Hindi ko sana gusto na ito ang maging
topic ng blog ko sa araw na ito. Natulog na ako at naglibang libang ngunit
hindi ko talaga mawala sa isip ang nangyaring labanan kanikanina lang. Isang
malungkot na pangyayari para sa lahat ng Pinoy na naniniwala sa tinaguriang
pinakamagaling na boksingero sa buong mundo. Kaunti lang ang naipagmamalaki ng
mga Pinoy sa mundo at isa na ito ang pangalang Manny Pacquiao. Ipinanalo niya
ang napakaraming laban. Ilang Mexicano ang kanyang pinatumba. Nakamit nya ang
napakaraming titulo sa larangan ng boksing at naging kauna-unahang tao naging
kampeon sa walong iba’t ibang weight class. Ang pinakamagaling at
pinakamamanghaang boksingero ng napakaraming tao. At sa nangyaring patutunggali
kanina laban sa kanyang long rivaled enemy na si Juan Manuel Marquez ay nakita
natin ang isang pangyayari na hindi inaasahan ng mga Pilipino. Kahit ako na
malaki ang kutob na mananalo si Marquez ay hindi makapaniwala sa nangyari.
Kahit nga yung unang knockdown ay hindi rin kapanipaniwala. Nakita na natin na
matatag si Pacquiao at kayang saluhin ang malalakas na suntok kahit galing pa
sa malalaking tao. Ngunit ang nangyari ngayong araw ay parang isang malagim na
panaginip at alam ko lahat ng Pilipino ay natulala at di makapaniwala na makita
ang ating bayani na natumba, at walang kamalay malay. Parang biglang pinatay
ang apoy na siyang pag-asa ng bayan.
Talong-talo si Pacquiao, walang duda. Di tulad ng naging ibang laban nila na puro desisyon lang, ito tlaga ay bomba.
Matiis na hinintay ni Marquez ang pagkakataon at ibinigay ang perepektong
“counter-punch”. Solid, sa mukha tumama, pulido. Masakit tingnan kung paano
natumba si Pacquiao, tumbang tumba, walang malay. Sa isang iglap ay natumba ang
bandera ng Pilipinas. Kahit anong angulo
natin tingnan ay walang duda na talo si Pacquiao. Walang daya. Knockout.
Pulidong suntok na sa mukha tumama. Ibinigay lahat ni Marquez sa isang
napakamalakas na suntok.
Malaki talaga ang epekto ng pagkatalo ni
Pacquiao sa buhay ng mga Pilipino. Siguro ito na ang parte ng buhay ni Pacquiao
na pinapipili na siya kung ano ang landas na kanyang dapat tahakin. Dati bago
ang laban ay puspusan na siya sa training at maagang lumilipad patungong
America para makapagpractice. Ngayon tig-isang buwan na lang ang kanyang
paghahanda. Nagtrai2ning siya sa Pilipinas pero marami siyang iniintindi dahil
congressman siya. Nandiyan pa paagi ang media. Si Marquez pagkaapprove ng laban
ay kaagad sumugod sa training, pinalaki ang katawan, at gumawa ng magandang
gameplan. Ang mga boksingero sa Mexico ay mga disiplinado. Kung boksing ang
kanilang gusto ay boksing dapat ang pagtuunan ng pansin. Walang distractions.
Determinado at nakafocus. Mas malakas ang determinasyon ni Marquez na patunayan
sa lahat na mas magaling siya kay Pacquiao at tingnan mo na lang ang bunga ng
kanyang pagsisikap. Ito na ang panahon para kay Pacman na pumili ng daan na
tatahakin, politika, showbiz, o ang pagboboksing? Hindi na puede ang
tigdalawang buwan na training matapos ang pagkatalong ito. Kung gusto pa niya magboksing, sa aking
opinyon ay dapat tito muna ang intindihin niya, marami pang panahon para sa
politika. Kung ibang landas naman ang pipiliin niya ay dapat iwan na niya ang
pagboboksing. Hindi na puedeng pagsabaysabayin ang lahat dahil marami siyang
iniisip. Kailangan na niya talaga na mag focus sa isang bagay.
