Overheard Overheard Overheard.
(Pinagpasapasahang Kwento.)
Sa isang dyip daw ay may dalawang
magkaibigang lalaki.
Lalake 1: Pare para may dumi yata sa
pisngi mo.
Lalake 2: Saan? (Sabay pahid sa mukha.)
Naalis na ba?
Lalake 1: Hindi nga pare. Ako na nga. (At
tinangal niya ang dumi sa pisngi ng kaibigan niya)
Lalake 2: Pare, naramdaman mo yon.
Lalake 1: Oo pare, parang may SPARKS!
(Habang titig na titig sa kaibigan.)
Lalake 2: Ha? Anong sparks? Tange!
Lumindol ulol.
Lalake 1: Ahh oo naramdaman ko yun.
Yung kwentong yan ay narinig ko lang sa
kapatid ko na narinig din niya sa iba. Astig talaga ang kwentang yan at sabi
nila ay true story daw iyo. Kung nagkaganon man ay naku, mukhang may problema
si Lalake 2 sa kanyang kaibigan. Baka siya ay ma “This guy is in love with you
pare” at mauwi pa iyon sa bromance.
*********************************************************************************
Balimbingan. Ang mga political parties (ito yung partido kung saan ka sumasali
kung gusto mong tumakbo tuwing eleksyon) ay nasa ilalim ng batas ng multi-party
system na ibig sabihin kahit ilang political parties pa ang mabuo at ilang
kandidato pa ang maghangad sa isang posisyon at tumakbo sa eleksyon ay ayos
lang. Kung may 5 presidentiable candidates na gusto tumakbo ay okay lang.
Walang batas na naglilimita kung ilan ang puwedeng tumakbo sa mga posisyon ng
gobyerno. Bumubuo ng mga Partido para lumakas ang kanilang tsansa sa bawat
kalaban. Yng iba naman ay tumatakbong independent para sa kanilang paniniwala.
Bawat partido kasi ay may “ideology” na sinusunod sa pagpapatupad ng mga
programa na kanilang ipinangangako tuwing election. Ang pagiging kasali rin sa
malakas na political party ay mahalaga dahil kung kasali ka sa majority na
party na nanalo ay maganda ang tsansa mo sa pag-angat sa Kongresso, di tulad sa
mga minority na mahina ang boses dahil an dominanteng partido ang komkontrol sa
kongresso. Kung iisipin mo ayos naman di ba? Walang problema? Tuwang tuwa pa
nga ang mga tao dahil marami silang natatangap na “regalo” mula sa mga kandidato.
Mas maraming partido at kandidato mas makulay at maraming “regalo” sa eleksyon.
At pagnatapos na ang eleksyon ay maayos naman di ba? Kanya kanyang partido na
di ba? Tanggapin mo na lang na nasa minority ka at hindi ka mapapaboran ng
presidente dahil nasakabila kang partido. Maghintay nalang ulet sa sususunod na
eleksyon dahil ipaglalaban mo ang iyong prinsipyo at ideolohiya. Mali, dahil
dito na nag-uumpisa ang balimbingan.
Turncoating ang tawag nito sa ingles
ngunit sa atin ito ay balimbingan, ang pagtatalon talon sa isang partido
patungo sa iba at marami tayong mga politiko na ganyan. Kung saan at sino ang
malakas na political party ay doon kaagad tatalon, kinalimutan ang mga pangako
sa kanyang partido. Iniwan ang prinsipyo at dangal. Praktikalan lang naman
hindi ba? Dahil nga ang majority party
ang komontrol ng kongresso ay silarin ang namamahala sa pondo, pork barrel,
kung sino ang mamumuno sa importanteng committee, at mga prelihibeyo kaya mas
maganda kung pumunta ka na lang sa majority party. Halimbawa dito, kung ikaw ay
kasali sa Lakas-CMD ni Arroyo at nanalo ka ngayon at nakaupo sa kongresso. Ang
majority party ngayon ay ang Liberal ni Pangulong Aquino. Alam nating lahat na
ayaw na ayaw ni Pnoy kay Arroyo at sigurado na hindi maganda ang maibibigay na
“priveleges” sa mga kaalyado ni Arroyo. Eh di siyempre, bahala na ang prinsipyo
at ang aking partido, mas maganda na kung lumipat ako sa kabila. May kilala
akong congressman na talagang tag sunod ni Arroyo at malakas sa kanya ngunit
ngayon biglang nagtransform ang damit niya sa kulay na dilaw. Balimbingan.
