Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Monday, December 10, 2012

Impyerno



Martial Law, dalawang EDSA revolution, impeachment ng Chief Justice, at isang Aquino nanaman ang namumuno sa ating bansa. Ngunit an nga ba ang nagbago? Bumaba na ba ang presyo ng mga bilihin? Bumaba na ang presyo ng langis?  Nasolusyonan na ang problema sa unemployment rate? Nabawasan na ang kurapasyon? Maunlad na ang Pilipinas. Isang masarap na panaginip.

Sa loob ng ilang taon matapos patalsikin ang tinaguriang pinakamalalang presidente ng Pilipinas ay wala pa ring nagbago sa bansa. At ngayon nga ay nahalal pa ang kanyang anak bilang senador at tila nag-hahanda nga para bumalik ulit sa pinakmataas na posisyon dito sa Pilipinas. At oo dahil hindi natutoto ang mga Pilipino ay malaki ang tsansa na manalo ito at magkaroon uli ng Marcos na presidente. Imeldific di ba?

Ewan ko ba kung anong meron sa ating mga Pilipino na may tendency tayo na piliin ang maling namumuno. Pinanalo natin ang isang dating action star, hinalal sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Ngunit dahil di tayo nakontento sa kanyang pamumuno ay naghain ng impeachment complaint. Dahil akala ng karamihan na magiging madali lang ito dahil kudos wala daw siyang pinag-aralan ay nagkamali sila. Wala silang napapatunayan at natatalo sila sa impeachment court. Dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo ay nagsagawa nanaman sila ng EDSA II na isa sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa ng mga Pilipino. Inilagay natin sa puwesto ang pangalawang pinaka-malalang presidente sa Pilipinas.

Naging Presidente si Arroyo at dahil isang babae ay malaki ang expectations sa kanya na katulad ng kay Cory. Harmless naman siyang tingnan di ba? Ang akala ng lahat ay eto na ang Presidente na babago sa lahat. Mali, mas lumala pa ang lagay ng Pilipinas. Ilang beses siyang napagbintangan ng kurapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ilang scandalo ang lumabas. Narinig mismo natin sa balita ang kanyang pandadaya sa eleksyon. Ngunit kahit sa rami ng mga ebidensya ay walang nangyari sa mga kaso na inihahain sa kanya. Matalino kasi, di tulad ni Erap. Alam niya kung paano mamanipulahin ang masang Pilipino, di tulad ni Erap na naniwala lang sa kanyang mga taga-supporta. Sa sampung taon na kanyang pamumuno anga akala natin na mabait at mabuting presidente na ating inilagay sa kapangyarihan noong EDSA II ay mas malala pa pala kay Erap.

Oh, ang gaganda ng mga ngiti nila. Kilala talaga tayo sa palstikan.


At ngayon isa nanamang Aquino ang namumuno sa atin at sa loob ng tatlong taon ay wala pang nanyayari sa Pilipinas kundi puro media. Pinatalsik niya ang Chief Justice dahil hindi sila magkasundo. At ngayon na unanimously binoto ng mga SC Justices na i-TRO muna ang Cyber Crime Law na gustong gusto niyang ipasa ay ngayon ewan na lang. Baka nanaman ipa-impeach niya lahat ng Justices. Good Luck.



Saan na nga ba patutungo ang bansang ito? Sabi ni Pangulong Manuel Quezon, “I prefer a government run like hell by the Filipinos than a government run like heaven by Americans.” Kaya naman pala. Kaya naman pala na parang impyerno ang gobyerno natin. 



Sino na kaya ang susunod na Presidente katapos ngayon ni Pmoy? Si Kris Aquino? Lord Have Mercy!!!


PS: ang ilang imahe ang galing sa google. :)))

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...