Minsan sa buhay natin ay may araw tlaga na
puno ng kabuwisitan at nakakabadtrip. Yung araw na malas ka talaga at tila yata
sinumpa ka ng kampon ng kadiliman na pumalpak at dahil dito ay napupuno ka sa
kabdtripan. Halimbawa nalang papasok ka na lang sa eskwela, sa dyip palang
badtrip na dahil ang bagal at ipit na ipit ka pa. Tapos nalaman mong naiwan mo
report mo. Late kana nga, wala ka pang report tapos naipit pa paa mo pagpasok
mo sa room. Ayyy wala na, buwiset na buwiset na araw mo. Pagagalitan ka pa ng
prof mo tapos paglabas mo ehh kantsawan ka pa ng kaklase mong insensitive. Di
mo kaya masuntok yun. Marami ng nasirang pagkakaibigan dahil dito. Uso rin yung magrugrupo grupo kayao tas sa di maipaliwanag na dahilan ay ikaw ang napiling lider ng grupo. Siyempre tuwa kang loko ka, first time mong maging leader, di mo alam ikaw pala ang gagawa ng lahat ng project niyo. Yung paboritong magkikita kayo sa ganitong oras na halos 10 years na hindi pa rin dadating ang kasundo mo. Oh yeah, badtrip talaga yan. Lalo na kung syota mo ang kasundo mo. ~.~
Hindi sa lahat ng panahon ay kakampi ang swerte. May panahon talaga na sa sobrang badtrip ay makakapagmura tayo ng kahit sino. Tingnan na lang natin ang nangyari kay "AMALAYER" girl. Badtrip lang talaga ang araw na yun sa kanya, nagkataon na sinita siya ng guard sa panahong buwiset na buwiset na siya at boiling point na. Malas lang at nakunan siya sa video. Tao lang. MArami na rin ang mga pangyayaring ganun at di lang nakunan ng video. Sa panahong buwiset ka sa mundo siguraduhin mo munang walang nagvivideo sa'yo.
Hay
buhay, minsan my panahon talaga na tayo ay talagang inaatake ng kamalasan at
nagreresulta ng badtrip na araw. Sabi nila ay puwede naman daw itong malabanan.
“Grace under pressure lang daw.” Ehhh minsan kahit anong gawin mo ay wala
talaga. Kung araw na mababadtrip ka ay
un na un. Di na magbabago. Ang mabuti lang dito ay sa pagtagal ay nawawala rin
at gumagaan ang iyong pakiramadam. Nauubos din ang badtrip-o-meter. May kanya
kanya naman tayong paraan para madefuse ang kabadtrip natin. Yung iba kumakain
na lang, iba nakikinig ng musika, iba tulad ko natutulog, at yung iba ay
itinatapon ang mga gamit. Ngunit kung ang pag-uusapan natin ay ang kabdtrip mo
sa gobyerno, naku wag ka nang umasa na madali yang mawawala. Kahit matulog ka
pa ng ilang taon pagising mo ay isang buwiset na pamahalaan pa rin ang gigising
sayo. Minsan masarap lang talagang magmura. Mailabas lang kabadtripan mo sa mundo.
Ilang dekada na ang nagdaan pero wala parin nagbago sa ating gobyerno. Bulok na pamamalakad, mabagal na pag.implementa ng batas, at laging huli. Iba’t ibang tao na ang umupo at nangako ng pagbabago pero wala pa rin. Hanggang ngayon ay mabuwibuwiset ka pa rin sa sistema. Puno ng red tape, humihingi ng lagay, at pinababagal na transaction. Hindi ka ba naman mabuwiset dito. Pag mag-aapply ka ng negosyo ay humuhingi ng malaking lagay ang isang ahensya ng gobyerno. Kailangan daw ang bayad na ito ngunit di naman sila nag-iisyu ng resibo. Malalaman mo rin sa huli na wala naman ito sa panukala at batas. Nakakabadtrip di ba?
Kung nasa hospital ka ng gobyerno, kahit
nakatusok pa ang kutsilyo sa dibdib mo ay di ka pa iaadmit kung di ka muna
magfill-up ng form, o pumirma. Sigurado mamatay ka muna sa dami ng proseso na
kailangan tapusin. Kung magrereklamo ka
naman sa munisipyo ay papaghintayin ka muna nila ng ilang oras tapos sasabihn
wala pala doon ang in-charge. Ang saya-saya hindi ba? Nandiyan din ang mga papeles na kailangan mo
na always “on the process” pa. Wag rin kalimutan ang mga pulis na ang bilis
rumisponde. Siguro mananakawan muna ng sampung beses bahay mo bago sila
makarating. Yung mga tanod na hindi pinakialaman yung mga nagrarambol na mga
bata sa kanilang barangay dahil daw hindi naman nakatira ang mga batang yun.
“They are not within our jurisdiction.” Wow naman ha.
Mga imbestigasyon na hindi mahanapan ng
sagot, pagtaas ng gasolina, paparaming pondo na nawawala, mga corrupt na
politician, kotong cops, sirang mga kalsada, mga lecheng facilities, mabagal na
serbisyo, mataas na unemployment rate, mga pangakong pruo lang salita, mabagal
na pagpapatupad ng mga batas, di makamit na mga hustisya, abuso sa gobyerno,
lalong paghirap ng mahirap at pagyaman ng mayayaman, pagdami ng street
children, walang pagbabago. Minsan sa
sobrang kabadtrip mo ay napapatawa ka nalang. Then you’ll realize, yeah, it's
really more fun in the Philippines.
PS: Si Bertong Badtrip ay karakter na gawa ni Manix Abrera. Subaybayan niyo po siya sa Kikomachine. =))) Ang ilang imahe ay galing sa google. Kahit papaano ay gusto kong ipakita dito na si Bertong Badtrip ay nabubuhay sa ating lahat. MAy panahon talaga na mababadtrip tayo at di mapigilan na magmura. tao lang naman tayo di ba?
No comments:
Post a Comment