“Tao sa pangil ng buwaya. . . .
kapangyarihan ng halik ni hudas.”
Ilang beses ko ng narinig ang kantang yan,
halos araw-araw maliban na lang kung linggo o holiday kung saan puwede akong
matulog hanggang kailan ko gusto. Oo yan ang tugtug ng alarm clock ko at kung noon yun ang paborito kong kanta ngayon ay ayaw na
ayaw ko na naririnig ko yan. Alas sinko pa lang ng umaga at ang sarap pa sanang
matulog, mahirap bumangon, siguro mga 30 mins. pa akong mahihiga bago magkaroon
ng ganang tumayo at iwan ang malambot kong kama. Araw araw ganito na ang
routine ko, kailangan magising ng alas 5, maligo kaagad at magdamit. Wala ng
almusal, di na kaya na isingit sa oras. Dalawang oras ang byahe ko patungong
opisina, kung di dahil sa trapik ay isang oras lang sana. Alas 8 ang simula ng
trabaho pero dapat 30 min. pa lang ay nandoon na kami, kailangan maghanda at
araw araw ay may pinatatawag sa opisina si bossing. Paglapat ng relo sa alas 8
ay may tinatawag sa opisina at kung wala ka pa at nalate ka, siguradong mura at
sigaw ang magiging almusal mo. At
ngayong araw na ito ay yan yata ang magiging kapalaran ko. 5:30 na ng ako ay
magdesisyon na maligo at alas 6 na ng makaalis ng bahay. Sigurado na alas 8 na
ako dadating at ipapatawag uli sa opisina. Hay, nakakapagod at nakakatamad na
ito. Habang nakasakay ako sa bus, naisip ko, hidi ito ang buhay na pinangarap
ko.
Isa akong editor/communication agent ng
companyang pinagtratrabahuan ko. Ang trabaho ko dito ay magreview at mag-edit
ng mga article na ililimbag sa ilang magazines ng companya at minsa ako ang
tag-sagot ng telepono at taga-refer sa
mga kliyente sa tamang tao na dapat kausapin, in short para akong call center
agent sa umaga nga lang. Nagtratrabaho kame six times a week, walang holiday,
at mahirap makakuha ng leave. Mga 15 kaming staff sa opisina ngunit ang trabaho
namin ay para sa 30 na katao kaya kung sa panahon ng magpapublish ay talagang
sagad kami. Kahit di mo trabaho ay kailangan kang tumulong, natutunan mo na
lang ang iba’t ibang aspeto sa paggawa ng magazine, ayos nga, ika nga nila
experience. Kung sahod ang pag-uusapan ay okay naman ngunit dahil sa laki ng
gastusin dito sa Maynila ay mahirap maka-ipon at kaagad nauubos kaya palaging
kulang. Magpapadala sa pamilya, bayad sa apartment, kuryente, tubig, pagkain.
Di mo mamalaya ay nawawala ng parang bula ang pera mo. Ohh, kailangan ko na pa
lang bumaba at sumakay sa pangalawang bus. Lintik puno na, kailangan kong tumayo
hanggang sa aming opisina, great, isa at kalahating oras na nakatayo.
Hindi naman talaga ito ang gusto kong
trabaho. Graduate ako ng Political Science, malayo sa linya ng trabaho ko
ngayon. Nagpapasalamat na lang ako at maganda ang paaralan ko kaya natanggap
ako kahit hindi ako nag-aral maging editor at ano pa. Hindi ito ang nakita kong
hinaharap noong bata pa ako, gusto ko noong magturo sa kolehiyo at
maka-impluwensya sa mga kabataan tungkol sa pagbabago na kailangan ng bansa.
