil kahit gaano pa kaperpekto ang tao sa tingin ng iba there will always be a “but”. The irony of life.

Yes, may “but” nga si Birhel at yun ang kanyang pagiging boy. Boy korni. Mahilig siyang bumanat ng mga korni jokes na tila yata galing sa impyerno. So morbid na kahit ang ganda ng araw mo ay tuluyan na itong nasisira.  All along he thought na ang mga jokes niyang korni ay nakakatawa pero hindi eh. Tumatawa lang mga kaibigan niya dahil sa awa. Pagbigyan, pagbigyan, they loved him. They don’t want to tell him the truth. Kaya yun, naaquire na niya ang korni jokes. Pero things change when he went to college. Ang dating buhay na akala niya ay madadala nang korni jokes ay tila nag-iba. The doomsday has begun.
Sa isp niya bago makipagkilala ay hiritan muna ng joke. Nung first day of classes niya ay binanatan niya kaagad ang seatmate niya.

Birhel: Hi, alam mo nasagasaan yung pusa namin kahapon. Nakakalungkot. Tsk.
Seatmate: Oh, kawawa naman.
Birhel: Kaya nga. It was a CAT-ASTROPHIE! Hahahahahaha. Im Birhel pala.



The next day ay nagpachange ng schedule ang seatmate niya at yung sumunod pang mga seatmate niya. Nabigla siya, he thought it would work. Sinubukan niya ulet ito sa iba pang nakikilala niya.

“Alam niyo kung saang city ang maraming specialist? Hindi? Sa Vatican City! Batikan! Hahahahaha.”



At dahil diyan ay hindi siya natanggap sa org na gusto iyang salihan. Isang araw ay may nakakitang nahulog ang kanyang wallet, pinulot, at ibinalik ito sa kanya.

B: Wow, thank you ha? Alam mo, you should be in the Land of Mushrooms. Dahil ikaw ay Puno ng Kabutihan. Gets? Hahahahaha.
Nakapulot: Alam mo, dapat talaga hindi ko na yan ibinalik sa iyo.

Habang sila ay naglalakwatsa na magkaklase ay bigla siyang humirit ng;

B:Oh there is a sunfruit!
Kaklase: Ano?!
B: Sunfruits tsong! In tagalog, bungang araw. Hahahahaha.
Kaklase: Pare, kunyari lang ha di namin narinig yan. Para sa ikakabuti ito ng bayan.



At praktikal na naging ganyan ang buhay niya. Di niya maisip kung ano ang nangyari. It was so sudden. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali. It was all well in highschool. Nararamdaman na niya na magiging loner na siya buong buhay niya at ayaw niya yun. There is something he can do. Pero di niya alam. All hope was fading.

Swerte niya at may naging kaibigan siyang tumulong. Ayon daw sa research niya ay may insidente rin na nangyari noon na katulad sa kanya. Isang lalaki  din ang naging katulad niya. At ayon daw sa journal nito, kailanga daw niyang magkagirlprend para mawala ang sumpang nakapaloob sa kanya. Napakamahirap daw niyan dahil lahat ay naiinis sa kakornihan niya pero kahit daw papaano ay may mahuhulog din sa kanya. At ang pinaka-importante sa lahat ay malasap niya ang “first time”. Yes ang unang tikim na pinakamahirap sa lahat dahil di mo alam kung papayaw ang babae. Dapat daw ay bumili ka muna ng pampadulas para pumayag at hindi magaspangangan ang babae. The thrill.

Nagkagirlfrend nga siya at pagkatapos ng 5mins ay pumayag na rin ang babae para sa first time. Sa gabi daw nila gagawin, yung wala pang makakakita. He was excited and afraid. What if everything went wrong. Nahirapan siyang bumili ng pampadulas dahil nahihiya siya. Ito pa kaya.  Inapply na niya ang pampadulas bago pa sila nagkita sa isang madilim na lugar. Ayan na, very excited na siya. At oo, ginawa nga nila. Sila ay nag”holding hands”. (Powtek ang korni.) Oo ang first time, first time na holding hands dahil nakakakilig daw ito at nababawasan ang korni neurons mo, ayon sa kaibigan niyang nagresearch. Ang pampadulas na inutukoy ay lotion, dove, para daw di magaspang ang kamay niya. And yes dahil dun, nabawasan na ang pagiging korni niya dahil kaagad siyang sinsapak ng girlprend nya pag nag-uumpisa pa lang siyang humirit ng korning joke. Unti-unti din na dumami ng mga kaibigan at naging masaya ang kanyang college life. At siya ng gurlprend niya, they lived happily ever after. =) Actualy hindi, nagbreak sila after 3 months, eto kasing s Birhel eh, di napigilan humirit. He overheard a joke at ibinanata sa kanyang girl sa pag-aakalang matatawa ito.

Birhel: Alam mo, pagkasama kita, feeling ko magasasaka lang ako.   
Girlprend: Bakit? Dahil sa estado ng pamumuhay ko? Dahil mejo mayaman ako? Dahil nakashorts ka lang?  Di naman yun importante. Balewala yun. Mabuti nga magsasaka marangal at may paninindigan.
Birhel: Hindi eh, palagi daw akong may kasama na mukhang kalabaw.
Girlprend: Ampota.

Kaya yun, nagbreak sila, nalungkot si Pareng Birhel. Pumunta siya sa isang bar at uminom for the First time ng beer. Nagpakalasing. At naging araw araw na niya habit ang pag-iinom. And he loved it. Ang unang tikim pala na tinutukoy sa kanya ay ang pag-inum at hindi yung girlprend. Kailangan pala talagang maghiwalay para matutong uminum, tikman ang bawal, at malasing. Dahil paglasing na lahat kausap mo, kahit gaano pa kakorni yang mga hirit mo ay ayos lang. Walang problema, tatawa pa rin sila. At sa umaga hindi ka magiging korni dahil sa hang-over. At doon nawala ang sumpa niyang pagiging korni. And he was forever then he was called:



 PS: Totoo ngang napakapangit nito. Para sa kaibigan kong magbabasa nito na hiniraman ko muna nang pangalan, thank you pare! Lilibre na lang kita ng beer. hehehehe. Hindi mo naman kuwento to di ba? Hiniram ko lang pangalan mo. hehehehe. Ang mga jokes pala ay hiniram ko sa kikomachine. hehehe. I know. This story is.


Mac Arthur


Isa sa paboritong joke ng kaibigan ko noon. Sabihin mo raw ang salitang iniispell:

M-A-C   D-O-N-A-L-D

M-A-C   B-U-R-G-E-R

M-A-C   B-O-O-K

M-A-C   F-L-O-A-T

M-A-C   A-R-T-H-U-R

M-A-C   H-I-N-E

Ang tanong na palaging nasa isipan ng mga Pinoy, paano kung di na lang tayo pinalaya? Paano kung hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin tayo ng pamumuno ng Dakilang Bansa ng Amerika? Paano kung noong pagbalik ni McArthur ay di na sila umiwas at tuluyang inilagay sa kamay nila ang pagcontrol sa ating bayan? Paano kung tayo ay naging 51st Sate na lang ng Amerika? Siguro masagana tayo ngayon.  Masaya pa dahil tayo ay mga American Citizen katulad ng Hawaii at Guam, kasali tayo sa pinakadakilang mga mamamayan ng Amerika. Dolyar ang pera natin, mga inglesero pa, mataas ang noo at maraming maipagmamalaki.






