Hindi ako tag-supporta ni Pnoy at hindi
rin sa ginagawa ngayon ng simbahan ngunit sa ginawang komento ng isang
Arsobispo ay di ko mapigilan na hindi manahimik sa ginawa ng nila kay Pangulong
Aquino. Oo, karapatan ng Simbahan na lumaban at
di sumangayon sa nasabing panukala. Kung titingnan ay kanilang
responsabilidad ang pigilan upang maipasa ito. Sa loob ng panahon na unang
pinalabas ang RH bill ay malakas na itong tinutulan ng simbahan at hinayaan
lang sila ng gobyerno dahil ang kanilang pagtutol ay importante rin para sa
kalalabasan ng panukalang ito. Lahat ginawa na ng simbahan and they have
stepped the line many times. Nakalimutan na nila ang nasa Konstitusyon ang
separation of the Church and the State. Nakialam sila sa pamamalakad ng
gobyerno katulad ng gingawa nila noong una pa. Ngunit hinayaan, maselang issue
ang RH bill at kailangan marinig ang kanilang panig. Ngunit kamakailan lang ay
naglabas ng isang komento ang simbahan na talagang napaka-irational at
nakakainis na. This time they really stepped the line in their comments and
speeches.
Marami na ang nagiging skeptic sa ginagawa
ng simbahan, tuwing pumunta sila magsimba at makinig ng isang magandang sermon
na galing sa panginoon ay puro politika at rh bill na lang ang laman ng
kanilang homily. Halos araw-araw ito ang kanilang pinag-uusapan na dapat hindi
naman ito ang laman ng kanilang mga sermon. Marami na ang naiinis sa ginagawa
ng mga pari ngunit wala silang sinasabi dahil nga ito ang “Word of the Lord”
kaya taimtim na nakikinig ang mga mamayang Pilipino. Isinasantabi na lang ang
naoobserbahang pagiging political ng simbahan na hindi naman dapat. Dati sa
isang misa ay sinabi ng pari na lahat na sumusuporta sa RH bill ay demonyo at
lumabas na ng simbahan, sila excommunicado na. Tama ba yon? Ganun ba talaga ang
turo ng Panginoon? May karapatan ba ang mga Pari na itaboy ang mga taong
naniniwala sa panginoon. Dahil ba may isang bagay sila na sinusuportahan sa
simbahan at kahit taos puso pa rin silang naniniwala sa Diyos ay dapat silang
itaboy?
Ginagamit din ng simbahan ang kanilang
impluwensya na hindi nila susuportahan ang mga politiko na boboto sa RH bill at
hindi nila tatanggapin sa simbahan. Nako naman po. Ganito ba talaga umasta ang
simbahan? Idinedeklara ang kanilang kapangyarihan sa ganyang bagay? Patas ba
ang kanilang laban. Eh kung titingnan mabuti ay parang nagbri2be sila ng
politiko na supportahan sila. Hindi na maganda at di na ito patas. Tinawag pa
nilang mga anti-Christ ang mga ilang professor sa UP, Ateneo, at ilang paaralan
sa pagsupporta sa RH bill kahit
nagpapahayag lang naman sila ng kanilang opinyon base sa mga facts na kanilang
nabasa. Hindi ba puwede na irespeto din nila ang pananaw ng iba? Palagi ba
tayong tama? Ang Simbahan ay palaging tama?
At ngayon nagkomento ang isang Arsobispo,
sinabi niya na, “Ang Pangulong Aquino ay katulad sa Newton murderer na pumatay
ng dalawanpung bata.” "Our President intends to kill 20
million children with a fountain pen... to sign the RH bill into law,"
Wala akong ibang masabi kundi napakash*t
ng komentong ito. Hindi pinag-isipan at may intensyon na manira ng tao. Ganito
ba ang turo sa simbahan? Nasaan na ang
pagpapatawad at pag-intindi na itinuro ng Panginoon? Ikokompara mo ba ang isang
tao sa isang mamatay tao dahil sa kanyang mga adhikain na para din naman sa
bansa? Iba ang mamatay tao Arsobispo at ang komento mo ang hindi makatao. Sa
loob ng panahon na inulanan niyo ng kritisismo si Pnoy ay hindi siya nagbigay
ng komento. Binato niyo siya ng bato pero tinanggap niya lang ito at lumaban ng
tahimik. Para sa isang “alagad” ng Diyos ang mga salitang ito ay di nararapat
lumabas sa kanilang mga bibig. I think the Archbishop owes the President an
apology.
Inilatag niyo ang inyong mga armas at
ngayon ay patapos na ang laban. Hindi ba natin matatanggap ng maayos ng
resulta?
PS: Kung gusto niyong mabasa ang articcle kung saan sinabi ng isang Arsobispo ang mga salitang yon ay ito po ang link na http://www.philstar.com/headlines/2012/12/16/886554/fight-vs-rh-bill-catholic-churchs-biggest-challenge at ito pa http://www.abs-cbnnews.com/nation/12/17/12/priest-hit-comparing-pnoy-connecticut-shooter. Ang imahe ay nakuha ko lang po sa google.
No comments:
Post a Comment