May mga bagay
sa mundo na tila napapaisip tayo at napapatanong malalim. Mga kababalaghan na
tila napakaweird na it seems incomprehensible to the mind. Para bang tinatalo
nito ang logic. Na kahit papaano, kahit
totoo, at nakikita mo ay its hard to believe pa rin. Hindi maexplain ang mga
pangyayari. Kahit ilang beses mong tingan ay napapatunganga ka pa rin. Katulad
na lang ng shoulderbag ng mga babae. Oo mga kaibigan, the shoulder bag. One of
the mysteries of of life.
Nakikita mo
naman ang shoulder bag ng mga babae di ba? Kung susukatin mo ang laki eh parang
folder na binigyan ng thickness. Perpekto ito para sa mga babae na palaging may
dala. Ang misteryo ng shoulder bag ay kung bakit sa kanyang laki ay halos lahat
ng bagay na kailangan ng babae ay nasa loob na nito. Oo! Nagkakasya lahat ng
mga bagay bagay na gustong dalhin ng isang babae mula make p, polbos, pabango,
wallet, libro, damit, napkin, tissue paper, at kung ano ano pa. Nakakapagtaka
talaga ito mga parekoy. Habang pinanonood mo na humuhugot ng ano anong mga
bagay ang isang babae galing sa shoulder bag niya ay di mo mapigilang isipin na
isa itong magic show. Hindi mo tlaga maiisip kung paano magkakasya ang lahat ng
yan sa isang bag na yan. Minsan nakakita ako ng babae sa restaurant, humugot siya ng kanyang laptop sa shouder
bag, kumuha ng dalawang makakapal na libro, sinabi sa kanyang kasama na
magpapalit muna siya ng damit at kumuha ng supot na may pantalon at blouse,
pagkabalik niya ay kinuha ang pulbos, abango at ano ano pang panritwal, at
dumating ang hinihintay nila na may dalang mga folder na sing kapal ng mga
libro. Dito nagsimula ang magic, una niyang linagay ang laptop, kasunod yung
pantalon at damit na pinagpalitan, tapos yung makakapal na libro kasama ung
folder, at yung maliit na bag kung saan nakalagay ung mga panritwal at oo
nagkasya lahat yun sa shoulder bag!!! Amazing talaga. At biruin mo may space pa
raw.
Ano nga ba
meron ang shoulder bag na halos lahat ng bagay na kailangan ng kababaihan ay
maring magkasiya doon. Ang backpack ko nga ay nahihirapan akong ikasya ang mga
gamit ko iilan lang yan. Sa di maipaliwanag na dahilan ay parang may kakayanan
ang mga shoulder bag na ito na saluhin ang kahit ano mang ipasok dito. Di na
ako magtataka kung magkasya dito ang upuan at lamesa. Kahit anong bagay na
kailangan nila ay mahuhugot sa mahiwagang shoulder bag. Kung isa kang babae at
di nagdadala ng shoulder bag ay para kang vulnerable at mataas ang tsansa na
maraming kang nakalimutan. Pero wag na wag mong mamaliitin ang bigat ng
shoulder bags na ito. Tinulungan ko na minsan ang kaibigan ko na magdala ng
shoulder bag niya at hanep, para yatang limang kilo. Mapapano choice ka talaga
at kailangan ilagay mo ito sa may balikat mo dahil sa bigat. Marahil ito rin
ang dahilan kung bakit masasakit ang sampal ng mga babae.
Kahit anong
explanation ang sabihin mo ay mananatili pa rin ang misteryo ng shouder bag ng
mga babae. Mapapatunganga ka pa ri sa mga bagay na maari nilang hugutin galing
sa mga bag na iyan Ngunit kung may shoulder bag ang babae ay may katapat naman
diyan ang mga lalake. Oo isa ring bagay na tila lahat ng mga gamit na kailangan
ng lalaki ay kasya lahat. Yes at ito ang ating mga bulsa.
Oo, ang bulsa
ng mga lalaki ay may kakayanan din na magdala ng bagay lingid sa laki nito. May
apat na bulsa kadalasan ang pantalon ng mga lalaki at halos lahat ng mga bagay
bagay na kailangan nito ay kaya niyang ipasok diyan. Ang lalaki pag lumalakad
ay mas gusto na walang dala para walang hassle o para lang magpapogi. Kaya
lahat ng kailangan niya ay inilalagay sa bulsa. Kadalasan ang laman nito ay
coins, papel na byente o sinkwenta, susi sa bahay, ballpen( ewan nakasanayan na
yan simula college na ballpen lang ang laging dala), cellphone, flash drive (oo
importante to) at kung minsan may maliit na notebook, pick para sa mga
guitarista or yung feeling lang, yung drummer sa likod na bulsa yung stick,
yung isa pang selpon para sa ibang girlfrend, bottle opener (oo, meron din ako
nito, para sa beer), yosi, lighter o posporo. Oo marami rin ang kayang mailagay
sa bulsa ng lalaki, yung mga readings ko nga at testpapers sa bulsa lang yun
din lahat. May mga hardcore din na ang laman ng bulsa ay lahat ng namention
kanina kasama ay mouthwash, alcohol, at pabango. Paano nagkasya? Ewan ko basta
kumasya. Yung isa wais, nagshort at naka six pocket. Ang likod na bulsa ng
lalake ay para lang sa dalawang bagay, wallet na kadalasan ay walang laman at
panyo. Kahit byente pesos lang ang laman ng wallet ng lalaki ay dadalhin pa rin
niya ito. Hindi tama ang pantalon kung walang walet na nakalagay sa likod na bulsa nito.
Maraming bagay ang simple lang naman
ipaliwanag ngunit dahil sa ating mga imahinasyon ay nagiging misteryo. Ang
dalawang bagay sa itaas ay ilan sa mga yon na nagiging pilit natin tinitingnan
sa ibang anggulo. Para sa iba ay napapa-ikot nalang ang mga mata tuwing
naririnig at nababasa ang mga ito. Pero sa karamihan ito ay isang makwelang mga
kwento na nagpapaaliw sa mga Pinoy. Ang pagiging masuri at galing ng mga Pinoy
na gumawa ng mga kuwentong barbero sa mga bagay bagay ay isa sa mga katangian
(with all its advantages and disadvantages) na di dapat mawala dahil
pinakukulay nito ang buhay sa tawanan at masasayang usapan. =)))
No comments:
Post a Comment