Kung sa sitwasyon ng ating bayan ngayon, marami talaga ang nagsasabing mas mabuti nalang sana kung di na lang tayo pinakawalan ng Amerika. Masagana sana ang pamumuhay at hindi pa magulo ang sistema. Magaganda ang progaam at sigurado ang pag-unlad. Hindi mga sub-standard na kagamitan ang gagamitin sa mga imprastraktura dahil ang mamahala ay mga Amerikano. Malakas din ang tinatawag na “check and balance” sa kanila kaya mapipilitan talaga ang mga politiko na maging malinis at gumawa ng mga bagay na maikakabuti sa ating bansa. Mayaman sana tayo, di tulad ngayon na baon na baon sa utang.  Ang sistema ng edukasyon ay mapapahalagahan. Maraming investors ang pupunta sa bansa. At ang mga kagamitang militar ay hindi yung mga kinakalawang at nabubulok. Siguro napuksa na ang problema sa Mindanao o sa mga NPA. Siguro masaya at maliwanag ang ating nakikitang kinabukasan para sa bansa natin.


Ngunit lahat positibo rin natin di ba? Di natin sinisilip kung ano ang mga negatibong magaganap kung  tayo ay nasa ilalim ni “Great America-sama”.Isipin nating tayo ay ibang race sa kanila at maniwala ka o hindi ang bansang America ay isa sa may malaking insidente ng racial discrimination. Ang mga higanteng mapuputi ay may mataas na pagtingin sa kanilang sarili. Ipinanganak sila sa pinakadakilang bayan sa buong mundo kaya sila ay mga dakila rin. Mapupuno ang Pilipinas ng mga puti. Pero siguro maganda na rin, yan naman ang gusto ng mga Pinoy ang malahian ng puti. Magsasawa ka na lang sa mga maiitim at maliliit na Filipina na makikita mo sa daan minsan naka kapit sa kanong kanilang maasawa. Ang kanong matatanda na at halos wala ng buhok. Pero para sa pera, kailangan talagang maging praktikal ngayon. Naiintindihan ko rin naman sila para sa kinabukasan din naman ito. Kung dito ka maghahanap ng mapapangasawa at mahirap ka pa ay malaki ang tyansang mahirap din ang mapapangasawa mo. So much for the future. Maganda na rin ito dahil kahit papaano masisigurado mo ang susunod na henerasyon ng iyong pamilya. Pero hindi lahat katulad niyan ha, marami rin akong nakita na nagkatuluyan dahil sa pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Ang bandila ito ay inihanda na ng America
 kung sakaling mag karoon nga  ng 51st State
 at ang Pilipinas ang isa sa mga ito.


Kung nandito rin sila ay siguradong iexploit nila ang mga likas na yaman sa bansa na ating pinangangalagaan ngayon. Magiging puro minahan dito pero sabagay kung tarbaho ang maibibigay nito ay walang problema sa mga Pinoy na kaysa naman magutom. Sa taas ng unemployment rate ng ating bansa mas mabuti na ang magkaroon ng trabaho. Mapagsasamantalahan din ang ating bansa ngunit “American Citizens” naman tayo, maipagmamalaki pa rin natin yun, di ba? Kung di niyo nalalaman ang bansang Pilipinas ay isa sa pinakamagandang strategic location para sa militar dito sa bansang Asya. Kung iisipin niyo pinag-agawan talaga ito ng maraming mananakop dahil sa ganda ng pwesto nito. Ang orihinal talaga na plano ng Amerika noon ay gawing “Pearl Harbor II” ang Pilipinas. Ito ang magbibigay ng malaking kapangyarihang militar sa kanila dito sa Asya. Di ba kayo nagtataka na kahit wala naman masyadong nakukuha sa conservatismong bansa natin ay patuloy pa rin tayong sinusuportahan ng bansang Amerika? Dahil sa hindi tayo maiwanan. Napakalaki ng potensyal na nakikita ng bansang Amerika para sa atin na tayo nama o ang gobyerno natin ay hindi makita dahil puro politika, media, at bangayan lang naman ang inaatupag.



Pero kung titimbangin natin, malaki talaga ang magbabago kung tayo ay napasailalaim na lang ng bansang Amerika. Kung tayo ay tuluyan na lang nilang pnamahalaan at hindi binitiwan. Siguro mas nakakaraos tayo at di nahuhuli. Di tayo nanatiling third world na ilang dekada na tayong nakadikit, napako, at hindi umuusad.. Ang masama pa nga ay baka tayo umatras pa at maging Fourth World.


Marami ang nagmamahal sa bansa natin. Minamahal ang kalayan na ating natamo noon pa man. Isa ito sa pinaka-importanteng bagay dahil ito ang nagbibigay kahulugan sa atin. This is our identity. We are Filipinos. Proud to be. Kahit papano ang isiping ibang nasyon ang nagmamay-ari sa atin ay di katanggap tanggap kaya nga ibinuwis ng mga bayani natin ang kanilang buhay para mapalaya ang ating bansa. Mahal na mahal ko rin ang Pilipinas. At alam kung ikaw din. Kahit papano hindi mo rin gustong mabago ang sitwasyon na kinalakihan mo. Ang malungkot lang ay kahit masaya tayo sa kalayaan ng ating bansa, di pa rin natin maiwasan marinig  paminsan minsan ang salitang “I SHALL RETURN.”

PS: Siya nga pala kung ang pag basa mo sa spelled word na “M-A-C   H-I-N-E” ay “mak-hi-ne”. Tsong mali ka, dahil ang salitang yon ay “machine”. =D

Sunday, November 25, 2012

Tarpaulin



Lahat makikita mo ito. Kahit saan ka pumunta dito sa bansa makikita mo talaga ang mga karatulang o signage na tulad nito: 


O yung mga tarpaulin na ganito:


Yung mga sikat na ganito:


At ito din,


Mas malaki pa ang pagkakasulat sa pangalan ng politikong nagpagawa kaysa kung ano ang proyektong pinagawa niya. Ipinagsisigawan ng pangalan nila na may ginawa sila. Na mabuti ang kanilang pamamahala at mabuti silang politiko. Sa susunod na eleksyon ay iboto niyo ulit ako para sa mas malaki pang pangalan at karatula ang maibibigay ko sa inyo.

Ang mga proyekto at programa ang pinakaklaro na paraan para maipakita sa publiko na may ginagawa ka para sa bayan. Ang pagpapayos ng mga imprastaktura, mga pabahay, libreng gamot, pagkain, at pagbibigay ng trabaho ay ilan sa mga sikat na proyekto na ginagawa ng mga politiko para sa mga mamamayan. Maganda sanang isipin na para sa mga mamayan ang ginagawa nila. Para sa ikauunlad ng bayan. Pero hindi eh, karamihan sa mga kanila ay ginagawa ito para bumango ang pangalan nila. Di  nila ito ginagawa nna walang kapalit.

Kung iisipn mo ang lalaki pa ng mga poster nila. Pinaayos lang ang kalsada may malaking tarpaulin na nagsasabi na, “Salamat Mayor sa pagpapa-ayos ng kalsada.” Pati mga basurahan sa mga barangay may pangalan ng kung sinong konsehal o politiko. Yung mga garbage truck may pangalan ng mayor, akala niya pag-aari niya ito na sa katunayan ay sa munisipyo naman ito. Ang lalaki ng mga tarpaulin na ilinalagay nila sa bawat proyekto na kanilang ginagawa, gaano man ito kaliit. Ipinagsisigawanna may nagawa sila na sa katunayan ay trabaho naman tlaga nila ito. Kahit ba naman mga relief goods at donation, may pangalan pang naksulat. Kung taos puso nila itong binibigay ay dapat wala na niyan. At kababayan, sa tingin mo ba sarili nilang pera ang ginagasta nila sa pagpapagawa ng mga tarpaulin at karatulang bumibitbit sa kanilang mga pangalan?  

