End of the
world na. Kung tama ang hinala ng mga Mayan, magtatapos na daw ang mundo bukas.
Oo bukas na po dahil ayon sa kanilang prediction at sa kalendaryo ng mga Mayan
ay December 21 ay magtatapos na ating pakikipagsapalaran at guguho na ang
mundo. Handa ka na bang mamatay bukas? Paano kung totoo nga na bukas na ang
katapusan ng mundo? Masasabi mo bang you lived your life fully and I don’t have
regrets?
Mayroon ka na
lang ilang oras bago magtapos ang mundo. Ano ba ang gagawin mo? Sinabi mo na ba
sa mga magulang na mahal mo sila? Sa mga kapatid mo? Nagkaayos na ba kayo kung
meron mang problema? Kailan mo ba huling naka-usap ang pamilya mo? Kung may
asawa ka na, kailan mo bang huling sinabi na mahal mo siya? Kailan mo silang
nahalikan? Yinakap? Ang mga anak mo? Kailan mo ba huling nakita ang kanilang
mga ngiti? Kailan ka ba huling umuwi na naging masaya ang iyong pamilya? O
palagi na lang trabaho ang iyong iniintindi? End of the world na wala ka pa rin
bang gagawin?
Kailan ka ba
huling ngumiti? Kailan ka ba huling naging masaya? Kailan ka bang huling
nagbakasyon? Kailan mo huling naligo sa dagat? Nakakita ka ba ng lawa? Nakainom ka na ba ng tubig galing sa batis?
Kailan ka huling nakarinig ng huni ng ibon? Tumakbo ka na ba sa malawak na
kapatagan? Nakaakyat ka na ba ng puno? Tumalon at maligo sa ilog? Kumain ng
prutas na ikaw mismo ang nagpitas? Umakmakyat ng bundok? Huminga ng preskong
hangin? Nakapagpalipad ka na ba ng saranggola? Kailan ba ang huling tawanan kasama
ang iyong matatalik na kaibigan? Kailan mo ba sila huling nakita? Kailan ka ba
tumawag ng wagas? Kailan ba kayo huling
nagkwentuhan? Kailan ba kayo huling nag-inoman? Kailan ba kayong huling gumawa
ng kalokohan? Kailan ka ba huling naging masaya?
May minamahal
ka ba? Torpe ka pa rin ba? Nag-away ba kayo? Kailan ka pa ba magtatapat? Kailan
ka pa ba magpapakalalaki at sabihin ang lahat? O hahayaan mo na lang ito
hanggang sa katapusan? Hindi ba nararapat tumatakbo ka na ngayon patungo sa
kanila at sabihin ang lahat ng iyong nararamdaman? End of the world na. Wala ka
pa rin bang gagawin? Hanggang kailan mo pa ba pipigilan yang nararamdaman mo?
Live your life
as you see it fits. Live it full with no regrets. Hindi mo alam kung kailan yan
magtatapos. Wag kang magmukmuk sa trabaho. Masaya ang buhay kung titingnan mo
sa ibang anggulo. Marami ang nagmamahal sa yo. Masarap mabuhay. Bakit di mo
piliing maging masaya? Karapatan nating lahat niyan. Di natin alam kung kailan
titigil at magtatapos ang mundo. Di natin alam kung kailan magtatapos ang ating
buhay. Ngunit kung dumating man ang araw na iyon ay sana maligaya mo itong
tinahak. Ngumiti ka kaibigan. Masarap mabuhay.
No comments:
Post a Comment