Ayon kay Senador Edgardo Angara na siya ring LDP president ay ang turncoatism is “the most destructive aspect of
Philippine politics. That’s why there is no stability, continuity in political
parties because the winners from the other parties usually go to the majority
ruling party which usually controls the perks, pork barrel and privileges.” (Simbulan) Yan, walang stability ang mga
politcal parties. Maraming palipat lipat eh. Ginagawang boarding house ang
isang partido. Kung ayaw na niya ay kaagad aalis at minsan wala pang paalam
dahil siyang naibayad sa partidong sumuporta at gumasto sa kanyang
pagkakahalal. Kung tatanungin ang mga politiko kung bakit lumipat siya sa
kabilang partido ay sasabihin lang na, “I did this for my country.” o ang isa
pang pang sikat na galing kay President Manuel Quezon na, “My loyalty to the
party ends when my loyalty to my country begins.” Naks ang sarap pakinggan.
Kaya lang alam naman natin na wala itong katotothanan at ang totoo ay kanilang
sariling interes ang iniisip. Balimbingan.
Ang mga political parties sa Pilipinas ay malayong malayo
sa kung ano talaga ang isang partido. Dito sa atin ay kinokontrol ito ng mga
malalakas at makapangyarihan na pamilya sa politika. Kung sa ibang bansa ay
Ideolohiya ang nagtataguyod sa isang partido, dito sa atinay kung sino ang may
mas kilala at mas sikat na kandidato. Kung saan may mas kilala at malakas ang
rating ay doon nadadagsaan ang mga politiko at sumusuporta para sa kapalit na
pabor at kapangyarihan pag ang kandidatong ito ay manalo. Wala rin naman tayong
magagawa dito. Yan ang nakasulat sa batas at pinapayagan naman ang mga politiko
na mag palit palit ng partido. Para sa demokrasya. Wala rin mga parusa at
sanction na ibinibigay ang mga partido sakali man lumipat ang isa nilang
kaalyado at malugod namang tinatanggap ng kabilang partido ang bumaliktad at
kaagad isinasali sa kanilang kandidato. Balimbingan.
Kung sa ibang bansa ito ay hindi puwede ang ganitong
sistema na ginagawa ng ating mga poltiko. Sa kanila ay may two-party system
lang. Ibig sabihin may administrasyon at oposisyon lang. Sa iba naman ay
pinatutupad nila ang strict party loyalty na hindi ka puwede puwedeng lumipat
kaagad ng partido lalo na kung tapos na ang eleksyon. Sa two-party system ay
may dalawa lang partido na namumuno, sa America ito ang Republicans at
Democrats. Sa ibang bansa tulad ng Japan at Great Britain ay pinapatupad nila ang one-party loyalty. Di ka puwedeng magtalon talon sa iba't ibang partido. Sa kanila ay bawal ang balimbingan kaya stable
ang kanilang pamumuno. Ideolohiya ang bumubuhay sa partido at hindi gutom sa
kapangyarihan di tlad sa Plipinas. Kung bumalimbing ka sa iyong partido ay
lagot ka. Bibigyan ka ng mga parusa. Kung kasali ka sa kongreso ay kaagad
tatanggalin ka. Hindi ka rin puwedeng kumandidato sa linipatan mong partido
hanggang sa susunod pa na eleksyon. Sigurado ang pagpatay sa iyong political
career. Pinahahalagahan nila ang pagiging “loyal” sa partido kaya mag-iisip
isip ka muna. Babalimbing ka pa ba?
Bakit nga ba mahalaga na mabawasan na itong balimbingan sa sistema
ng ating politika? Madali lang naman. Para magkaroon na ng tunay na gobyerno.
Kung sa simpleng partido mo pa lang ay hindi mo na magawang maging matapat dito
ay sa bansang Pilipinas pa kaya? Ang mga partido dito sa Pilipinas ay hindi mga
tunay na partido kundi mga grupo lamang ng mga politiko na naghahagad ng
kapangyarihan at kasikatan. Sa kanila ay laro ang eleksyon at kung mas maraming
nanalo sa kanilang artido ay maganda dahil nagkakaroon sila ng karapatan na
magyabang sa kabilang partido. Pag-upo mo sa kongreso o sa ano mang posisyon sa
gobyerno ay ang iniisip mo na ay kung paano mo pa ito mapapanatili ng dalawa
pang termino. Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamagulo at malabong sistema ng
gobyerno, hindi dahil sa framework kundi dahil sa mga taong naglalaro nito.
Madumi at mabaho. Naglalaway sa kapangyarihan.Hanggang di mababago ang sistema
ay walang mangyayari sa Pilipinas. Mababaon lang ito sa utang. Balimbingan.
No comments:
Post a Comment