Napakabuwiset talagang isipin ang ginagawa nitong karamihan sa mga politiko. Umaastang pag-aari nila ang buong bayan na kanilang hinahawakan. Kung iisipin natin hindi naman talaga nila pag-aari ang mga proyektong kanilang pinagawa. Galing ito sa buwis natin. Okay lang kung sarili  nilang pera ang pinagawa sa proyektong iyan, kahit saan puwede lagayan n pangalan nila. Pero hindi, pera natin yan, buwis na ating ibinbayad taon taon sa pag-asa na may gagawing matino ang ating pamahalaan. Ano ba ang karapatan nila na ilagay ang kanilang mga naglalakihang pangalan eh sa atin naman nanggaling ang pondong ginamit para maisagawa ito? At isa pa tungkulin at responsabilidad nila ito. Hindi na parang ipinakikita nila na tayo pa ang may utang na loob dahil naipagawa nila ang mga proyetong yan. Public Service, yan ang kanilang pinasok na trabaho ngunit karamihan sa kanila ay nabubulag na ang kanilang pnsukang posisyon ay pagiging hari. Nandiyan ka sa posisiyon upang pagsilbihan ang mamayan, hindi kami ang magsisilbi sa iyo.

Gumagasto pa sila ng mga unneccessary expences kagaya ng mga tarpaulin na iyan. Katunayan na hindi naman kailangan yan. Wala naman sa batas na kailangan ilagay ang pangalan nila sa bawat proyekto. Kung gusto nilang ipahiwatig at iparating na may gingawa ang gobyerno ay puwede namang, “Project of the Government” o “Proyekto ng Munisipyo”. Pero wala rin namang batas na nagbabawal sa kanila upang hindi gawin ito kaya wala tayong magagawa diyan. May ilang nga panukala na pilit ipinapasa sa kongreso tungkol dito sa pagababawal sa pagsuslat ng mga sarili nilang pangalan sa mga proyekto ngunit sa kasamaang palad, maraming politiko ang tumututol dito.

Para sa iba ayos lang naman ang ganito, para makikita daw nila kung tunay ngang may ginagawa ang isang nakaupo sa gobyerno. Mahirap din daw kung wala eh, di nila makikita ang ginagawa ng isang politiko. Kung may gawing proyekto lahat sila sasabihin sa kanila iyan.  Minsan yung tunay pang may ginawa ay siya pang naitataboy. Kulang na daw sa matatapat at mabubuting politiko dito sa atin. Puro mga sinungaling at mapagsamatala maganda na rin daw isipin na kahit papaano ay nakita silang katunayan na may ginawa rin ang walang kuwentang lider na kanilang ibinoto. Kahit papano napapakinabangan naman daw ang mga naglalakihang tarpaulin na kanilang ipinagawa. Pantakip sa mga butas ng tumutulo nilang mga bahay. Mahirap daw makita ng isang tulad natin na medyo may kaya ang pananaw ng isang mahirap. Na kung bakit sa kanila ang ganitong paraan ay ayos na. Hindi daw sila tulad natin na may panahon para bumasa ng mga dyaryo tungkol sa “performance” ng isang politiko, wala din silang panahon upang maging mapagmasid dahil araw-araw binubuhay nila ang mga pamilya nila. Okay lang ang mga relief goods na may pangalan ng politikong sinsabing nagbigay nito. Pagkain na ito sa isang araw, salamat daw sa kanya at nabigyan pa sila ng ilang araw para mabuhay. Di daw tulad natin na iniisip ang malayong hinaharap, sila ay makaraos lang sa isang araw ay ayos na.

Napakulungkot man isipin ay may punto sila. Tama nga naman, sino ba tayo para husgahan ang pananaw ng nakakarami sa ating mga kababayan. Kahit na ayaw na ayw ko sa pamamaraang ito n mga politiko natin, di rin mawala sa isipan ko na maaring magkagulo kung walang tamang sistema kung paano masusukat ang ginagawa ng isang nahahalal na opisyal ng gobyerno. Sa bansang kung saan “performance” ang nagbibigay kahulugan sa iyong buhay politiko kahit papaano ay mahalaga ding malaman kung talagang may nagawa ka para sa bansa.

Pero di naman imposible di ba? Kung makikita ng lahat na may malaking naipagbago sa panahon ng iyong pamamahala ay sayo naman mapupunta ang pasasalamat. Kung maganda at naitatak sa mga tao ang serbisyong naibigay mo sa kanila ay sapat naman ito di ba? Dati naman ang ganitong mga bagay ay gingawa naman ng mga lider natin. Dati kung saan nakikita pa ng mga tao ang pag-asa.    Paniniwala at katapatan, sa panahon ngayon at sitwasyon ng ating bansa ay uubra pa ba ito? Sa bawat eleksyon ay dumarami lang TRAPO, may pag-asa pa bang mabago ito? Sa panahon na sana ay susulong tayo ay tila unti unti tayong umaandar paatras. Dahil sa sariling ambisyon at  kasakiman ng kapangyarihan ng iba ay unti unti ng nawawala ang bansang ipinaglaban ng ating mga bayani.


PS: Uli ang mga imahe sa itaas ay nakopya ko lang ho sa google at hindi ko pag-aari.

Saturday, November 24, 2012

Lilim ng Puno



Maraming klase ng puno pero maklaklasipika natin ito sa dalawang kategorya; ang madaling tumubo at madaling pakinabangan at yung mga matagal tumubo na umaabot pa nang ilang taon para makita at magamit. Kung papagpiliin ka, alin ang itatanim mo?  Siguro maganda yung mga punong madaling tumubo, mapapakinabangan kaagad at malalasap mo ang bunga. Di tulad ng isa na baka mamatay ka pa ay di mo pa magamit.  Sa panahon ngayon, ano ba ang mas mahalaga? Ang kapakanan natin o ang para sa iba? Nagtatanim ba tayo ng mga puno para malasap natin ang mga bunga nito o itinanim natin ito para sa susunod na henerasyon? Bakit ba tayo naging isang lider? Ganyan ba kaimportante para sa isa ang makilala ka habang buhay pa? Makapagtayo nang “Legacy” para maipagmalaki sa iba?  Ikaw ano ba ang itatanim mo? Ang punong malalasap mo pa ang lilim o ang punong alam mo na hindi mo na makakamtan ang bungang hinahangad?

Ito ay isang kuwento tungkol sa magkapitbahay. Napansin nila na tuwing tag-araw ay napakainit sa lugar nila. Napagdesisyunan nilang magtanim ng puno sa kanya-kanyang bakod. Pinila ng una ang punong madaling tumubo na sa loob lamang ng dalawang taon ay makakapagbigay na lilim na kanyang inaasam. Ang isa naman ay pumili ng punong matagal tumubo, halos aabutinpa ng limanpung taon para malasap ang lilim na kanyang pinapangarap. Pagkaraan ng ilang taon ay lumaki kaagad ang punong itinanim ng una. Malapad at  nakapagbigay ito ng lilim na kanyang gustong gusto lalo na sa init ng panahon. Nadarama niya ang preskong hangin sa ilalim ng puno at tuwang-tuwa siya. Ipinasikat pa niya ito sa kanyang mga kakilala. Pinadama niya sa kanila ang coportableng pakiramdam na kanyang nadarama sa ilalim ng punong ito. Hinikayat pa niyang gayahin din siya at pawaring tinukso ang kanyang kapitbahay na sa panahon na iyon ay sing taas palang niya ang punong itinanim. Sana daw ay ginaya na lang daw ng kapitbahay niya ang punong napili niya at sa gayon ay dalawa na sana silang may masisilungang lilim. Wala daw kwenta kung di mo naman magagamit ang bunga ng iyong pinaghirapan. Tiniis lang ng kapit bahay niya ang pangungutya. Pagkalipas ng ilang taon ay may trahedyang naganap. May dumating na bagyo sa kanila at sa kasamaang palad  natumba ang punong itinanim ng una at sa bahay nila ito tumama. Napilitang lumipat ng lugar ang lalakeng nagtanim ng punong mabilis tumubo. Mahihirapan siyang ibangon muli ang buhay ng kanyang pamilya sa lugar na iyon. Siguro dahil nga madaling tumubo ay hindi maganda ang pagkakapit ng mga ugat sa lupa kaya madaling napabagsak nang bagyo.