Gusto kong imulat ang kanilang mga mata gaya ng ginawa ng mga professor ko sa
akin. Pangarap ko ring kumuha ng Law at maging abogado. Ngunit dahil sa hirap
ng buhay ay kailangan kong maghanap kaagad ng trabaho, tatlo sa mga kapatid ko
ang kolehiyo na at kailangan matulungan ang mga magulang ko sa pag-aaral. Kaya
eto tayo ngayon, nakatayong nakasakay sa bus patungong trabaho. Kung tutuusin
hindi naman mahirap ang trabaho ko ngunit dahil hindi naman ito ang gusto ko ay
nakakatamad at walang gana. Ugh, tila yata umaatake nanaman ang sakit ng ulo
dahil sa inuman kagabi. Nagyaya si Benchong na katrabaho ko, yung tig-isang
bote sana ay nauwi sa isang kahon.
Nandito na ako sa opisina, 5 min before 8,
lagot ako nito. Nakatingin na ang mata ng sekretarya sa akin. Siguradong ako
ang tatawagin nito at magiging tupa ni
Bossing ngayon. May hangover na nga tapos isa pang masarap na sigaw pa ang
magiging almusal. Alas 8, lagot na tayo nito, wala akong prepare na report
sigurado isang oras na sermon ito. But ohhh, what is this? Dumating si Benchong,
nalasing yata ang loko at late ngayon. Ayon at siya pinatawag ni Bossing. Hai,
mukhang nakaligtas tayo ngayon. Wow, ang sarap ng feeling ng ganito. Na parang
nasa bingit ka na ng kamatayan at bigla kang nailigtas. Isa na naman itong
magandang kuwento kung mag-inuman. Wala rin naman akong gagawin ngayon, wala pa
ang mga papers na ii-edit ko kaya mas maganda ay matulog na lang ngunit nandito
ang secretary/supervisor na masyadong observant at rinereport kung di ka
nagtratrabaho. Lahat ng staff dito ay ayaw sa kanya, masyadong sip-sip at alam
naman natin kung bakit siya ang naging sexy-tary ng boss. Kaya ngayon ay kunyari nag-ayos ako ng papel
at parang may ginagawa.
Ayoko ko talaga sa ginagawa ko, boring, at
nakakapagod. Ilang beses ko na rin itong narinig sa mga kaibigan ko, puro
reklamo sa trabaho ang usapan at sasabihin magreresign na sila pero hanggang
ngayon ay nandon pa rin. Ipinapakain sa kanilang mga boss ang kanilang
kaluluwa. At sino ka bang tanga iiwanan mo ang trabaho mo, mahirap itong mahanap
ngayon at maswerte ka na sa umaga ang trabaho mo. Kung di ako natanggap dito ay
sigurado sa call center ang bagsak ko. Mag-iisang taon na ako dito at habang
tumatagal ay gusto ko ng magquit pero saan naman akong pupulutin? Nakakahiya
rin sa napakaraming Pilipino na naghahanap ng trabaho, na ibibigay lahat para
makuha ito tapos ako iiwan ko lang ng ganyan ganyan. Ngunit tulad ng mga araw
na ito ay di ko lang talaga mapigilan na lumipad at lumayo sa nakakasuffocate
na trabahong ito. Naisip ko, ano ba ang mga pangarap ko noong bata ako? Una
kong naging pangrap ang maging doktor at makatulong sa mga may sakit. Ito rin
ang gusto ng nanay ko. Maganda raw maging doktor, buhay ang inililigtas mo.
Naging pangarap ko yun hanggang mapanood ko sa T.V. ang pag-oopera, nasuka ako,
wala pala akong sikmura para makayanan tingnana ang mga laman loob. Ginusto ko
ring maging computer scientist, gumawa ng bagong mga computer games. Inyenhero,
lider ng bansa, at marami pang iba. Ang sarap maging bata, napaka-idealistic,
ang sarap mangarap. Ngayon lang ng lumaki ako na natutunan ko na ang mga
pangarap ay mga pangarap lang. Mahirap mang tanggapin pero ito ang realidad ng
mundo.
No comments:
Post a Comment