At dahil sa nangyari ngayon maraming topic
at mga komento ang nakapalibot sa internet. Karamahihan dito ang mga Pilipino.
Iba’t ibang reaksyon ang kanilang ipinarating at sa kasamaang palad, karamihan
ay di maganda. Ito tlaga ang hindi ko gusto sa ilan sa ating mga kababayan. Ang
bilis pumuna at magmura
.
Para sa mga Pacquiao supporters, oo alam
kong mahal na mahal niyo si Pacquiao at masakit ang nakita niyong pagkatalo ng
idolo. Ngunit kitang kita naman natin na di siya dinaya at maganda ang
kondisyon ni Pacquiao. Tanggapin na lang natin na natalo siya at respetuhin ang
pagkapanalo ni Marquez.
Para naman sa nagsasabi na ang pagpapalit
niya ng relihiyon ang dahilan ng kanyang pagkatalo. Dahil wala na ang rosaryo
at dati niyang ritwal. Please naman, konting respeto. Hindi dahil kasali ka sa
pinakamalaking relihiyon sa mundo ay may karapatan ka ng magsalita at
mag-alipusta ng ibang paniniwala. Isa pa, hindi naman nawala ang paniniwala ni
Pacman sa Diyos, kung sino ang sinasamaba niya dati ay yun parin ang sinasamba
niya ngayon. Paniniwala, faith, yun ang importante at hindi kung nasaan ka.
Hindi ang relihiyon ang gumagawa ng “faith”, galing ito sa puso ng mga taong
naniniwala. Kung doon naramdaman ni Pacman ang kapayapaan ay wag na natn
paki-alaman ang kanyang paniniwala. Kung wala kayong magawang matino ay wag na
lang kayong maingay. Iniinsulto niyo ang Maykapal.
Para sa mga nagsasabi na binigyan ni
Pacquiao ng kahihiyan ang Pilipinas at wala siyang dangal. Ang yayabang niyo
mga ung*s. Anong kahihiyan at walang dangal? Dahil natalo siya sa laban na ito
ay ikinahihiya niyo na siya? Matapos niyang ibalik sa mapa ng mundo ang
Pilipinas ay ganyan ganyan na lang kayong magkomento sa isang pagkatalo?
Kahihiyan? Lumaban siya at nakipagbakbakan. Pumunta sa laban na nakasalalay ang
kanyang dangal at sarili. Tapos sasabihin niyo ngayon na kahihiyan lang siya
dahil sa isang laban. Ilang taon tayong mga Pilipino na nakisakay sa tagumpay
ni Pacman, with all the glory he brings to our country and this is how we repay
him, tinataboy at linalait dahil sa isang pagkatalo. Dahil hindi niya naabot
ang iyong hinahangad ay ganyan na kayo kung makareact. Parang tumulongkayo sa
training niya. Kung natalo ka sa pustahan ay hindi kasalanan ni Manny yun. Sa
mga sugal na ganito 50:50 ang tsansa mo at di na iyon mag-iiba. Ilang laban na
ang ipinanalo niya at sa loob ng mahabang panahon ay dala dala mo ang “Proud to
be Pinoy”, ngunit ngayon dahil natalo siya ay mura ka ng mura, na parang walang
ginawa si Pacman para sa mga Pilipino. Makonsensya naman kayo. Di niyo lang ba
inisip kung ano ang kalagayan ni Pacquiao? Kung maayos ba siya o kung ano ang
naging damage niya. Eh kayo kayang mga ung*s nga ang magpasuntok kay Marquez?
Pilipinong pilipino pero siya pa ang unang nanglait. What a bunch of hypocrite.
Sa lahat ng nagawa ni Manny para sa bayan
ay ganito pa natin siya sinsuklian. Imbis na supporta ay masasakit na salita pa
ang ibinigay niyo sa kanya. Idinonate ni Manny ang halos lahat ng kita niya sa
mga biktima ng Bagyong Pablo. Kahit sa ginawa ni Manny ay ang kakapal pa rin ng
mukha ng ilan. Hai Pilipino.
No comments:
Post a Comment