Pagkalipas ng maraming taon, nang matanda na siya ay naisipang bisitahin ng lalakeng nagtanim ng punong mabilis tumubo ang dati niyang lugar na kinagisnan. Ibang iba na ito, sa tagal niyang hindi nakapunta dito ay di na niya halos makilala ang lugar. Habang naglalakad siya ay nakita niya ang isang napakalaking puno, ang taas, ang lalaki ng mga sanga, at ang lawak ng lilim na naibibigay nito. At dito niya naalala, ito pala ang lugar na kung saan itinanim ng kapitbahay niya dati ang punong matagal tumubo. Nakita niya ang kapitbahay niya, ang tanda na rin na katulad niya ay may ilang taon na lang na natitira sa mundo. Ito ay kanyang linaptan at kinumusta. Hindi na pala ito nakakalakad at sa bahay na lang nanatili.

“Alam mo. Napakaganda ng punong itinanim mo. Ang lawak n lilim na naibibigay nito. Preskong presko sa pakiramdam pero kaibigan, sayang din lang naman ito. Kung katulad ng punong itinanim ko ang iyong ginamit sana ay nalasap mo ang napakasarap na lilim na naibigay nun. Di tulad nito, hindi mo na magamit ang iyong itinanim dahil matanda ka na at di na makalabas. Para saan pa ang lilim ng punong ito?”

“Kaibigan, sa simula pa lang ay alam kong di ko na malalasap ang lilim ng punong aking itatanim. Hindi yun ang intensyon ko. Itinanim ko ang punong ito dahil ito ay matatag at hindi kaagad matutumba. Itanim ko ito dahil alam kung magiging maganda ang lilim na maibibigaw nito balang araw. Hindi ko ito itinanim para sa aking sarili. Nakikita mo ang mga anak at apo ko sa ilalim ng puno? Nakikita mo ba ang kanilang ngiti at sarap na nararamdaman sa ilalim ng lilim ng puno? Itinanim ko ito para di nila madama ang init na nadarama natin noon sa kawalan ng puno. Itinanim ko ito para makita ko ang mga ngiting iyan.   Itinanim ko ito para sa kinabukasan.”

PS: Ang kuwentong ito ay gawa ko lang. At oo ang pamagat nito ay Lilim ng Puno. Inspirasyon ko talaga ang kasabihang nakapaskil sa itaas. Napakamakahulugan talaga ng kasabihang iyon. Sana nagustuhan niyo ang kuwento. Nagawa ko yan habang inom ng inom ng chuckie at isang oras na paglalakbay ng isipan. :D 

Thursday, November 22, 2012

Hayop Ka!



Siyempre dahil book report ang topic natin kahapon, hindi ito kompleto kung wala ang pagsusuri. Nandito sa parteng ito kung paano naintindihan ng mambabasa ang ang libro at kung talagang nakuha niya ang mensahe o nagcopy-paste lang siya sa internet. Masaya ang parteng ito dahil dito talaga malalaman ng prof mo kung tunay kang nagbasa o gumagawa ka lang ng iyong sariling pagsusuri. Dito mo rin malalaman kung binabasa nga ng prof mo mga gawa mo o tuluyang itinatapon para ipakain sa kampon ng kadiliman.

Ang susunod na kuwento ay true story (pramis at dis is really absurd!):

Deadline na ng pagpasa ng isang reaction paper at dahil ang isa kong kaibigan ay magaling na estudyante ay nakalimutan niyang gumawa. Dapat kasi naaalala mo ito one hour before passing para may 30 mins ka pa makagawa. Sa kasamaang palad ay nakalimutan niya talaga. He was on the verge of panicking dahil kelangan talaga ang papel na iyon at ito ang magdidkta sa kinabukasan niya. At para mas masaya pa, one-page reaction paper lang yun at hindi talaga siya papanic dahil ang totoo 3 hours before ay alam na niya. Tinatamad lang talaga gumawa hanggang di niya namalayan 10 mins nalang. Ohhh what to do? INC nalang? No way jose! Nakita niya isang kaibigan namin na kaklase niya sa subject na iyon at hininga niya yung reaction paper. Pumunta sa xerox center, kopya at liquid copy pa! Kung saan manipis ang bond paper na parang see through at ang labo ng ink. Humiram ng white-out at binura ang pangalan ng hiniraman para isulat ang pangalan niya. Oh yes, encoded yung buong paper pero yung ibabaw ay ginamitan ng white-out at sinulatan lang ng ballpen, asul pa ang kulay.  Ipinasa niya ito habang kami ay tawa ng tawa. We were sure na hindi makakalusot yun at tatawagin siya ng kanyang prof. After  a week ay ibinalik na sa kanila ang kanilang ouput and ohmygoodness, flat 1 ang grade niya kahit klarong klaro na ipinaxerox lang niya ang papel na iyon. And the legend begun.

Anyway, matapos ang mahaba kung patalastas ay bumalik na tayo sa aking pagsusuri sa ating kuwentong Alamat ng Gubat. Nalaman natin na ang isang bansa ay maiihalindtulad sa isang malaking gubat. Kung sino ang mga makapangyarihang hayop ay siyang gumagala at ang mga maliliit naman ay nagtatago. Iniiwasang maging biktima at maging ulam ng mga naglalakihang mga hayop. This book really depicts the socio-political status of our country, where the ones who have power and position rule the top and the normal citizens like us are being played at palm of there hands. Sino ba ang hari ng gubat? At ano ba ang puso ng saging? Tunghayan ang aking pagsusuri na pa-deep-kuno at parang pinag-isipan.


Si Tong at ang Karagatan

Ang bida sa storya ay si Tong, isang talangka, anak ng hari ng karagatan na may sakit. Kung susuriin natin, naipapakita dito na si Tong ay katumbas sa isang lalaki na ipinanganak sa mabuting kapaligiran at masaganang buhay. Ang ama niyang hari ay sumisimbolo ng isang makapangyarihan at mayaman na tao. Si Tong ay nabuhay ng mabuti at hindi dumaan sa mga paghihirap ng buhay. Isa siya sa mga taong mapapalad na pinanganak sa “upper class”.

