Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Saturday, December 22, 2012

RH BILL 2


Dahil December 22 na at di natuloy ang sinasabi nating End of he World ay oras na muli para bumalik tayo sa pagsusulat. Pero aaminin ko kahit hindi ako naniniwala ay may kaunting porsyento pa sa akin ay “what if”. Di naman natin makakaila ang mga nangyari sa taon ito. Puro bagyo, lindo, at mga delubyo. Kaya kahit papaano ay nakakatakot pa rin  at mapapa-isip ka. Malakas man ang yawa mo na hindi matutuloy ang end of the world na yan a di mo makaka-ila na naghintay ka talaga at di mapakali ng malapit ng mag-December 21. Ohhh, siya siya pag-usapan na natin ang hot topic ngayon at yun ang RH BILL!!!!



Ngayong naipasa na at nagtagumpay ang RH bill sa kongresso at naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Aquino para maging batas ay maraming batikos ang naririnig natin lalo na sa “Pro-Life” nating simbahan na matagal ng tinutulan ang panukalang ito. Simula pa ng unang marinig na ginagawa ang batas na ito ay mariin na itong tinutulan ng simbahan sa paratang na hindi ito makatao at labag sa mga paniniwala ng simbahang Katoliko. Ilang debate ang naganap, iringan at sigawan sa Kongreso, labanan ng mga anti at pro rh bill, at ano ano pa. Sa huli nanalo ang pro-RH bill at naipasa sa Kamara.

Dahil dito ay nadismaya ang simbahan at nakapagsabi ng mga paratang laban sa administrasyong Aquino. Di daw lumaban ng patas ang Pangulo, gumawa ng magic at dinaya ang botohan. Ayon sa simbahan ay binantaan daw ng administrasyon ang ilang Congresista na anti-RH Bill na hindi raw sila bibigyan ng pondo o ang tinatawag na “pork barrel” pag hindi sila bumoto ng pabor sa RH bill kaya ng nakaraang 3rd reading ay marami ang bumaiktad at ibinoto ang pag-approba sa RH bill. Binintangan ng simbahan si Pnoy bilang madaya at isang diktador. Isang Presidente na kinokontrol ang lahat sa pamamagitan ng mga banta at backdoor negotiations.



Itinangi ito ng palasyo ngunit alam naman natin na maaring maging totoo ito. Naalala natin sa pag-impeach kay Corona na ganito rin ang nangyari. Binantaan din ng administrasyon ang mga Kongresista na hindi sila bibigyan ng pork barrel kung hindi sila magbibigay ng ‘yes’ na boto na iimpeach ang Punong Magistrado. Isang masusi at metikulusong proseso ang pagsusuri kung nararapat bang iimpeach ang isang opisyal, kasama ng matibay na ebidensya na  kailangang pag-usapan at mga dokumento na kailangang basahin ng bawat kongresista. Ngunit sa nangyari sa kay Corona ay isang powerpoint presentation lang ang nangyari at di nga nabasa ng mga kongresista ang manifesto ngunit isang majority ‘yes’ na dapat iimpeach si Corona ang naging labas ng kanilang desisyon. Nangyari din ito sa isang araw lang. Nakakapagtaka ay di naman nag-ingay ang simbahan sa pangyayaring ito.

Ngunit patas rin ba an ginawang paglaban ng simbahan? Kung di natin malilimutan ay may ginawa din silang mga banta na hindi rin kaaya aya at napilitan din ang ilang kongresista na bumoto laban sa RH bill. Binantaan nila ng gagawing excommunicado ang sino mang politiko na susuporta dito at dahil papalapit na ang eleksyon ay sinabi nila na hindi nila ito susuporthan. Ginamit nila ang kapangyarihan at impluwensya nilang politikal para maplitang bumoto laban sa RH bill ang mga kongresista. Ano ba ang pagkakaiba nito sa ginawa ng palasyo? Eh pareho naman pa la silang gumagamit ng marururming taktika. Pero teka, mali daw tayo kaibigan, dahil ang gingawa ng simbahan ay naayon daw sa utos ng Diyos. Wooooohhhh, kung ganon ay palagi silang tama.



Sa labanan sa pag-aproba sa RH bill ay nakita natin kung ano anong taktika ang ginamit ng dalawang kampo para makamit ang kanilang ninanais ant minimithi. Walang tama sa kanila, pareho siang gumamait ng maruruming paraan, patuloy na dinudungisan ang demokrasya na siya sanang magiging batayan ng paglikha ng ating mga batas. Kung patuloy pang magiging ganito ang ating sistema ay ewan ko na lang kung saan tayo pupulutin ilang taon pa mula ngayon.  

PS: Panpatawa.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...