Hinahanap Hanap Kita (in english "Search Box")

Blag!!!!!

Ang blog na ito ay para sa kabataan, sa mga mahilig magbasa, gustong magpalipas oras, para din sa inaantok o sa gustong matulog, gustong mabadtrip at mabuwset ang araw. Para din sa gustong tumawa (hindi sa galak kundi dahil sa "it's so absurd"), sa mga walang magawa, lalo na yung nasa mga opisina , para din sa magmamaster beat lang, sa mga kababaihan, estudyante, sa mga nabubulag, at lalong lalo na sa iyo na nagbabasa ngayon na alam kong mahal na mahal mo pa rin ang ating inang bayan. =) rakenrol!!!

GOOGLE

Wednesday, December 12, 2012

Sin Tax


Mga parekoy, dapat ngayon simulan simulan na natin mag-imbak ng mga beer, gin, o ano pang inuming nakakalasing at ng yosi dahil di magtatagal ay matatapos na din ang maliligayang araw. Siguro mag-inuman na lang tayo hanggang December 21. Non-stop hanggang sa katapusan ng mundo. Kung mayaman ka ay bumili ka na ng isang panel ng beer at ilang box ng yosi dahil naaproba na ng kongresso ang Sin Tax Bill. Hinihintay na lang ang pirma ni Pnoy para maipatupad ito.  Kaya mga kaibigan, kung ako sa inyo, ititigil ko muna ang ginagawa ko at mag-enjoy sa buhay. Magpakalasing at magpa-usok hanggang makontento. Lasapin ang sarap ng buhay dahil di magtatagal, ang Redhorse na nabibili mo ng 60 pesos ay baka 80 to 100 pesos na, kung sa isang bar ka pa ay baka wanpipti na. Yung yosi, sigurado ito ang magiging mahal, yung mga Malboro ay baka limang piso na per stick. At ang iba ay tatlo hanggang apat na piso. Oo magiging katapusan na nga ng mundo.




Ano nga ba itong Sin Tax Bill? Ito ay isang panukala na nagbibigay ng mas malaking buwis sa mga inuming nakakalasing at sa mga tobacco products. Hangad ng bill na ito na makakuha ng mas malaking buwis sa mga industriya na gumagawa at nagbebenta ng alak at sigarilyo. Ang makukuha daw na pera dito na kokolektahin ng BIR ay mapupunta ara sa pondo ng kalusugan ng masang pinoy. Hangad daw ng mga gumawa ng batas na ito na mabawasan ang mga naninigarilyo at di na maganyak bumili dahil sa mahal na ang presyo nito. Para daw sa kalusugan ng nakakarami. Ang target na makukuha nilang buwis ay 33.96 na bilyong piso. Ngunit bakit parang may mali kang naamoy? Tama nga ba ang panukalang ito na parang ang daming problema ang maidudulot sa atin. Parang may SIN TAX ERROR eh.



Una, kung iisipin natin hindi naman ang mga Tobacco at alcohol industries ang talagang magbabayad ng buwis na ito. Ipapasa nila ito sa kanilang mga consumers at tayo yun na mga mamamayang Pilipino na tumatangkilik sa inumin at yosi. Sigurado na tataas ang presyo ng mga produktong ito. Sa tingin ba nila ay titigil sa paninigarilyo ang mga ito tulad ng hinahangad nila? Health measure daw na para mabawasan ang mga naninigarilyo. Eh yung presidente nga natin ayaw tumigil sa pagyoyosi, yung mga ordiaryong Pilipino pa kaya. Asus Adre, sigurado hindi mababawasan ang mga naninigarilyo, yung imang piso na sana maibibili na ng konting ulam ay ibibili pa rin yan nila ng sigarilyo. Pero kung iisipin mo, ito naman talaga ang gusto ng mga gumawa ng batas at nag-aabroba dito. Hindi mabawasan ang mga naninigarilyo kundi makagenerate ng malaking buwis galing sa kanila.

Pangalawa, kagaya ng hinaing ng mga senador na hindi bumoto para dito at ilang kongresista. Mapapatay nito ang tobacco industry ng bansa. Kung ganito kataas ang kanilang hihnihingi na buwis galing sa kanila ay hindi makakayanan ito ng mga local na industriya. Ang mamayagpag ang mga imports na produkto ng alcohol at sigarilyo. Maraming mga magsasaka nanaman ang mawawalan ng trabaho. Sabi ni Drilon, magkakaroon naman ng porsyento sa pondo para sa mga magsasaka ng tobacco ngunit aasa ba talaga sila dito. Ilang beses ng ginawa ito ng gobyerno, nangako ng porsyento sa mga magsasaka ngunit walang nangyari. Nakita na natin nangyari sa coco-levy fund.

Pangatlo, hindi talaga sigurado kung gagamitin para sa kalusugan ang pondong ito. Ipinagsisigawan ni drilon na malaking porsyento ang gagamitin para sa kalusugan ngunit tinatanong ng maraming senador kung bakit walang eksaktong pondo at numero sila na maibigay. Ang sabi pa nga ni Ralph Recto ay hindi sumang-ayon ang bicameral in his proposal to earmark specific funds for health-related concern. Diyan pa lang ay nangangamoy na. May ibang plano na talaga sila na ibang paggagamitan ng makukuhang buwis sa sin tax. Health Measure daw ang Sin Tax Bill ngunit walang maibigay na figures ang mga gumawa nito kung ilan talaga ang gagastusin para sa kalusugan. Lahat porsyento at alam naman natin kung ano ang nangyayari sa mga porsyentong ito sa gobyerno.



Tuwang tuwa naman daw ang BIR sa resulta ng botohan. Bakit hindi sila matutuwa eh sila ang kumokolekta ng buwis. Para daw sa bayan ito. At linoko pa tayo. Alam naman natin kung bakit sila masaya. Ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin ngbago ang sistema sa BIR. Kung may makikinabang man sa Sin Tax na ito ay sila na iyon.

Hindi na ayaw ko sa Sin Tax, kung sa ideya at hangarin ay maganda talaga ang gustong makamit nito. Kung mababawasan ang maninigarilyo ay mas maraming buhay ang maililigtas. Kung ang pondong makokolekta ay talagang magagamit sa mga benipisyong pankalusugan at tumulong magbigay ng maraming medisina sa mga nangangain\langan ay maganda talaga ito. Kung para ito sa healthcare na tulad ng Phil Health ay malaki talaga ang maitutulong nito sa mamamayang Pilipino. Ang di ko lang nagugustuhan ay pagpasa nito na marami pang isyu ang di nareresulba. Masyado itong half-assesed at tila nangangamoy. Na parang may backdoor dealings na ginawa ang ilan upang magkasundo ng mga naglalakihang tobacco industries. At parang timing nanaman ang pagpasa nito na nalalapit na ang eleksyon. Bakit ngayong mag-eeleksyon na eh ang aaggresibo ninyo. Ang sin tax ay isa nanamang political bill product. Maganda sana kung ginawa ito nang pusong gustong makatulong.







No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...