Si Buwaya, Bibe, at Palaka
               
Ang mga karakter na sumisimbolo sa mga may kapangyarihan sa kagubatan. Sa ating bansa ay maraming buwaya at katulad nang hayop na sinisimbolo nito ay ang kanyang ugali. Sakim at gustong maankin ang lahat. Makikita natin ito sa kuwento ang paghingi niya ng perlas kapalit nang impormasyon. Maihahalintulad ito sa mga kurakot na “public officials” na naka upo sa gobyerno. Kapangyarihan at kurapsyon, ito ang bumubuhay sa mga buwaya na gustong ankinin ang lahat.
                Ang Bibe ay sumisimbolo sa mga “social climber” nang ating kommunidad. Nag-aayos maganda, pasexy, at kaakit akit upang mahumaling sa kanila ang mayayaman at may kapangyarihan na katulad nina Palaka. Si Palaka katulad ni Buwaya ay sa mga taong nasa posisyon din. Mga opisyal ng gobyerno na nakaupo sa mga mahahalagang opisina upang maiplementa ang pagbabago sa bansa ngunit ito ay kanilang sinasamantala. Sa kuwento ay sinabi na ninakaw daw ni Palaka ang mga perlas sa karagatan na pag-aari ng ama ni Tong. Parang sinasabi dito na ang mga perlas ay ang mga nakukurakot ng ibang mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng mga gastusin sa mga proyekto na para namang hangin.

Si Leon at Daga
                Makikita sa dalawang karakter na ito na ang makapangyarihan ay hindi kelangan na naka-upo sa gobyerno. Kung akala natin ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa ay ang Presidente, nagkakamali po tayo diyan. May mga taong hindi natin namamalayan o masyadong naririnig pero may malakas na impluwensya sa mga desisyon at kung ano ang tatahakin ng bansa. Sila ang may minsan kapit sa kommunidad at kinatatakutan ng mga tao. Halimbawa na lang dito ang mga sindikato, ang lider ng sindikato ay kinatatakutan ng lahat pati ng mga taong may posisyon sa gobyerno tulad ni Buwaya. Ang mga taong ito ay ang Leon ng kagubatan, makapangyarihan at kinikilalang hari ng lahat. Hindi na kelangan ng titulo dahil tingin palang ay alam na natin na siya ay dapat katakutan.
                Siyempre, di mawawala ang kanang kamay ng Leon at ito ay pinakita ng may-akda sa pamamagitan ni Daga. Mapapatanong tayo kung bakit daga ang ginamit na simbolismo ng may-akda. Simple lang naman, dahil ang daga ay mabaho. Ito ang makakita mong gumagawa ng mga “dirty jobs” para kay Leon. Siya rin ay taksil at tagasumbong kay Leon sa lahat ng nangyayayari sa kapaligiran. Ika nga  nangangamoy.
    
Si Ulang

                Si Ulang, ang gumagawa nang wala. Masarap ba ang walang gingawa pero binbayaran? May sahod at benipisyo? Ang mga empleyadong nakaupo lang mag-hapon sa opisina, late na dumadating. Puro lang snack at natutulog pa. Mga taong mahilig gumawa ng wala para magkapera. Inililista ang ginawang trabaho sa araw eh sa katunayan wala namang ginawa. Para makakickback at magkaroon ng sapat na pera. Mga taong gumagawa nang wala.



Ang mga Insekto
               
Sila ang sumisimbolo sa nakakaraming masa dito sa bansa, ang mga mahihirap, magsasaka, mangingisda, at iba pang nabibilang sa “lower class”. Makikita natin dito ang kanilang damdamin na dahil hindi sila pinapansin at napapabayaan ng gobyerno ay kelangan nilang maghimagsik at isigaw ang kanilang mga hinanaing. Naipakikita rin dito na sa mga ganitong pangyayari ay lumalabas ang mga oportunista tulad ni Tipaklong na interesadong matuloy ang himagsikan at reporma para mapabuti ang ang sariling estado ng buhay na sa katunayan naman ay wala naman talaga siyang gingawa sa buhay. Ito ay mariing tinutulan ni Langgam na siyang nagsusmikap para makaahon sa buhay. Isa sa magandang sinabi nya ay, “Ang laki at liit ay nasa isip lamang. Bakit kami ni Gagamaba at Bubuyog may naipundar din naman? Nasa pagsisikap lang yan ng tao.” Tama naman siya, ang isa sa mga rason kung bakit marami ang naghihirap ay nasa mentalidad na rin nating mga Pilipino na umasa sa tulong ng iba. Kung lahat tayo ay tulad ni Langgam siguro sa pagsisikap at tiyaga ay may naipupundar na rin tayo di tulad ni Tipaklong na puro lang reklamo.

Ang Mga Hayop Sa Kagubatan

                Ang Masa,  naipapakita ng bawat hayop ang karakter ng mga tao at sitwasyon ng bansa natin. Mabagal, magulo, at walang pagkakaisa.  Sinisimbolo ni pagong ang kabagalan natin sa pag-unlad at conservatismo. Ang humahadlang sa atin upang subukan ang modernong pamamaraan dahil ito ay hindi naayon sa ating mga paniniwala. Pinipigilan ang mga bagong programa na magdadala sana sa atin sa sunod na bahagi dahil ito ay hindi sang-ayon sa matagal ng paniniwala at linalabag ang utos na kanilang mga isinulat. Matagal na silang nandito at kahit noon pa man napagdesisyunan ng maihiwalay sila sa gobyerno ay patuloy pa rin nila itong pinakiki-alaman. Conservative, ikinukulong tayo sa mga dating paniniwala kaya bumabagal ang pag-unlad ng ating bayan.
                Isa rin sa ipinakitang kahawig na nangyayari sa ating bansa ay ang eleksyon na naganap laban nina Pagong, Aso, Kuneho, Tipaklong at Langgam. Pinakita kung paano nila nililigawan ang madla. Puno ng mga pangako na hindi naman kadalasan natutupad. Lahat ng gimik ginagawa upang makuha ang boto ng mga tao. Ang mga mabubuting kandidato na tulad ni Langgam ay siya ring natatalo dahil sa mga maruruming taktika ng mga kalaban. Katulad ng pagbibili ng boto katulad ng ginawa ni Kuneho at Aso para mabili ang boto ng mga Langaw.

 
Ang Plano ni Leon

                Katulad sa kagubatan, dito sa ating bansa ay may mga “predator” at ito ang makakapangyarihang nilalang na komokontrol sa ating lipunan sa anino. Ang mga mayayamang makapangyarihan na kahit ang gobyerno ay walng nagagawa at ito ang inaanino ni Leon na gustong lipunin ang mga hayop na nagtatangkang bumuo ng gobyerno at puso ng saging. Sa pamamagitan ng matinik niyang kanang kamay na si Daga, dito naipapakita ang mga ahas sa lipunan na siyang nakkikinig at kumakalap ng impormasyon par ibigay sa kanilang “boss”. Ginamit ni Leon si Tong Katulad ng paggamit ng ilan sa iba upang makamit ang kanilang hangarin.
                Sa kuwento rin ay nagpakita si Katang, kapatid ni Tong na nagtaksil sa kanya sa pamamagitan ng pagbenta sa kanya kay Leon kapalit ang tatlumpung pirasong pilak na maihahawig natin sa pagtaksil ni Hudas kay Hesus.  Dahil sa inggit at galit nito kay Tong ay pinagtaksilan niya ito. Ito ay makikita sa lipunan natin, mga kapatid at kaibigan na nagtataksilan at nag-aaway dahil sa inggit at paghahangad ng kapangyarihan.

Ang Puso ng Saging

                Ito ang sumisimbolo sa pag-asa at konsensya ngunit sa kuwento ay inaakala din ng mga hayop na ito ang mag-aahon sa kahirapan. Naipakita na sa huli ang sariling interes din ng bawat isa ang kanilang iniisip katulad sa bansa natin na kulang ng pagkakaisa at halos lahat ay sarili ang iniisip. Ang puso ng saging ang pag-asa ngunit kung gagamitin sa maling paraan ay ito rin ang ikakaguho at ikasisira ng ating lipunan.

