A good Filipino
citizen pays his taxes on time. Makikita niyo ang karatulang ito sa karamihan
sa mga opisina ng gobyerno. Naghihikayat sa ating mga mamamayan na magbayad ng
buwis at huwag itong kalimutan. Sa teorya ang buwis ang bumubuhay sa isang
bansa. Kasama ang kapangyarihan na magbuwis sa “three inherent powers of the
state” na; police power (ang kapangyarihan ipatupad ang mga batas at hulihin
ang sino mang di sumusunod nito), power of iminent domain (kapanyarihan kunin
ang isang pibadong pag-aari para gamitin sa pampublikong kapakanan sa kondisyon
na bbigyan ng sapat na kapalit o bayad ang nagmamay-ari) at siyempre ang power
of taxation na pangongolekta ng buwis. The taxes are the lifeline of the state
and without it, the state cannot survive. Kaya ganito nalang kapuspusan ang
paghahangad ng gobyerno na makolekta ang lahat ng buwis sa ating bansa. Para
din naman sa ating kapakanan ang gagamitin nila sa buwis na kanilang
makokolekta. Para sa mga proyekto na magpapaunlad sa ating pamumuhay. Kung sa
teorya ay masarap talaga pakinggan ang mga ideya ng pamahalaan. Pero alam naman
natin na sa totoong buhay ay wala itong katotothanan.
Pamilyar sa
atin ang katagang “This is where your taxes go.” Madalas itong gamitin ng mga
politiko tuwing gumagawa sila ng mga proyekto na once in blue moon lang kung
mangyari. Sa bilyong bilyong buwis na nakokolekta ng gobyerno, naramdaman mo na
ba na nagkaroon ng saysay ang iyong binayad na buwis? Taon taon ay may
nakaplanong budget ang gobyerno na gagastuhin para sa ikakaunlad ng ating bansa
at taon taon rin ay wala tayong nakikitang pagbabago. Kung may pagbabago man ay
ito ay mas lumalala pa ang kalagayan ng nakakaraming pinoy. Lalong humihirap
ang mga mahihirap. Marami ang nagugutom. Nagkakalat ang walang mga bahay. May
halaga ba ang ibinayad mong buwis?
Oo, malaki ang
halaga ng binayad mong buwis. Lalo na sa mga kurakot at mapagsamantalang mga
politiko. Sa mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno at yung may matataas na posisyon. Kung sa BIR palang na kung
saan ka ngbabayad ng buwis ay marami na kaagad ang nawawala ay paano pa sa
napakalaking spider-web ng gobyerno. Halos kalahati lang ng buwis na ating
ibinabayad ang nagagamit para sa bayan. Ang iba? Saan pa eh di sa bulsa ng mga
opisyal ng gobyerno. Sa bawat proyekto na kanilang ginagawa ay may porsyento
silang nakukuha. Sa bawat budget na iimplementa ay dapat may porsyento silang
nakukuha. Isang money-making business para sa mga politician ang kanilang
pagkapanalo at pag-upo sa puwesto. Ang pinakamadaling paraan para yumaman dito
sa Pilipinas ay maging politiko. Kaya nagkakandarapa ang karamihan na manalo sa
eleksyon. Ang siya sanang magsisilbi sa bayan ay sila pa ang ating
pinagsisilbihan.
Ang buwis ang
lifeline ng isang bansa. Pero sa atin, ito ang bumubuhay sa mga politiko na
ninanakaw ang para sana sa atin. Sa halip na mga kalsad ang lumawak at classrooms ang dumami ay mga driveway nila ang lumalawak at dumarami ang kanilang mga mansyon. At kung saan man napupunta ang mga buwis nain
ay di nanatin malalaman. Itinatago naman ng gobyerno ang kanilang mababahong
bankay. Hindi ka na talaga magkakaroon ng ganang magbayad ng buwis ngunit dahil
kahit papano ay mga responsableng mamamayan tayo ay nagbabayad tayo. Umaasa na
lang sa pagbabago na hindi makita.
No comments:
Post a Comment