Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Tuesday, December 4, 2012

Lito Lapid


Si Lito Lapid, isa sa pinakasikat at matagumpay na action star sa ating bansa, nahalal bilang gobernador ng Pamapanga at ngayon ay isa ng senador. Ngunit sa kanyang pag-upo sa senado ay tila maraming batikos ang naririnig natin galing sa iba't ibang kritiko.. Hindi raw siya nagsasalita, parang walang ginagawa, at laging naka-upo lang. Tuwing debate ng mga senador ay isa lang siya sa mga tumatahimik at hindi sumasali sa pakikipagtalastasan.



Yan mismo ang palaging ibinabanat sa kanya ng kanyang mga kalaban at kritiko. Hindi nagsasalita si  Leon Guerrero. Ang dahilan naman niya ay pinagtatawanan lang daw siya pag siya ay nagsasalita. Nakakahiya daw dahil nahihirapan siyang iparating ang kanyang gustong sabihin sa kaba. Kung iisipin natin ay halos siyam na taon nang senador si Lito Lapid at sa haba naman ng panahon ay hindi pa rin niya nagawang mag-aral kung paano makakapagsalita sa madla. Dating siyang artista kaya kulang sa pinag-aralan kaya nahihirapan siya? Dahil di siya nakapagtapos ng kolehiyo? May ilang mga naging senador naman na hindi rin nakapagtapos ng kolehiyo. Pwede naman niyang tagalugin ang kanyang mga speeches tulad ng ginagawa ni Pnoy. Mas maganda nga iyon at madaling maintindihan ng kanyang mga taga pakinig. Ano ba ang kinakatakot ng ating dakilang movie star?



Ngunit kahit naman ganyan si Lito Lapid ay marami naman siya nagagawa  at naipasang mga panukala na naging batas na nakatulong sa bayan. Sa katunayan bago paman naging Presidente si Pnoy ay nakagawa na  si Lito Lapid nang isang batas habang sa panahon na yun na senador pa si Pnoy ay kulelat pa. Isa si Lito Lapid sa may pinakamaraming naiipasang panukala na nagiging batas at isa na dito ang paborito ko na naglilimita sa bigat ng gamit na dadalhin ng mga bata sa paaralan dahil nagreresulta ito sa pagbigat ng kanilang bag at pagdating nila sa paaralan ay pagod na pagod na sila at nauubusan ng interes para makinig sa guro.



Napakaganda naman talaga ng batas na ito. Naalala ko nung grade one ako ay ilang libro ang kailangang dalhin sa paaralan at ang bigat bigat ng bag. Nakakatawa rin ano? Nung bata ka ang dami mong dala pagpapasok, sa highschool ay ilang libro na lang ang dinadala mo, at siyempre pag-abot mo ng kolehiyo ay ballpen na lang ang dala mo. Kung kailan sanay na sana magdala ang iyong katawan ng mga libro ay doon pa wala ka ng libro.

Marami ang magsasabi na hindi naman gawa in Lapid ang mga batas na iyan at gawa ng kanyang mga adviser. Wala talaga siya ginagawa at hindi naman nararapat sa senado. Ma kaibigan, mahirap gumawa ng mga batas at kailangan mo rin ng tulong ng ilan upang magawa ito. Sabihin man natin na gawa ito ng kanyang mga assistant, eh ano ngayon? Ang mahalaga naman di ba ay nakakagawa ka ng batas na makakatulong sa bayan? Kanya kanyang diskarte din yan. Minsan kung sino pa yung siyang tumatahimik ay marami ng nagagawa kaysa sa malalakas ang mga bunganga. 


PS: Some images are from google.Ilang impormasyon ay kinuha ko sa WOTL:WE LOVE LAPID. Ito po ang link ng video.




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...