Si Matsing at ang Panibagong Simula para kay Tong

                Kung naghahanap ka ng saging kanino ka magtatanong? Yan ang tinanong ni Matsing kay Tong. Marami sa ating Pilipino ang naliligaw, hindi alam ang patutunguhan at kadalasa ay naghahanap sa maling lugar katulad ni Tong na hinanapa ang saging sa maling lugar at sa maling tao na nagresulta ng pagkasira ng kagubatan. Marami ang mapagsamantalang nilalang katulad ni Leon at Buwaya, kaya kailangan ay marunong tayong tumingin at hindi nag papa-uto. Ito ang tinuro ni Matsing kay Tong, na tayong mga Pilipino ay hindi dapat uaasa lang sa daloy ng buhay, na tayo ay dapat kumilos at simulan ang pagbabago mismo sa ating sarili. Tayo mismo ang magsisimula nito, konting disiplina lang, kung ang mga namumuno ay iisipin nila ang kapakanan ng lahat, kung nagkakaisa lang tayo upang malupig ang Leon at Buwaya ng lipunan, kung gagamitin lang natin an puso ng saging para sa pagbabago. Makikita din natin ang pag-asa sa likod ng lahat ng ito. Katulad ng sa huling bahagi ng libro, lalabas din ang bahaghari.
 

Wednesday, November 21, 2012

Alamat ng Gubat


Lahat tayo sa kabutihan o sa kasamaang palad ay pinagawa na ng book report noong nasa kolehiyo pa tayo. Para sa iba na mahilig magbasa na tulad ko (oo, seryoso. Pramis) ay madali lang ang gawain at para naman sa hindi at tamad gawin ito ay madali pa rin dahil mayroon ng internet. Malas mo lang kung ang ikinopy-paste mo ay may katulad sa klase, sigurado may masarap na limang piso kang matatanggap galing sa napakabait mong professor. Sa mga hindi nakagawa at late na para pumasa aypacreative ng dahilan ang bawat isa na ewan mo ba kung saan nila nakuha ang ganyang palusot. Minsan tumatalab naman, minsan ituturo ka ng prof mo patungong impyerno.

Ang mga sikat na palusot:
  1.    Maam, ngbrown-out sa amin!
  2.     Sir, di ko alam pero biglang naging corrupted ang file, wala pa akong back-up! *hikbi* (Dapat magaling kang magdrama kung gagamitin mo ito.)
  3.   Namatayan po kami Maam, nahirapan akong magconcentrate *hikbi*. (Sure fire ito, lalo na kung totoo, mahirap naman di ba kung namatayan ka.)
  4.  Sir, namatay po... uhhhh... ung....uhhh... ung... nanay ko! Huhuhuhuhu. (Sige bigla mong patayin ang nanay mo.)
  5.  Maam, masakit po ang ulo ko kahapon, di ko po natapos. ( Galingan mo pag-arte, diyan nakasalalay kinabukasan mo ulol.)
  6.   Sir, I just realized, I don’t know how to read, I’m illiterate!!! ( Hehehehehe, swabe di ba? Wag na wag mo itong sususbukan.)
  7.   Ahhhh, natusok po ng pisbol stick mata ko!! ( yeah, if you have the guts!)
  8.  Sir, pasensya na ho, nahold-up po yung jeep na sinasakyan ko, natangay yung bag ko, nandoon yung book report ko sir, seryoso po. (True story, ingatan ang yung book report, yung pera mapapalitan, yung mga paper requirements, nakaka-iyak isispin.)
  9.   Ohhh!!! Sir wat a coincidence! Nahold-up din ung sinasakyan kong dyip eh.. hehehehehehe. (Siya yung sunod sa pila nung nakawan ng paper.)
  10.    Ung sunod kay number 9 sa pila. =D Sa sarili: Waw, kaya pala nakabili ako ng book report sa labas, bente lang.


Best thing in college. #mangoquotes

Ayos di ba? Depende na lang kung maniniwala sa iyo prof mo, kadalasan ay hindi. (hehehehehe) Bakit nga ba book report ang pinag-uusapan ko ngayon? Eto ay dahil may natagpuang akong book report na ginawa ko noon na gusto ko sanang ibahagi sa inyo. Sa mga nakabasa na ng aklat na ito, maganda at mabuti, alam kung marami kayong natutunan sa pagbabasa nito. Sa mga hindi pa, eto ang buod ng kuwento ng librong “For adults also”, Ang Alamat ng Gubat.



Buod:

Ang kwentong ito ay tungkol sa mga paglalakbay ni Tong, isang talanka, (ano kamo yung talangka? Para itong alimango na masarap din kainin) na naatasang hanapin ang puso nang saging sa kagubatan dahil ito lang ang makakapagpagaling sa kanyang amang hari. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong niya ang iba’t ibang hayop sa gubat na may kanya kanyang pananaw at ugali.
Una niyang nasalubong si Buwaya na kapalit ng impormasyon na maibibigay niya tunkol sa puso nang saging ay humingi ng perlas. May sidekick pala ang buwaya isang maya, at ng hinihingi na ni Tong ang impormasyong kanyang hinahanap ay bigla siyang pinagtangkaang kainin ni Buwaya.  Sunod niyang nakilala ay si Bibe na kumakapit kay Palaka dahil marami itong perlas at sinasabing hari nang kagubatan. Ngunit biglang sumipot si Leon at ang kanang kamay na si daga, at sa utos nito ay biglang kinain sina Bibe at Palak ni Buwaya. Kakainin na sana ni Buwaya si Tong kundi siya pinigilan ni Leon. Mabait naman pala si Leon at tinulungan pa niya si Tong, sinabihan niyang hanapin si Aso dahil ito ang marunong kung nasaan ang puso nang saging. Naabutan din niya ang mga insekto na nagtatangkang maghimagsikan laban sa mga hayop sa gubat. Sa dalampasigan ay si ulang na walang ginagawa.



Nahanap din niya si Pagong na siyang nagturo kung nasaan si Aso. Sinabi ni Aso na ang puso ng saging ay pinag-aagawan nang lahat ng hayop sa gubat ngunit di ito makukuha dahil guguho ang gubat pag mahiwalay ang bunga sa puno. Pero kung gagamitin ito sa paggamot ay maari itong makuha at may kasama pa itong kahilingan. Nakipagkasundo si Aso na kapalit ng paggamot ng ama ni Tong ay sa kanya mapupunta ang kahilingan. Ayos na sana ang lahat ngunit biglang nagprotesta si Kuneho, ang makakapitas lang daw ay ang karapat dapat at siya iyon. Sumali na rin ang ibang hayop at napagkasunduang magka-eleksyon kung sino ang tunay na hari. Sa gitna nang  botohan ay napansin nila na nasundan pala sila ni Leon. Nakapagsunduan nila na pitasin na lang ang puso nang saging at hilingin ang kaligtasan ng lahat nang hayop sa gubat. Ngunit kahit sa pagpitas na nito ay hindi sila magkasundo kung sino dapat pipitas at sa huli ay dumating na si Leon kasama ang kapatid ni Tong na si Katang na siya palang nagtaksil sa kanya kapalit ang tatlumpong pirasong pilak. Nakuha pala ni Aso ang puso ng saging ngunit sa halip na hilingin ang kaligtasan ng lahat ay kanyang sariling interes ang inuna. Dahil dun, lahat nang hayop ay napasakamay ni Leon, daga, at buwaya. Si Tong lang ang nakaligtas sa nangyaring masaker. Di nagtagal ay nagkita sila ni Matsing na nagsabing nasa kanya ang Puso nang saging. Sa proseso ng pagbigay ni Matsing kay Tong ng puso ng saging ay ipinaliwanag niya lahat ng nangyari at itinanong kay Tong kung kontento ba siya sa kalagayan nang gubat ngayon. Biglang nagkaroon ng panibagong mithiin si Tong, ito ay ibahin ang pamamalakad sa gubat. Magkarooon ng pagbabago para sa ikakaunlad ng lahat.  Ibinigay ni Matsing ang puso ng saging at kaagad itong kinagat ni Tong, lumiwanag ang paligid at nabuhay nang maligaya ang lahat sa gubat.



Ang Pilipinas ay isang malaking gubat. #mangoquotes

   Ganda ng kuwento, puno ng simbolismo. Ang kwentong Alamat ng Gubat ay isang librong pambata na para sa matatanda. Sa unang tingin ay para lang itong isang kwento na nagbibigay ng “moral lesson” sa mga bata ngunit ito ay higit pa dyan. Ito ay nagpapakita sa kalagayan nang kommunidad at politika ng ating bansa. Ang kwento ay puno nang simbolismo at gustong iparating ng may-akda ang kalagayan at kung ano ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Ang Pilipinas ay isang malaking gubat. Malaking gubat na kung saan ang mga naglalakihang hayop ang siyang may kapangyarihan. Sila ang kumukontrol sa halos lahat ng pangyayari sa kagubatan. Naiisip kung  i-post ito dahil sa kanyang mensahe na ipinararating, na tayo ang mga hayop sa gubat, di magka-isa, watak watak, at pansariling kapakanan ang iniisip. Kailan pa ba natin makikita ang malaking larawan at hindi lang pansariling kapakanan ang ating ipinipinta?

matapat #mangoquotes

PS: Ang ilang imahe na nagpapakita ng alamat ng gubat ay nakuha ko lang sa google.
Si Bob Ong ang may-akda ng kuwentong ito, isang magaling na manunulat na gumigising sa aking mga pananaw bilang Pilipino.



Tuesday, November 20, 2012

Ang Sapatos


Bakit ba ang ilan sa ating mga Pinoy, porke’t may pinag-aralan at nakatapos ng kolehiyo ay nagiging mapagmataas na?  Tingin nila sila ay nakakalamang sa iba at tingin nila sa mga ito ay mga alipores, mg walang pinag-aralan at hindi nila kalevel sa mundong ito. Ang Pinoy pagnabibigyan ng mataas na estado ng pamumuhay ay biglang nagkakaroon ng karapatan mangmata ng kapwa. Kung makatingin sa iba ay parang siya ang may-ari ng lahat, inuutos ang respeto, masyadong magaling, mapanghusga sa mga mahihirap.

Naalala ko ang kuwento tungkol sa isang senador na pumunta sa Amerika at dahil sa panahon na iyon ay Senate President siya ay umaasa siya ng special treatment kahit saan siya pumunta. Paglapag sa airport ay inutusan siya ng mga guwardya doon na sumunod sa mga security procedure. At dahil nga mapagmataas ang Senador na ito, ayaw niyang hubarin ang kanyang sapatos at ng hindi siya pinapasok at pinakiki-usapang sumunod na lang sa procedure ay biglang nagalit at biglang sinabi sa mga security personnel , “Don’t you know I’m the Senate President of the Philippines?” na may halong panglalait at pangmamata. Dahil hindi na siguro makayanan ng isang guwardya sa airport na nagkataon na Pinoy sa ipinakikitang pagmamataas ng magaling na senador ay lumapit ito at sinabi, “Sir, kahit po an V-Pres. Al Gore sumusunod sa mga procedure dito at tinatanggal ang kanyang sapatos.”

Biruin mo sa pagtanggal lang ng sapatos ay nagkaron pa ng walanng kwentang pangyayari dahil sa pagiging mapagmataas ng isang tao. Hindi naman mahirap tanggalin ang sapatos di ba? At alam naman natin  na sa airport my  procedure talaga na ganun, ngunit hindi eh, isa ako sa mga namumuno sa aming bansa, kelangan ko ng special treatment, sarap sapakin di ba? Ang konsepto ng ating bansa ay no one is above the law and we are all equal, no one is exempted in following the rules.  Patas patas lang tao dito kaya wag magmalaki.
Kung sabagay, masarap para sa isang Pilipino ang bigyan ng special treatment, nagkakaroon kasi ng ibang kahulugan ang iyong buhay, na parang mas nakakaangat ka sa iba. At yan ang gusto gusto natin, aminin man o hindi, sa ating mga puso ay nandiyan na kagustuhan na makaangat sa iba, bakit naman hindi. Sa bansang ito lahat ay gustong magkaroon ng kahulugan ang kanilang pagkatao. Kung maimbita ka sa isang pagsasalo ng mga kilalang tao eh nagkakaroon ka ng satisfaction na minsan mo lang nararanasan, kung mapadiyaryo ka o telebisyon nagkakaroon ka na ng “bragging rights”. Isa itong mababaw ba kaligayahan ngunit ito lang naman ang kayang makuha natin, sa bansang patuloy na bumabagsak.

Sa pagiging mapagmata natin ay nakikita ang ating kahinaan, ang kagustuhang maging lamang sa nakakarami. Ang ating panglalait sa mga taong mas mababa ang pinag-aralan, dahil saleslady , siekyu, karpentero, construction worker, maid, driver lang sila. Na sa oras na may magkamali ang may kasalanan ay sila dahil nga mas mataas ang iyong pinag-aralan, dapat kang respetuhin at dapat na pahalagahan. Mga baluktot na paniniwala na kuhang kuha ng mga pinoy.

Sana naman ay gumising naman tayo ng konti, maging makatao. Dahil minsan kung sino pa yung may mga pinag-aralan ay yun pang galling sa basurahan ang ugali.

Monday, November 19, 2012

Juan Time Only



Para sa post ko kahapon tungkol sa Filipino Time, isang magandang balita, ang Senate natin sa pangunguna ni Senador Merriam Defensor Santiago ay nagfile na ng bill na nagnanais na magkaroon ng isang synchronize na oras ang lahat ng ahente at opisina ng gobyerno, kasali na dito ang Government controlled corporations at ang mga local na pamahalaan. Kasali na rin dito ang private at government televisions and radio stations.

Isa ito sa malaking hakbang para mabawasa an gating pagiging huli palagi, kung may isang oras na sinusuno ay magkakaroon tayo ng sense of urgency o lahat ay magiging aware sa oras kaya kahit papaano, unti unti, mababawasan na rin ang pagiging “Filipino Time”.

Alam ko rin ang iniisip niyo, hindi naman literal na oras ang Filipino Time, isa itong konsepto, isang ugali na nasa Pinoy na, na kahit masynchronize ang lahat ng oras sa bansa ay mahirap pa rin, di pa rin mawawala ang mga palusot na;

“Ay pare trapik!”
“Sorry pare, di tumunog yung alarm.”
“Bagal ng sasakyan e.”

Pero kahit papaano, eh yung mga dahilang “late ng 30 mins relo ko tsong” ay din a oobra. Kahit papano ay mababawasa na rin ang pagiging huli ng mga Pilipino, hindi kelangan madaliin, step by step lang.

Ito pala ang link para sa One Time Philippine Act.

Sa baba ay videos galing sa youtube, Filipino time daw ohhhh.....



Sunday, November 18, 2012

What time is it? Its the Filipino Time


The Filipino Time


Bakit ba marami sa atin ay kadalasan nalalate? Nahuhuli sa mga pagkikitakita at patitipon. Kungang nakapagkasunduang oras ay ala 1, kadalasan alas dos na dumarating. Dahil sa nagiging “habit” na ito nang karamihan ay binansagan itong, the Filipino Time, ang palaging pagiging late.

Basically ang ibig sabihin nito ay wag kang umasa na darating sa tamang oras ang kasundo mo, magbigay ka ng isang oras na allowance dahil sigurado kung hindi ay dalawang oras kang maghihintay, ganan katindi ang Pinoy. Hindi lang ito applicable sa mga pagkikitang barkada o group, pati rin sa mga okasyon at event. Yung programa na sana alas 8 magsisimula ay nadedelay ng isang oras. Mga concert na dalawang oras palaging huli. Hai naku, siguro nga ay tatak Pilipino na ang pagiging huli palagi, kaya yata  nahuhuli din tayo sa ibang bansa.

Kahit sa mga opisina ng gobyerno ay maraming nalalate, huli sa takdang oras ng pagpasok, at kung sino pa yung mahahalaga ang posisyon, yun pa ang kadalasan wala. Saan nga ba ito nagsimula?
Kung iisipin mo, ng nasa elementary ka pa at high school, di kana man ganyan, mahirap malate sa mga panahon na yon, dapat makaattend ng flag ceremony, ayaw mo rin na naisusulat ang pangalan mo sa most late or abscences, mas pogi kung most punctual. Sa panahong ito ay pinahahalagahan pa talaga ang oras ng pagpasok at naitatak sa mga bata ang pagiging masinop. Kung ganon naman pala, saan ba pumasok ang sakit na “Filipino Time”?

Sa college, natuto nang mag-isa ang bata, wala na rin ang magulang na gigising dahil nagdodorm na, dito na nagsisimula ang pagiging late, 1 minute late hanggang 5 min. hanggang 30 minutes na. Lalo na yung kung sino pa ang malapit sa paaralan ay siya pa ang palaging huli One of the mysteries of life. I repeat;

“KUNG SINO PA ANG PINAKAMALAPIT SA PATUTUNGUHAN AY SIYA PA ANG PALAGING NAHUHULI.”
-this is very applicable in college life situations..=)))

Sadyang nagiging tamad pag nasa kolehiyo na nagdadaan sa pagiging late palagi. Siyempre, pagkagradweyt at paghanap ng trabaho, eh nadadala na rin ang katangiang ito.


Sa ibang bansa hindi naman ganyan, pinapahalagahan talaga nila ang oras, kung alas 9 ang usapan, eh dapat 15 minutes nandoon ka na, isang malaking kasalanan ang pagiging huli. Ang mga hapon ang modelo kung sa pag-oobserba ng tamang oras, sa kanilang bansa ay synchronize ang lahat ng mga relo, kaya di pwede ang  dahilang, late ang relo ko dahil lahat ay parepareho ang oras. Naalala ko nga kuwento ng aking kaibigan. Isang hapon daw ang napangasawa ng kanilang barakadang babae at nagdesisyon ito na mag-sponsor ng isang event, hiningi nito ang partisipasyon nila upang tumulong sa event, napakasunduang alas 7 ng umaga ang pagkikita, nalate sila ng  15 min, pagdating nila ay galit ang hapon, hindi daw dapat ganon, kung alas 7 daw, dapat alas 7, yan daw ang problema sa mga Pinoy, di pinahahalagahan ang oras, kaya palaging nahuhuli sa anong bagay.

Masakit mang marinig ang mga sumbat na iyon ay di maikaka-ila na tama siya, isa ito sa mga hindi magandang katangian na naipapasa pasa natin “generation to generation”. Huli tayo palagi, wala tayong sense of urgency, dumadating lang ito pagnakikita natin na huling huli na talaga tayo, hangga’t di natin nakikita na malapit na sa oras ng pagpasok ay hindi tayo kumikilos. Disiplina, yan ang kulang sa atin, na kahit sa pagsunod sa tamang oras ay hindi natin makaya. Kaya hindi tayo umuunlad bilang isang indibidwal at bansa dahil sa malaking lamat na ito sa atin. Tanging ang mga businessman lang sa bansang ito ang nakakakita ng kahalagahan nito kaya may strict time policy talaga sila. Kung patuloy tayong ganito, siguro habang buhay ay mahuhuli na lang tayo, always in the shadow.

But there’s something positive about Filipino Time, ito ay tungkol sa 9/11 bombing, kung dito daw sa Pilipinas nangyari ang terrorist attack na iyon ay hindi malaki ang casualty at di marami ang mamamatay. Nangyari ang pag-atake alas 7 ng umaga, wala pang tao ang mga opisina, kahit pa nga raw alas ay wala pa rin niyan, ung iba gigising pa lang ng alas 9, kaya magiging malaking kapalpakan ang gagawing suicide ng mga Terrorista, at tapos palagi pang delay ang mga flight, sa kabuwisetan ay siguro uuwi na lang yon.

On a serious note, nararapat na nating ibahin ang ugaling ito na ipinangalan na sa atin, sa unti unting pagbabag, sa mga maliliit na bagay ay malaki ang epekto nito sa ating pagsulong pataas, kung nahihirapan man ang nakakataas na simulan ito ay bakit hindi na lang tayo ang gumawa ng unang hakbang.

PS: Again, this images are grabbed from google. =)))

Saturday, November 17, 2012

Ang mundo ay napasayo Langit naman ang gusto mo



Ang kantang ito ay pinamagatang "TAMALEE". This song depicts one of human's greatest weakness greed and hunger for power.  Sa kasakiman nang ilan ay nagdurusa naman ang iba. Uhaw sa kapangyarihan at pera, sa paniwalang yun lang ang paraan para mabuhay dito sa mundo.





Gusto ko ng bagong kotse
Gusto ko ng bagong jeans
Gusto ko ng bagong cellphone
Gusto ko ay ‘di sa ‘kin

Kahit nasa ‘yo lahat
Baka hindi ito sapat
Buong mundo’y mapa-sa’yo
Langit naman ang gusto mo

(Pare) Tama ba ‘yon, tama ba ‘yon, tama ba

Palagi na lang uhaw
Palagi na lang gutom
At kahit anong kainin
Ay hindi nabubusog

Hindi na makuntento
Hindi mapakali
At kahit makaraos
Ay naghihirap pa din

(Pare) Tama ba ‘yon, tama ba ‘yon, tama ba ‘yon

Ano kaya’ng mahalaga
Ano’ng mahirap makamit
Laman kaya ng puso mo
O panlabas mo na damit

Kung dati, wais lang
Ngayo’y nagbago na ako
Nanakawin ko lahat
Pati gatas ng anak mo

(Pare) Tama ba ‘yon, tama ba ‘yon, tama ba

Palagi na lang uhaw
Palagi na lang gutom
At kahit anong kainin
Ay hindi nabubusog

Hindi na makuntento
Hindi mapakali
At kahit makaraos
Ay naghihirap pa din

(Pare) Tama ba ‘yon, tama ba ‘yon, tama ba ‘yon

You better stop, look and see
Put a check on that greed (we don’t need more to get more)
You better stop, look and see
Put a check on that greed

We don’t need your money
We don’t need your gold
We don’t need your system
Or need another loan

I have what I need
My soul and my sin
Is there no other way to get there (other way to get)
Is there another way to cure this disease I’ve

Palagi na lang uhaw
Palagi na lang gutom
At kahit anong kainin
Ay hindi nabubusog
Hindi na makuntento
Hindi mapakali
At kahit makaraos
Ay naghihirap pa din

(Pare) Tama ba ‘yon, tama ba ‘yon, tama ba ‘yon, hey


Listen to Songs: http://videokeman.com/hijo/tamalee-hijo/#ixzz2CXCguSVe
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...